CHAPTER 25

167 7 0
                                    

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha.
Hindi ko alam nang bigla nalang tumulo ang aking mga luha.
Hindi ako makagalaw sa nararamdaman ko ngayon.
Ang sakit-sakit ng buo kong katawan.

Napatingin ako sa braso ko na hanggang ngayon may sugat at ang bedsheet ng kama ay punong-puno ng dugo ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya umiyak nalang ako ng umiyak.
Napakasama niyang klaseng tao.
Wala siyang kwenta!
Hindi man lang siya naawa sa akin!

Bakit niya ako sinasaktan ng ganito!
Bakit niya ako kailangan gahasain ng paulit-ulit.
Buntis ako at binababoy niya parin ang katawan ko.
Napahawak ako sa tiyan ko sabay tulo ng aking mga luha.

"Nagsisisi ako na bumuo ka sa tiyan ko! Napakademonyo ng ama mo! Ayokong mabuntis ng ganito! Ayokong si Demon ang magiging ama ng anak ko!"galit kong sabi at sunod sunod na pagtulo ang aking mga luha habang sinusuntok ang tiyan ko.

Parang bumaliktad ang sikmura ko kaya hindi nakayanan ng katawan ko tumakbo ng cr kaya sa sahig nalang ako sumuka.

Napatingin ako sa pinto at agad kong nakita si Demon.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

Napakasama niya!

Ayoko siyang makita!

Pero mali!
Dahil nasa harapan ko na siya ngayon at may dala siyang dress.

Teka?

Hindi ba 'yan yung dress na binigay ni Sir John sa akin?
Paano pumunta sa kanya 'yon? Inaiwan 'yan sa bahay namin.

Nagulat nalang ako nang pinipilit niya akong hubaran ng damit.

"Teka! Anong gagawin mo sa akin!"sigaw ko habang umiiyak pero hindi niya ako pinansin.

"Anong gagawin mo!"natatakot kong sabi habang pinipigilan siya.

Nang nahubad niya na ang damit ko bigla niya sa akin pinasuot ang dress na binigay ni Sir John sa akin.

"Alam ko kung sino galing ito!"galit niyang sabing nakatingin sa mga mata ko habang ako naman ay umiiyak.

"Anong gagawin mo sa akin?"umiiyak kong tanong at bigla niya nalang akong sinakal ng sobrang higpit.

"HINDI BA BINANTAAN NA KITA! PERO SIGE! MASAYA KA NAMAN SA GINAGAWA KO HINDI BA? TANDAAN MO! SA TUWING LUMAPIT KA SA JOHN NA 'YON HINDI LANG ITO ANG AABUTIN MO!"demonyo niyang sabi habang ako naman ay nagmamakaawa sa kanya.

"Hin..di ko na uu..litin, please ta..ma na ma..awa ka sa akin."umiiyak kong sabi at bigla niya akong binitawan.

"SINO ANG GUSTO MONG MAKASAMA?"sigaw niyang tanong sa akin kaya napapikit nalang ako sa takot.
Hindi ko siya kilala nakakatakot siya.

"Ikaw."mahina kong sabi habang umiiyak.

"LAKASAN MO!"sigaw niya sabay suntok sa mesa katabi ng kama.

"IKAW! Ikaw ang gusto kong makasama! Please maawa ka sa akin pagod na pagod na ako."umiiyak kong sabi at nakita ko sa mga mata niya na napangiti siya ng sarkastiko.

"KAYA DAPAT SUNDIN MO ANG MGA PINAG-UUTOS KO AT ANG MGA BAWAL KO SAYO! AKO LANG ANG DAPAT NA MAHALIN MO HUWAG ANG IBANG LALAKI!"sigaw niya sabay punit ng dress na binigay ni Sir John sa akin at doon ulit ako umiyak.

"SAGOT!"sigaw niya kaya tumango nalang ako.

