CHAPTER 19

149 7 0
                                    

Hindi ako makagalaw habang nakatingin sa mga mata niya.

Hindi ko na pala namalayan na tumutulo na ang aking mga luha dahil sa takot.

Kaya pinipilit ko talaga siyang itulak at mabuti naman hinayaan niya nalang akong umalis sa harap niya.

Andito ako ngayon sa kwarto umiiyak.

"Napakasama niya!"galit kong sabi habang sunod-sunod na pagtulo ang aking mga luha.

Makakahanap din ako ng paraan upang makaalis dito!

After mga ilang minuto bigla nalang bumukas ang pinto kaya agad kong pinunasan ang mga luha ko at nakita ko si Demon papalapit sa akin habang may bitbit na brown envelop.

"Permahan mo 'yan!"galit niyang sabi kaya napatingin ako sa envelop na inabot niya sa akin.

"Ano 'to?"tanong ko habang binubuksan ang envelop.

"Permahan mo 'yan para maging asawa kita at ayokong may ibang lumalapit sa iyo! Na intindihan mo naman siguro 'yon!"sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi pwede! Ayoko!"sabi ko at bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang aking braso.
Ang sakit sakit na talaga ng braso ko, sigurado akong may pasa na ito.

"Nasasaktan ako."umiiyak kong sabi kaya binitawan niya ako.

"Kapag hindi mo permahan 'yan alam mo na ang gagawin ko sa mga magulang mo pati na sa Joseph na 'yon!"galit niyang sabi.
Kaya niya nga akong saktan ang mga mahal ko pa kaya sa buhay.

"Huwag mong pakialaman ang mga magulang ko parang-awa mo na."umiiyak kong sabi.
Salita niya sana ang hinihintay ko pero binigyan niya ako ng ballpen.

"Ayokong hinihintay ako!"galit niyang sabi kaya kinuha ko ang ballpen na hawak niya at agad akong pumerma sa gusto niya.

Pagkatapos kong permahan agad niya iyon kinuha sa kamay ko at umalis na siya.

Ngayon asawa na ako ng isang demonyo ano na ang gagawin ko.
Napatulo nalang ang mga luha ko sa mga problemang iniisip ko.

Sana hindi nalang ako pumasok sa loob ng office niya baka iyon ang dahilan ng pagkagalit niya sa akin.

Sana walang masamang mangyari sa mga magulang ko dahil ginawa ko naman ang gusto niya.

"Gusto ko ng umalis dito."sabi ko sabay tulo ng aking mga luha

Hindi ko na pala namalayan na nakatulog ako sa sobrang iyak.

Kaya heto ako ngayon maagang gumising may trabaho pa kasi ako at baka mapagalitan na naman ako kapag na late.

Andito ako ngayon sa cr tinitignan ang mga mata ko na malaki ang eyebags dahil sa sobrang iyak kagabi pati na ang braso ko na mayroong pasa.
May trabaho pa naman ako baka magalit si Demon kapag hindi ako pumasok.

At bigla ko nalang naalala ang PT na binili ko kahapon kaya agad ko 'yon kinuha sa bag upang itry kung buntis talaga ako.

After 30 second na paghihintay ko habang tinitignan ang PT para akong kinakabahan.

What if buntis talaga ako?

Anong gagawin ko?

Nagulat ako nang bigla may Red two line akong nakita kaya bigla ko nalang nabitawan ang PT sabay tulo ng aking mga luha.

Hindi ko alam ang gagawin ko sasabihin ko kaya ito kay Demon?

Pero natatakot ako na baka kunin niya ang anak ko sa akin.

Hindi niya dapat malaman na buntis ako.

Kaya agad kong kinuha ang PT sa sahig at pumunta sa kwarto upang ilagay iyon sa isang drawer na hindi niya makikita.

Andito na ako ngayon sa companya kaya dumiretso na ako agad sa aming office.
Nang nando'n na ako sa aking table nagulat ako sa aking nakita.

Dahil tambak-tambak na documents ang nakapatong sa table ko kaya agad kong nilapitan si Trisha upang tanungin kung sino ang naglagay ng mga documents doon sa table ko.

"Trisha sino ang naglagay ng mga documents doon sa table ko?"tanong ko kaya napatingin siya sa akin.

"Ulitin mo raw sabi ni Boss mali kasi ang pagkagawa ni Sheena."sabi ni Trisha na kinagulat ko.

"Teka! Hindi ba meron pa akong project na kailangan unahin bakit ako yung nakanassign sa mga 'yan?"tanong ko sabay turo sa mga documents.

"I'm sorry Athena pero inutusan lang ako ni Boss."sabi niya kaya napayukom ang aking kamao.

Hindi naman tama itong pinapagawa niya sa akin!

Kaya agad na akong lumabas ng office upang puntahan ang Boss ko na 'yon.

Nang nando'n na ako sa kanyang office hindi na ako kumatok at agad ko siyang nakita habang nakaupo.

"Bakit ka nandito?"tanong niya kaya huminga ako ng malalim.
Sige na Athena huwag kang kabahan.

"Ano yung mga documents sa table ko?"tanong ko.

"Hindi ba nasabi ni Trisha sayo?"walang gana niyang tanong habang nakatingin sa loptop niya.

"Sinabi niya sa'kin na ako raw ang uulit sa ginawa ni Sheena."sabi ko.

"Always ka late sa trabaho at saka alam mo naman kung ano ang rule ko rito sa companya hindi ba?"tanong niya sabay tingin sa akin.

"Pero may project pa akong kailangan unahin hindi ko 'yon kayang pagsabayin."sabi ko at narinig kong tumawa siya ng sarkastiko.

"Hindi ko na problema 'yon! At saka ano pa ang hinihintay mo! Kapag hindi mo nagawa yung mga pinag-uutos ko alam mo na ang mangyayari! Maraming mga Business partner ko ang haharap sa iyo nakakahiya naman kung wala kang alam."sabi niya.

"Pwede sa iba ko munang mga kasamahan ang gagawa no'n? Hindi ko talaga makakaya 'yan at saka same deadline pa naman."sabi ko.

"Boss mo ako kaya dapat tawagin mo akong BOSS!"galit niyang sabi na kinagulat ko kaya yumuko nalang ako sa kanyang harapan.

Bakit palagi nalang akong natatakot sa kanya?

"Maliwanag!"galit niyang sabi kaya pinipilit ko nalang ang sarili kong tumango.

"Pwede ka nang lumabas upang gawin ang trabaho mo!"galit niyang sabi kaya lumabas nalang ako ng office niya.
Hindi ko alam ang gagawin ko kaya tumulo nalang ang aking mga luha.

Kaya agad ko iyon pinunasan gamit ang palad ko at agad na akong pumunta sa office namin upang gawin ang trabaho ko.

After 2 hours 12:07pm na ng tanghali andito parin ako sa table nagdodotdot ng computer.
Haist!
Wala naman may tumulong sa akin nakakapagod at saka gutom na gutom na ako ngayon hindi pa kasi ako nakapagbreafast dahil dali-dali ako ditong pumasok.

"Athena kain tayo."pag-aaya ni Jessa.

"Mauna na kayo susunod nalang ako."sabi ko habang nakatingin sa computer.

"Okay dadalhan kana lang namin ng pagkain."sabi ni Julius at umalis na silang dalawa.

Kaya heto ako ngayon nag-iisa sa office habang patuloy parin sa aking ginagawa.
Hindi ko alam ang gagawin ko dahil bigla nalang bumaliktad ang sikmura ko kaya tumakbo ako sa cr upang sumuka.

Pagtingin ko sa salamin parang naging blurd yung paningin ko.

Para akong nahihilo kaya kumapit ako sa pinto upang hindi ako bumagsak.

Kailangan ko na sigurong kumain gutom na gutom na ako.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon