Habang nakahiga ako sa kama naramdaman kong may yumayakap sa akin mula sa likuran.
"Salamat."bulong niya sa tenga ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Para saan?"tanong ko.
"Kasi sa lahat ng ginawa kong masama sa iyo tanggap mo parin ako."sabi niya kaya tumahimik nalang ako.
D'yan ka nagkakamali dahil galit na galit parin ako sa'yo!
Pinatay mo mga kaibigan at mga magulang ko!
Kaya dapat ikaw ang mamatay!"Matulog na tayo."sabi ko at hinalikan niya ako sa noo.
"Mahal na mahal kita."sabi niya sabay tingin sa aking mga mata.
"Mahal din kita."pinipilit kong sabi.
Maaga akong gumising na wala na si Demon sa aking tabi.
Nasaan na kaya ang lalaking 'yon?Kaya agad na akong pumunta ng cr upang maghilamos.
Nakaraan ang ilang minuto bumaba na ako at agad kong nakita si Lola.
"Nasaan si Demon?"tanong ko.
"Nasa companya na siya at saka hindi ka niya ginising kasi masarap daw ang tulog mo."nakangiting sabi ni Lola.
"Amm Lola pwede po ba akong pumunta sa companya?"tanong ko.
"Magagalit si Demon."sabi niya.
"Pero pupuntahan ko lang siya at saka dadalhan ko siya ng pagkain alam kong hindi kumakain 'yon tuwing umaalis dito."sabi ko at huminga nalang ng malalim si Lola.
"Sige magbihis kana ako na ang maghahanda ng dadalhin mo roon."sabi niya at tumango nalang ako.
After kong magbihis agad ko ng kinuha kay Lola ang dadalhin ko para kay Demon.
"Manong gaanong katagal kana po bang nagtatrabaho kay Demon?"tanong ko habang siya naman ay nagmamaneho ng kotse.
"Nakalimutan ko na po Ma'am at saka sabi ni Ate Lorna matagal na po akong nagtatrabaho kay Boss Demon."sabi niya kaya tumango nalang ako.
Nakapagtataka talaga kasi yung mga tao sa companya at sa Mansyon nakakalimutan nila ang mga tao sa paligid at nakaraan nila.
Dapat kong malaman ang nakaraan sa mga nangyayari ngayon.
"Ma'am andito na po tayo."sabi niya at agad na akong bumaba ng kotse.
Nang nando'n na ako sa office namin.
Buw*sit nakalimutan ko ang baon ni Demon sa kotse."Athena? Bakit ngayon ka lang pumunta rito?"gulat na tanong ni Jessa.
"Teka? Buntis ka?"tanong ni Julius kaya tumango nalang ako.
"Kaya siguro hindi pumasok 'yan kasi binuntis ng tambay haha."natatawang sabi ni Vergie.
"Oo nga haha kawawa!"sabi ni Angelica.
"Sino ba ang ama ng anak mo? Kawawa naman ang anak mo haha."sabi ni Vergie.
"Ano ba Vergie! Huwag mo ngang awayin si Athena at saka kababago mo lang rito ganyan kana!"galit na sabi ni Julius.
"Hoy bakla! Huwag kang mangialam! At saka usap-usapan naman dito kung bakit hindi na nakapasok 'yan sa trabaho!"galit na sabi ni Angelica.
"Haha kawawa! Ano kaya ipapakain mo sa bata!"sabi ni Vergie.
"Sabihin mo sino ang Ama ng batang 'yan!"galit na sabi ni Angelica .
"AKO!"
Nagulat nalang kami nang biglang may nagsalita mula sa aking likuran.
Pagtingin ko si Demon.
Makikita mo sa mga mata niya na masama ang tingin niya kina Vergie at Angelica.
Hindi ko na pala namalayan na nasa harap na namin siya.
"Kaya siya hindi nakapasok rito dahil ayaw kong mahirapan ang ASAWA KO! At kayong dalawa! Umalis na kayo rito!"sigaw ni Demon kaya halos lahat kami nakayuko sa harap niya.
Nakakatakot siya.
"Boss hindi-"hindi natuloy ang sasabihin ni Vergie biglang kinuha ni Demon ang mga gamit nila at tinapon iyon sa harapan nilang dalawa.
"Companya ko ito! At ang batang sinasabihan niya siya rin ang BOSS NIYO! Naintindihan niyo! Kaya umalis na kayo RITO!"sigaw ni Demon kaya napatingin ako sa kanya.
"Pero Boss hindi namin alam na asawa mo pala si Athena."sabi ni Angelica.
"Oo hindi niyo alam! Pero yung anak ko huwag niyong problemahin kung ano ang ipapakain ni Athena sa kanya! Anak ko lang naman ang magiging CEO ng companyang ito balang araw at siya rin ang magpapakain sa mga pamilya ninyong lahat!"galit na sabi ni Demon.
Concern siya sa anak ko.
Siguro kung hindi ako buntis hindi niya rin ako ipagtatanggol tulad ngayon.
"Boss parang-awa mo na kailangan pa namin ng trabaho."umiiyak na sabi ni Vergie.
"Pulutin niyo ang mga gamit niyo at umalis na kayo sa harap ko! O gusto niyo ipakaladkad ko kayo sa Guard!"galit na sabi ni Demon kaya agad nilang pinulot ang kanilang mga gamit sa sahig.
Tutulungan ko na sana sila nang biglang hinawakan ni Demon ang kamay ko ng mahigpit.
"Hayaan mo sila!"galit niyang sabi.
"Pero hindi naman nila sinasadya na awayin ako."sabi ko.
"Huwag kanang mangialam kung ayaw mong mas malala pa itong gagawin ko!"galit niyang sabi kaya tumahimik nalang ako.
Naalala ko na baka patayin niya si Angelica at Vergie.Dahil sa tuno ng kanyang pagsasalita.
Hindi ko na pala alam na andito na kami sa kanyang office.
"Bakit ka nandito! Sinabi ko ba pumunta ka rito?"galit niyang tanong kaya napayuko nalang ako.
"Magsalita ka!"sigaw niya kaya napatulo ang aking mga luha.
Akala ko magbabago na siya pero heto na naman siya galit na galit.
"Uuwi na ako."mahina kong sabi sabay talikod sa kanya kaya bigla niyang hinawakan ang aking braso.
"Si Manong ba ang naghatid sayo rito? Mamaya pagsasabihan ko 'yon! At si Lola kung bakit pinayagan kang pumunta rito!"galit niyang sabi.
"Ako yung gustong pumunta rito kaya please huwag mo silang idamay."umiiyak kong sabi kaya bigla niya akong binitawan.
"Ako ang BOSS ng companyang ito at ng MANSYON kaya ako ang masusunod kung ano ang gagawin mo!"galit niyang sabi at bigla nalang bumukas ang pinto at pumasok ang isang maganda at sexy na babae.
"Hi Demon."nakangiti niyang sabi sabay lapit kay Demon.
Teka?
Sino siya?
"Umalis kana! Mamaya na tayo mag-usap!"galit niyang sabi kaya tinalikuran ko nalang siya sabay tulo ng aking mga luha.Buw*sit siya!
Paalisin niya ako kasi may babae siya!
BINABASA MO ANG
THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBAND
Mystery / ThrillerPROLOGUE "Sino ka ba! Bakit hindi mo kayang magpakita sa akin!"sigaw ko sa loob ng Mansyon na sobrang dilim. "Pinakasalan kita dahil lahat ng taong nasa paligid ko pinapatay mo! Kaya please palayain mo na ako!"umiiyak kong sigaw. Bakit ko pinakasala...