JOHN POV
Hindi ako makapaniwala sa aking narinig.
Anak ni Demon ang dinadala ni Athena?
Paano nangyari iyon?Hindi ko alam nang bigla nalang kumirot ang aking dibdib.
Bakit parang nasasaktan ako?
Bakit parang tinutusok ang puso ko ng marinig iyon mula kay Demon.Hindi ko naman gusto si Athena pero bakit parang nararamdaman ng puso ko na matagal ko na siyang kilala?
Haist!
Ano ba John tumahimik ka nga!
Malabo kang magkakagusto kay Athena marami namang mga magagandang babae r'yan.ATHENA POV
Andito na pala kami sa Mansyon at hanggang ngayon hindi parin ako pinapansin ni Demon.
Anong nangyayari sa kanya?
Hindi naman siya ganito.
Hindi ko namalayan andito na pala kami kwarto.
"Bakit ka nakapunta sa tulay na 'yon kasama si John?"tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.
Akala ko hindi siya magagalit pero nagkamali lang pala ako.
"Pumunta kasi ako-"hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla nalang siyang nagsalita.
"Athena pwede ba hintayin mong manganak ka bago ka lumabas ng hindi nagpapaalam! Hindi mo ba naintindihan anak ko 'yang dinadala mo!"galit na sabi ni Demon kaya napatulo ang aking mga luha.
Sa bata lang talaga siya nag-alala hindi sa akin.
"Naintindihan mo ba!"sigaw niya kaya tumango nalang ako.
"Mabuti nalang buntis ka dahil kung hindi masasaktan talaga kita!"galit niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya.
"Anak ko rin naman itong dinadala ko! Sana hinayaan mo nalang ako marunong din naman ako umuwi!"galit kong sabi kaya bigla niyang sinuntok ang dingding sa sobrang galit.
"Ang tigas tigas talaga ng ulo mo!"galit niyang sabi.
Hindi ko namalayan na nasa harap ko na siya.
"Tandaan mo! Kapag mayroong masama sa anak ko papatayin talaga kita."sa sinabi niya parang guguho ang mundo ko.
Tama ka Athena wala talaga siyang pakialam sa iyon.
Malabo ka niyang mamahalin.
Umalis na siya sa harap ko at nilock ang pinto.
Kaya doon na sunod-sunod na pagtulo ang aking mga luha.
DEMON POV
Andito na ako sa sala at agad kong nakita si Lola papalapit sa akin.
"Apo pasinsya kung hindi kami nagpaalam na pupunta si Athena sa companya mo."sabi ni Lola.
"Bakit niyo ba siya pinayagan! At saka pwede ba sa susunod ayokong pupuntahan niya ako roon!"galit kong sabi.
"Pasinsya talaga Apo, dinalhan ka lang naman ni Athena ng makakain mo kasi nag-alala siya na hindi ka raw kumakain bago pumasok."sabi niya na kinagulat ko.
Napatingin ako sa taas.
Bakit niya iyon ginawa?
Akala ko wala siyang pakialam sa akin pero ako itong hinahayaan siyang lumabas sa companya ng hindi man lang siya hinatid.
ATHENA POV
Andito ako ngayon nakahiga sa kama habang umiiyak.
"Anak paano kapag makalabas kana riyan? Siguro wala na talagang pakialam ang papa mo sa akin."sabi ko habang hinihimas ang aking tiyan
Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako kung hayaan nalang ako ni Demon.
Pero bakit natatakot ako na kunin niya ang anak ko at paalisin ako rito.
Ayokong mangyari iyon.Na bigla nalang ako nang bumukas ang pinto at pumasok si Demon.
Hindi ko siya pinansin baka magagalit na naman 'yan.
"Athena."sabi niya sabay lapit sa'kin sa kama.
"Tumingin ka sa'kin."utos niya kaya napatingin ako sa kanya at nakita niya ang mga mata ko kagagaling sa iyak.
At nagulat nalang ako nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
"Sorry."bulong niya sa akin.
Teka?
Totoo ba itong naririnig ko o guni-guni lang?
Hinawakan niya ang mukha ko gamit ang dalawa niyang pala upang makatingin sa kanya.
"Sorry kasi hindi kita hinatid dito."sabi niya pero ayoko parin siyang pansinin galit ako sa kanya.
"Athena."sabi niya.
"Please magsalita kana man."sabi niya.
"Umalis ka muna ayaw kitang makausap."sabi ko.
"Sorry na please? Promise bukas hindi ako papasok sasamahan kita rito."sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
Bakit parang naging cotton ako sa harap ni Demon?
Parang nalalambot ako sa tuwing magsalita siya nang ganyan.
"Huwag ka nang magalit."sabi niya at tumango nalang ako kaya niyakap niya ulit ako nang mahigpit.
Maaga akong gumising at syempre pagmulat ng aking mga mata agad kong nakita si Demon.
Bakit nakabonet parin siya?
At saka kung mahal niya ako dapat na siyang magpakita sa akin.
"Nagugutom kana ba?"tanong niya.
"Hindi pa."nakangiti kong sabi.
"Kahit hindi ka pa gutom dapat ka nang kumain para sa baby natin."sabi niya.
"Wait ipaghahanda kita ng pagkain."sabi niya tatayo na sana siya nang bigla kong hinawakan ang kamay niya kaya napatingin siya sa akin.
"Demon gusto kong makita ang mukha mo."sabi ko at nakita kong nag-iba ang expression ng kanyang mga mata.
"Hindi pwede."sabi niya.
"Bakit? At saka hindi ba sabi mo mahal mo ako at mahal din kita, sana pagkatiwalaan mo naman ako."sabi ko at napabuntong hininga siya sa sinabi ko.
"Athena please makinig ka sa akin, kaya ko tinatago ang mukha na 'to dahil kapag makita mo pwede lahat magbago at pwedeng mawala ang lahat lsa akin lalong-lalo kana."sabi niya kaya napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
Hindi ko siya maintindihan.
Ano ang ibig niyang sabihin?
Bakit ayaw niyang ipakita sa akin ang mukha niya, wala namang mawawala kung makita ko ang mukha niya at saka mahal niya naman ako.
Hindi ako mapakali dahil gustong-gusto ko talaga siyang makita.
Hindi ako sanay sa ganito na nakabonet lang siya na magkakaroon na kami ng anak na hindi ko parin nakikita ang mukha niya.
Naalala ko ang litrato ni Sir John sa dingding kasama ang isang babae at dalawang lalaki.
Nakapagtataka talaga.
Dapat kong malaman kung sino ang mga taong 'yon.
At dapat kong malaman kung sino talaga si Sir John kung bakit may kinalaman siya sa Mansyon na ito at bakit hindi siya pinapatay ni Demon sa tuwing magkasama kami.
Sorry Demon kung hindi kita sinusunod sa mga utos mo.
Pero hindi mo naman sinasabi sa akin ang mga tanong ko kaya ako na mismo magtutuklas tungkol sa'yo kay Sir Jhon at sa Mansyon na 'to."Naintindihan mo ba ako Athena?"tanong niya kaya tumango nalang ako habang ningingitian siya.
BINABASA MO ANG
THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBAND
Misterio / SuspensoPROLOGUE "Sino ka ba! Bakit hindi mo kayang magpakita sa akin!"sigaw ko sa loob ng Mansyon na sobrang dilim. "Pinakasalan kita dahil lahat ng taong nasa paligid ko pinapatay mo! Kaya please palayain mo na ako!"umiiyak kong sigaw. Bakit ko pinakasala...