Mabuti nalang lumabas na siya kaya doon na ako umiyak na parang bata.

Maraming mga pasa ang kamay at hita ko dahil sa ginawa niya sa akin.

Athena sundin mo nalang siya upang hindi ka mapahamak.

Gawin mo nalang ito para sa anak mo.

Hindi ko na pala namalayan na tanghali na kaya heto ako ngayon sa cr nakatingin sa salamin.
Awang-awa na ako sa sarili ko.

Kinuha ko ang T-shirt na binili niya sa akin at sinuot ko iyon.

Napatingin ako sa tiyan ko sabay tulo ng aking mga luha.

"Patawarin mo ako anak! Patawarin mo ako kung bakit inisip ko na nagsisisi ako na dumating ka sa buhay ko! Pero sana huwag kang mawala sa akin tulad nina Mama at Papa."umiiyak kong sabi.

"Samahan mo si Mama!"sabi ko at doon na sunod sunod na pagtulo ang aking mga luha.

Maraming araw ang nakalipas at andito parin ako sa Mansyon.
Hindi na ako bumalik sa trabaho dahil ayokong maulit ang nangyari sa akin kung gaano ako sinaktan ni Demon.
Habang nakahiga ako sa kama  napahawak ako sa tiyan ko na medyo malaki na at hindi parin alam ni Demon na buntis ako.

At saka paano niya malalaman busy nga siya sa companya niya.

At saka wala na pala akong cellphone kinuha sa akin iyon ni Demon.

Nagtataka ba kayo kung bakit hindi pumasok sa isip ko na umalis dito?
Pero kahit aalis ako rito wala rin naman akong magagawa.
Dalikado kung mapasakamay niya ako dahil sigurado akong papatayin niya talaga ako.
Kaya heto ako ngayon nagpapakabait sa kanya.

10:00pm na pala nang gabi hindi pa ako kumakain gutom na gutom na ako.

Nagulat nalang ako nang biglang bumukas ang pinto at nakita kong pumasok si Demon may dalang dinner.

"Kumain ka ng marami."sabi niya at nilagay iyon sa mesa at umalis na siya sa harap ko kaya agad ko 'yon kinuha at kinain.

Pagkatapos kong kumain agad kong dinala sa kusina ang plato ko.

Nang nado'n na ako agad kong nakita si Demon naghuhugas ng plato.

"Akin na yung plato mo."sabi niya.

Habang naghuhugas siya hindi ko maiwasang isipin kung ano talaga ang mukha ng lalaking ito.

Magmamana kaya sa kanya ang anak ko.

"Alam kong tinititigan mo ako!"galit niyang sabi kaya yumuko nalang ako dahil galit na naman siya.
Aalis na sana ako nang bigla niya akong tinawag kaya napatingin ako sa kanya.

"Dito ka lang."sabi niya.

Habang nakatayo ako sa tabi ng pinto napatingin ako sa tattoo niya.

Bakit ganyan ang ukit?
At saka nasaan na ang Garrel na 'yon?

Gusto kong hanapin ang Garrel na 'yon dahil siya lang makakasagot kung sino talaga si Demon.

Pero natatakot ako na baka malaman niya ang ginawa ko sasaktan niya naman ako.

"Bakit tumataba ka?"tanong niya sabay lapit sa akin kaya natauhan ako sa kanyang tanong.

Napatingin ako sa katawan ko at agad ko 'yon iniwas at tumingin sa kanya.

"Madami lang kasi ang kain ko."sabi ko at tumingin lang siya sa akin.

"Mag-ayos ka may pupuntahan tayo!"sabi niya kaya tumango nalang ako.

"Pupunta muna ako sa taas."nakayuko kong sabi at bigla niyang hinawakan ang aking mukha ng dalawang palad niya upang makatingin ako sa kanya.

"Natatakot ka ba sa akin?"tanong niya.

"Mag-aayos na ako."sabi ko at tinalikuran ko nalang siya.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon