Chapter 2

89 4 9
                                    

                              Zio?

"Gago kaba?" Kunot noong tanong nya.

"Anong sabi mo?!" Galit kong tanong.

Umasim ang mukha nya. "Tinatanong ko kung gago kaba?" Inulit pa!

"Hoy totoy! Sino ka na naman ba kase?"

nanlaki ang butas ng ilong nya habang nakaturo sakin. "T-totoy!? sinong totoy? Hindi ako totoy! Zio ang pangalan ko! ZIO as in Z-I-O!"

"Oo na, I get it, I get it, ikaw si Zio,  ZIO."

"How dare you to call me totoy!" Umuusok pa din ang ilong nito.

"Oo na nga diba, hindi kana totoy," Nauubusan ng pasensyang sabi ko.

"How dare she to call me totoy I'm old enough na kaya." May pa bulong-bulong pang nalalaman.

Isinenyas ko ang kamay ko "Continue."

"A-anong continue?" Takang tanong nya.

"Continue! proceed, reassume, progress, extend, remain, magtuloy, ipagpatuloy, dugtungan,"

"Alam ko!" Inis na sigaw nya.

"Alam mo naman pala, eh bakit sabi mo 'A-anong continue?' " Ginaya ko ang paraan ng pagsasalita nya.

"What I mean is, what should I continue?" Nauubusan na din sya ng pasensya.

"Ahh, yung pangalan mo, Zio ano, Zio Totoy?

"I said I'm not a totoy!"

"Ano nga kasing buo mong pangalan para hindi na kita tawaging totoy?"

Napakunot ito.

"Hindi mo alam?"

Inirapan ko sya. "Look, magtatanong ba ako kung sino ka, kung alam ko naman pala?"

Natigilan ito, at maya maya pa'y napatakip sa bibig, at gulat akong tinuro.

"So it's true?" Tanong nya.

"Na alin?" Kunot noong tanong ko.

Tch! sino ba kase tong ungas na toh!

"Na may amnesia ka!" Gulat pa ding sabi nito.

Tinignan ko sya na para bang may tililing sya sa utak.

"Akala ko ba alam na nilang lahat tch!" Bulong kong saka ako tumingin ulit sa kanya.

"Ako! Ako zoe! Ako!" Gulat akong napatayo ng bigla itong lumapit sakin at parang tangang niyuyugyog ako.

"A-anong ikaw?!" Sigaw ko dito.

"Kilala mo ba ako?" Tanong nya na ayaw pa ding tumigil sa pag yugyog sakin.

Inis ko itong tinulak. "Tangina ikaw ata ang gago dito, kakasabi ko lang diba hindi kita kilala!" Sigaw ko dito.

Ngayon ko lang naalala na nasa loob pala kami ng classroom at lahat ng naroon ay pinagtitinginan kami.

"Guys narinig nyo yun?"

"Gago nagmura si zoe!"

"Isa pa nga, sarap sa ears"

Peste! Mind your own nalang pede?!

Muli akong tumingin sa wirdong lalaki, nakanganga ito habang nanlalaki ang mga matang nakaturo sa mukha ko.

Puta sino ba kase toh!

"Z-zoe ikaw ba talaga yan?" Tanong nito.

Hinde!

"Sino kaba kase!" Inis na talagang tanong ko, bigla naman itong sumeryoso at tinignan ako ng deretso sa mata, peste bigla akong kinabahan!

Chasing Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon