Ikaw parin ang mahal ko at mamahalin hanggang mamatay pa ako.
"Umuwi kana."sabi ko at tumango naman siya bago kami lumabas sa kwarto nila Nic.
Hanggang ngayon gwapo parin si Demon pero parang humaba ng kaunti yung buhok niya.JOHN POV
Andito ako ngayon sa Hospital kasama si Claire.
Hindi ko alam kung bakit tinutulungan ko parin siya hanggang ngayon.
Siguro magkaibigan lang kami at mayroon pa akong utang na loob sa kanya kasi kung hindi niya inagaw si Demon kay Athena hindi mapapa sa akin ang babaeng minamahal ko.
Kaya dapat lang na tulungan ko siya.
"Deiven salamat kasi sinamahan mo ako rito para bantayan si Cath."sabi ni Claire sabay yakap sa akin.
Na alergy kasi ang anak niya kaya ayon grabe ang pag-alala haist!
Model kasi ang anak niya kay heto grabe nalang kung makapag-alala.Grabe 5 years old pa si Cath grabe marami nang kumukuha sa kanya upang gawing model sa isang magazine.
Maganda naman kasi itong si Claire kaso patay na patay kay Demon kaya heto bumawi sa anak ang lahat ng kamalasan niya.
"Uuwi na ako."sabi ko pero pinigilan niya ako.
"Samahan mo muna kami rito baka kasi sabi ng Doctor na pwede na kaming umuwi wala kaming may masasakyan at wala kaming kasama rito."sabi niya kaya huminga ako nang malalim bago tumango sa kanya.
Mabait naman si Athena sa bahay kaya heto sasamahan ko muna si Claire.
"Thank you."nakangiting sabi ni Claire sabay yakap sa akin ulit.
Pero teka?
Bakit hindi niya sinasabi sa akin kung kamusta sila ni Demon?
"Hindi na ba kayo nagsasama ni Demon?"tanong ko at bigla nalang nag-iba ang expression ng mukha niya.
"Bakit?"tanong ko.
"Hindi na kami nag-sasama kasi busy na siya kakahanap kay Athena at saka wala naman siyang pakialam sa akin, pero gumagawa parin naman ako nang paraan upang mahalin niya ako."sabi ni Claire at bigla ko nalang naalala si Athena.
Baka puntahan sila ni Demon at magkita sila.
Hindi pwede!
Lalong-lalo alam na ni Demon narito kami.
"Aalis na ako!"galit kong sabi.
"Sabi mo sasamahan mo kami?"tanong niya pero hindi ko na siya pinansin at umalis na ako sa harap niya.
Bahala na!
Ang importante makauwi ako sa bahay.
ATHENA POV
"Mauna na ako."sabi ni Demon sabay tingin sa akin kaya ningitian ko siya ng mapait.
Bakit parang kulang ang time na kasama ko siya?
Parang gusto ko siyang makasama ng matagal.
"Athena."sabi niya.
Hindi ko na pala namalayan na nasa harap ko na siya at bigla niya akong hinalikan sa labi at doon na ako gumanti sa mga halik niya sa akin.
Hindi ko na pala namalayan andito na kami sa isang kwarto at agad niya iyon nilock ang pinto.
Hindi ko alam kung anong katangahan ang ginagawa ko ngayon basta ang gusto ko lang makasama ngayon si Demon.Napatingin siya sa mga mata ko at nakikita ko ang pagmamahal sa mga titig niya sa aking mukha.
Miss na miss ko na siya at alam kong miss na miss niya rin ako dahil nararamdaman ko iyon.
Kahit gano'n ang ginawa niya sa akin noon hindi ko parin na pigilan ang sarili kong mahalin ang isang Demon Martinez na tulad niya.
"I love you."bulong niya sa tenga ko kaya napangiti ako sa simpleng salita na nagpapakilig sa akin ngayon.
"I love you too."sabi ko at tumingin siya ulit sa mga mata ko at hinalikan niya ako ulit sa labi hanggang umabot sa aking leeg.
Hindi ko alam ang gagawin ko kapag maabutan kami rito ni John.
Iba magmahal si Demon kahit nakakatakot siya mayroon parin siyang respeto, pag-alala at pagmamahal sa akin.
Parang may bumubulong sa sarili ko na hayaan siya sa ginagawa niya.
At bawat halik niya sa akin ay ramdam ko na gustong-gusto ko.
Mahal ko talaga ang lalaking ito mahal na mahal kasama ang dalawa naming mga anak.
Andito ako ngayon nakahiga kasama si Demon sa ilalim ng kumot habang wala kaming mga saplot.
"Athena."sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Alam mo, ngayon ko lang naisip na hindi ako nagsisisi kung bakit ko 'yon ginawa noon sayo, kasi kung hindi ko 'yon ginawa hindi mo ako minahal ng ganito."sabi niya kaya napangiti ako at hinalikan ko siya sa labi.
"Mahal na mahal kita Demon Martinez."sabi ko at gumanti rin siya ng halik sa akin.
"Mahal na mahal kita Athena Robert Martinez, asawa ko."sabi niya kaya napangiti ako.
Nabigla ako dahil parang may narinig kaming kotseng paparating kaya agad akong tumayo sa kama upang magbihis gano'n din siya.
"Demon umalis kana sigurado akong si John 'yan!"kinakabahan kong sabi.
"Sabihin mo sa akin kapag sinaktan ka niya!"galit niyang sabi kaya tumango nalang ako at hinalikan niya ako ulit sa labi bago siya lumabas.
Buw*sit ano na 'to kinakabahan na talaga ako.
Nagulat nalang ako nang biglang bumukas ang pinto at nakita kong pumasok si John.
Hindi ko alam kung ano ang expression niya habang lumalapit siya sa akin.
"May nakita akong kotse parang galing dito may bisita ka ba?"tanong niya habang ang dibdib ko naman sobrang bilis na pagtibok nito.
Nakakatakot ang mukha niya.
"Hindi pantay ang butones mo."sabi niya habang nakatingin sa butones ko.
Naku!
Para na akong cotton ditong nalalambot nakakatakot siya.
BINABASA MO ANG
THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBAND
Mystery / ThrillerPROLOGUE "Sino ka ba! Bakit hindi mo kayang magpakita sa akin!"sigaw ko sa loob ng Mansyon na sobrang dilim. "Pinakasalan kita dahil lahat ng taong nasa paligid ko pinapatay mo! Kaya please palayain mo na ako!"umiiyak kong sigaw. Bakit ko pinakasala...