CHAPTER 20

151 7 0
                                    

Pinipilit ko ang sarili kong lumabas ng building upang pumunta sa Resto sa harap.
Haist!
Nahihilo na talaga ako parang matutumba ako nito ng wala sa oras nakakahiya.

Hindi ko alam nang bigla nalang may umalay sa akin kaya napatingin ako at iyon ay si Sir Jhon.
Lalayo sana ako sa kanya nang  bigla niyang hinigpitan ang paghawak sa akin.

"Saan ka pupunta?"tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Sa Resto po Sir kakain lang po ako."sabi ko sabay turo sa Resto sa harap kaya hinatid niya ako roon.

Nang nando'n na kami agad akong nag-order ng kanin at ulam.

"Sir okay na po ako rito."sabi ko habang siya naman ay nasa tabi ko.

Haist please umalis kana baka makita kapa ni Demon ako na naman ang malalagot nito.

"Miss ilan lahat?"tanong ko.

"100 po Ma'am."sabi niya.
Kaya binuksan ko ang shoulder bag ko at pagbukas ko ng wallet ko 50 pesos nalang.

Nakalimutan ko wala na pala akong pera sa Monday pa ang sahod ko paano na ang gastusin ko.

"Amm Miss pwedeng hatiin mo nalang sa dalawa yung ulam at kanin ko?"tanong ko.

Habang si Sir Jhon naman naguguluhan habang nakatingin sa akin.

"Ma'am i'm sorry pero hindi po pwede."sabi niya.
At nagulat ako dahil inabutan ni Sir Jhon ang tindera ng 1000 kaya napatingin ako sa kanya.

"Miss pwedeng dagdagan mo yung ulam, ito."sabi niya sabay turo sa adobong baboy.

"Sir hindi mo na po kailanga-"hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla nalang siyang nagsalita.

"Okay lang at saka miss paki bigyan nalang kami ng dalawang drinks."sabi niya at pumunta na siya sa isang VIP table haist!
Ang mahal naman.

Bahala na basta ako gutom na gutom na talaga ako kailangan ko ng kumain.

Habang kumakain ako napatingin ako kay Sir nakatitig sa akin.

"Sir bakit po?"tanong ko.

"Wala ang cute mo lang kasi."sabi niya sabay ngiti kaya ningitian ko rin siya.
Sh*t
Ang gwapo niya.

"Sir excuse me po by the way Sir ito po ang sukli mo."sabi ng babae at nilagay ang sukli sa table.

"Athena sayo nalang 'yan."sabi niya sabay bigay ng sukli sa akin.

"Hindi ko po matatanggap 'yan Sir."sabi ko at nagulat nalang ako dahil nilagay niya iyon sa bag ko.

"Dapat kumain ka ng marami anong oras na nagtatrabaho ka pa! Dapat pagdating ng lunch kumain ka agad."sabi niya kaya tumango nalang ako.

"Thank you po Sir."sabi ko at tumango naman siya.

Pagkatapos ko nang kumain nagpaalam na ako kay Sir na pumunta sa office dahil may gagawin pa ako.

10:00pm na nang gabi at andito parin ako busy sa ginagawa ko.
Hindi na nga ako nakapaghapunan madali pa naman akong magutom ngayon.

At saka inaantok na ako.
Pero hindi!
Dapat maganda ito at gusto kong maniwala si Demon na kaya ko.

"Athena dito kalang? Mauna na ako."sabi ni Trisha kaya tumango nalang ako habang nakatingin sa computer.

"Ingat ka."sabi ko.

"Okay ikaw din."sabi niya at lumabas na siya sa loob ng office kaya ako nalang ang mag-isa rito.

Malapit na ang Monday at kulang talaga ang araw na binigay sa akin ni Demon upang gawin lahat ng pinapagawa niya sa akin.

Habang nagtatype ako bigla nalang bumukas ang pinto kaya napatingin ako wala namang tao kaya tumayo ako sa upuan upang tingnan.
Pero wala naman.
Walang hangin at saka sobrang tahimik.

Pag-ikot ko na bigla ako sa aking nakita dahil nakita ko si Demon.
Buw*sit para akong mahimatay sa takot bigla bigla nalang siyang magpapakita.

Kaya pumunta ako sa table ko na hindi ko siya pinansin.

"Bakit may kasama kang lalaki kanina!"galit niyang sabi pero hindi ko parin siya pinapansin.

"Magsalita ka!"galit niyang sabi sabay suntok sa table ko na kina bigla ko parang malaglagan ako nito sa mga ginagawa niya sa akin.

"Sinamahan niya lang akong kumain."mahina kong sabi.

"Nakakalimutan mo na ba ang mga bawal ko!?"galit niyang tanong pero hindi ako nagsalita.
Hindi talaga ko makapagfocus sa ginagawa ko dahil nandiyan siya.

Nagulat nalang ako nang pinakita niya sa akin ang kutsilyong hawak niya na may mga dugo.

Hindi ako makagalaw at alam kong may pinatay na naman siya.
Kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya ayoko siyang makita.

"Alam mo na kung sino ang pinatay ko!"galit niyang sabi.
Sobrang kabog ng aking dibdib  natatakot ako.
After ilang minuto bigla nalang siyang nawala at doon ako nakahinga ng maluwag.

Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko kahit natatakot na ako at saka mas lalo siyang magalit kapag hindi ko natapos ang ginagawa ko.

Maraming oras ang nakalipas time check 4:40Am inaantok na ako.

Kalahati pa lang ang natapos kong mga documents at dapat ko pang pag-aralan ang tungkol sa report ko sa Boss namin.

Gutom na ako.
Wala pa naman akong pagkain dito.

At ayon hindi ko nakayanan ang antok at gutom kaya nakatulog ako.

Nagising ako sa isang kwarto.

Teka?

Bakit ako nandito sa Mansyon?

Napatingin ako sa oras at napalaki ang mga mata ko.

10:17Am na ng umaga.
Oh my mapapagalitan na naman ako nito kaya dali dali akong naligo at nagbihis.

"Lagot na!"sabi ko habang naglalakad.

Nang nando'n na ako sa companya agad kong nakita si Jessa.

"Naku Athena bakit ngayon ka lang?"tanong ni Jessa.

"Bakit?"tanong ko.

"Galit daw si Boss pero hindi namin alam ang dahilan baka ikaw na naman, late ka kasi lagi."sabi niya kaya umupo na ako sa table ko at dali-dali itong tapusin.
Bukas talaga babalik ako rito last day na lagot.

Parang nawala ang gutom ko sa kaba ng naramdaman ko ngayon.

Mapapagalitan na naman ako nito.
Wala na akong kain para matapos lang itong ginagawa ko.
Promise pagkatapos nito babawi ako sa sarili ko.

Kakain ako ng marami.

Pagbukas ko ng computer upang tignan kung saan na ako malapit.

Teka?

Bakit nawala?

Kaya nagpanic na akong hanapin ang ginawa ko kagabi.

"Buw*sit magpakita kana please!"kinakabahan kong sabi.

Hindi ko ba 'yon na save ka gabi?

Naku please magpakita kana parang-awa mo na.

Parang tutulo na ang mga luha ko habang nagpapanic na hanapin ang ginawa ko.

Last day na ngayon ano na ang gagawin ko.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon