CHAPTER 42

120 5 0
                                    

"Sige Mrs. Martinez babalik ka nalang dito bukas upang icheck natin ulit ang puso mo."sabi niya at binaba ko na ang tawag.

Napatingin ako sa tiyan ko sabay tulo ng aking mga luha.

Ano na ang gagawin ko?

Natatakot ako.

Wala pa naman akong pera upang ipagamot ko.

Kung lalapitan ko si John nahihiya ako dahil hindi niya ako naalala at sigurado akong takot na siya kay Demon.
Wala na ako ibang malapitan.

Pero Demon.

Nahihiya ako sa mga sinabi ko sa kanya.

Ako na nga itong nagsabi sa kanya na layuan ako pero.

"Ano na ang gagawin ko?"umiiyak kong tanong sa sarili ko.

Siguro kailangan kong ibaba ang pride ko.

Gagawin ko lang naman ito para sa anak ko.

Kaya agad kong kinuha ang bag ko upang pumunta sa Mansyon ni Demon.

Nang nando'n na ako sa gate.

"Ma'am Athena mabuti bumalik na kayo."masayang sabi ni Manong.

Magsasalita na sana ako nang bigla nalang may dumating na magarang sasakyan kaya napatingin kami ni Manong kung sino ang dumating.

"Ma'am andito na pala si Sir Demon."masayang sabi ni Manong.

Nang makababa na si Demon sa kotse lalapit na sana ako nang bumaba sa kabila si Claire.

"Sir andito po si Ma'am Athena."sabi ni Manong kaya lumapit si Demon sa amin.

"Bakit ka nandito?"tanong niya kaya napayuko nalang ako.

Bakit parang nahihiya ako sa kanya?

Magsasalita na sana ako nang biglang lumapit si Lola sa amin.

"Athena andito ka pala."masayang sabi ni Lola sabay lapit sa amin kaya sabay kaming napatingin sa kanya.

"Hi Lola."nakangiting sabi ni Claire sabay lapit kay Lola.
Haist!
Ang plastic talaga ng babaeng 'yon.

"Tara sa loob."sabi ni Demon sabay pasok habang ako naman ay nanatiling nakatayo.
Ano na ang gagawin ko?

Nahihiya ako sa kanya sa sinabi ko sa kanya.

"Athena Apo pasok na tayo sa loob."sabi ni Lola sabay lapit sa akin at hinawakan ang aking kamay.

Kaya heto pumasok na kami sa loob ng Mansyon.
Nang nando'n na kami.

"Apo bakit ka pala nandito?"tanong ni Lola kaya napatingin ako sa kanya.

"Kasi-"hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla nalang  nagsalita si Claire.

"Lola baka gusto niya lang himingi ng pera kay Demon upang makalayo na sa inyo."sabi ni Claire.

Hindi ko alam ang sasabihin ko pagkatapos niya iyan sabihin sa harap namin.

Totoo nga ba?

"Athena."sabi ni Demon kaya napatingin ako sa kanya.

"Alam mo Athena magpapakasal na kami ni Demon at saka heto nakita mo ba?"tanong niya sabay pakita ng engagement ring sa daliri niya.

"Mas mabuti nga na pumunta ka rito upang hindi na kami mahirapan ni Demon na ipawalang bisa ang kasal niyo."nakangiting sabi ni Claire.

Parang tutulo ang mga luha ko.

Bakit nasasaktan ako?

"Apo."sabi ni Lola sabay lapit sa akin.

"Ito nga pala permahan mo, dinala talaga ito ni Demon para agad kaming mapakasal sa mas lalong madaling panahon hindi ba?"tanong ni Claire sabay yakap sa bewang ni Demon.

Kukunin ko na sana ang brown envelop na hawak niya nang bigla nalang itong kinuha ni Demon.

"Next time nalang ito."walang gana niyang sabi.

"Bakit naman?"galit na tanong ni Claire kay Demon.
Pero hindi iyon pinansin ni Demon.

"Athena dito kana ba ulit titira?"tanong ni Lola.
Magsasalita na sana ako nang biglang nagsalita si Demon.

Hay naku ano ba ang nangyayari sa mga tao rito.

"Ayaw niya naman dito tumira bakit pa natin siya pipilitin?"tanong ni Demon.

Ayaw niya talaga siguro akong tulungan.

"Pero apo buntis pa naman si Athena."sabi ni Lola.

"Lola hindi na tayo kailangan ni Athena at saka kaya niya naman siguro, hindi ba Athena?"tanong ni Demon habang si Claire naman ay nakangiti sa kanyang tabi.

Parang tutulo na ang mga luha ko sa sinabi ni Demon.
Pero Athena pigilan mo.
Hindi ka niya dapat makita na ganyan.

"Mauna na po ako Lola."sabi ko sabay talikod at doon na sunod-sunod na pagtulo ang aking mga luha.

Bakit nagsisisi ako sa mga sinabi ko sa kanya?

Bakit ayaw ko siyang makita na kasama si Claire?

Kasalanan ko ito!

"Ma'am okay lang po ba kayo?"nag-alalang tanong ni Manong sa akin.

"Okay lang po."sabi ko sabay pahid ng aking luha.
Kaya lumabas na ako sa gate.

Habang naglalakad ako hindi ko talagang mapigilan ang mga luha ko.

"Kasalanan mo ito Athena!"galit kong sabi sa aking sarili.

"At ngayon wala ng pakialam si Demon sa'yo! Kaya heto ka ngayon! Hindi ko na alam ang gagawin ko!"umiiyak kong sabi sabay upo sa gilid.

Patawarin mo ako Demon sa lahat ng mga na sabi ko sa iyo.

Bakit parang minahal na kita?
At bakit ayaw kong mawala ka sa akin?

"Ito panyo."

Napatingin ako sa lalaking nagsalita.

Si John?

"Huwag ka nang umiyak."sabi ni John at tinulungan niya akong tumayo at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Andito na ako."sabi niya.

Bakit parang hindi ako kinilig?

Parang si Demon parin ang hinahanap ng puso ko.

"Huwag ka nang umiyak makakasama 'yan sa baby mo."sabi niya sabay pahid ng luha ko gamit ang dalawa niyang palad.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon