Chapter 3

81 2 12
                                    

                       Zoe's friends?

"Hindi nga?" Napaharap pa ako sa kanya. "Totoong crush mo'ko? biniro lang kita umamin ka naman, boplaks ka din e noh."

Napatungo naman ito.

"Matagal na kitang crush Zoe..."

Ah si Zoe pala, kala ko ako.

Bobo ka Gab!!

"Una palang kitang makita, alam ko na na gusto kita." Tumingin ito sa kalangitan. "Alam na ng karamihan yon pati ikaw,"

Ah talaga ba't di'ko alam!!

Saka ito bumaling sakin, nakakatawa lang na ang gwapo nya sa ganong postura, nakaupo ito sa damuhan habang ang mga kamay niya ay nasa likod nya at naka lapag sa damuhan para hindi sya mapahiga at sya ay nakatitig sakin.

"Umamin na din ako sayo noon," Patuloy nya. "Pero ipinahiya at  ipinagtabuyan mo lang ako." At saka ito ngumiti ng mapait.

Ang sakit naman non, grabe kana Zoe!

I'm speechless, wala akong masabi!

"Ahm.." Panimula ko. "Ganon ba, edi nagalit ka sakin?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya.

He shook his head,

"Aaminin ko, nagalit ako sayo pero hindi yon nagtagal lalo na nung nabalitaan kong naaksidente ka."

Kasalanan toh ni Zoe!!

"Nag alala ako sayo ng sobra, pinuntahan ko lahat ng hospital para hanapin ka." Gulat akong napatingin sa kanya. "Pero wala ka." Tumingin sya sakin.

"Ahh-hehe sa di-dinala nila ako sa US, doon nila ako ipinagamot." Kabadong sagot ko.

Peste! yun kase yung sinabi ni Zoe, kapag daw may nagtanong kung saan sya na-confined, isagot daw na ipinadala sya sa US at doon inoperahan!

Ao naman non! Opera agad?

"Ganon ba katindi yung nangyari sayo?" Alala lang tanong nya.

"Hi-hindi naman, oa lang talaga yung parents ko, oo tama ganon nga." Ako naman ngayon ang nauutal, Buset!

"Buti naman kung ganon, pero nag karoon ka daw ng amnesia?" Tanong nya.

"Uhh..  little lost of memory lang, babalik din naman daw kaagad." Sagot ko.

Pinagmasdan nya ako ng mabuti, kaya medyo nailang ako.

"Kaya pala ganyan ka." Biglang sabi nito.

"A-anong ganyan?"

Sinipat ko din ang sarili ko mula ulo hanggang paa, ano bang meron?

"Ang weird mo kase." Tumawa sya.

Ay wow ako pa ang weird ha?

"Kase bigla kang nagbago parang hindi ikaw yung kilala naming Zoe." Kinabahan ako bigla, nahahalata ba nya? "Dati kase maarte ka kung gumalaw pero ngayon mukhang naging maangas ang dating mo, hi-hindi mo na din ako pinandidirian at nilalayuan gaya ng dati." Sambit nito ang ikinalingon ko.

Ganon ba si Zoe?

Sabagay hindi na ako magtataka, kapag nga na aarawan sya kala mo bampira na masusunog! sobrang arte kesyo iitim daw! Wow para namang hindi kumakain ng kulangot noong bata!

"Pero mas gusto ko yung ngayon." Patuloy nya. "Nalalapitan kita kahit papano, kung pwede lang na huwag kanang bumalik sa dati."

"Grabe ka naman! Ayaw mo bang gumaling ako?"

Chasing Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon