Chapter 13

28 0 1
                                    


Itinuro ni Ms. ang bakanteng upuan sa likod ko, ngumiti naman si Eevol at naglakad papalapit saglit pa itong huminto sa tapat ko sabay kaway sa akin.

"Hi classmate!" Saka ito ngumiti ng pilyo. Inusog nito ang bakang upuan sa likod ko papunta sa tabi ko, bale pinagitnaan ako nilang dalawa ni kath.

Takang taka si kath habang pinapanood ang binata, "I think it's not a good idea na magtabi kayo." Usal nito,

"Akala mo lang yon Katherine." Sabat naman ni Eevol, saka nito binaling ang atensyon sakin. "Huy ba't di ka namamansin?"

Tinignan ko naman ito. "Eevol." Tawag ko rito.

"Hmm?" Malambing na ungol nito. "Bakit bal?" Dadag pa nya na nakapag pa kunot ng noo ko.

Bal?

"Evol? Bal?" Tanong ni kath.

"Anong klaseng endearment yan? ang panghi pakinggan." Sabat naman ni Zio na nakikinig pala.

"Endearment?" Takang tanong ko at bumaling kay kath. "Ano bang sinasabi niyo?" Saglit akong napatingin kay Eevol nang marinig na natawa ito, tinaasan ko lang siya ng kilay at muling bumaling kay kath na ngayon ay nakangiwi na.

"Hindi mo ba alam ang meaning non?" Umiling naman ako. "Kung ganon ay napikot ka nanaman nitong si Dimitri." Umiiling-iling pang sabi nito. Kumuha ito ng papel at isinulat ang word na Eevol
"Kung babaliktarin natin ang word na ito." Isinulat niya ng pabaliktad ang salitang iyon kaya naman ang kinalabasan ay Lovee! which is pronounced as love!

Nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko iyon.

"Sa madaling salita ay love ang tamang ayos nito, samantalang ang BAL naman ay kung babaliktarin ay Lab." Tinignan niya ako. "Gets?"

Hindi ko ito pinansin at agarang binalingan si Eevol na humahagikgik na,  pinanlakihan ko ito ng tingin at walang ano ano'y kinurot ang tagiliran na nakapag paitlag sa kanya.

"Ah-Ahhh! rayyyy!!!" Impit na ungol nito mahina lang pero dama mong namilipit sa sakit.

"Tangina mo!" sigaw ko na ikinalaki ng mga mata niya I mean nila.

"Ms. si Zoe nagmumura!" Sumbong nito.

"MISS VELAZQUEZ!" Sigaw ni Ms. "TO THE DETENTION OFFICE NOW!"

Napapikit na lamang ako.

"Tangina mo din Ma'am!"

Agad akong napa mulagat ng marinig ang sigaw na iyon.

"Ay mali! tangina lang pala dapat, Tangina ma'am!"

"What the hell? Zio?" Gulat na sabi ni kath.

Muling dumagungdong ang sigaw ng guro.

"MISS VELAZQUEZ and MISTER MADRIGAL! GO TO THE DETENTION OFFICE!"

Napangiwi na lamang ako ng biglang..

"PUTANG INA NIYONG LAHAT!" Biglang sigaw ni Eevol na sinamahan pa niya ng pagtawa. "HAHAHAHAHAH"

Gulat ang naging reaction ng lahat syempre mas lalo na ang guro na kanina pa umuusok ang ilong at tenga.

Napatingin ako kay kath, napakagat ito ng sa labi at maya maya'y.

"Tangina?" Napapikit ito sa binitawang salita, nang magmulat ay naka ngiti na ito pero agad din naging ngiwi ang ngiti niya ng sumigaw nang pagkatodo todo ang guro.

"KAYONG APAT! GO TO THE FUCKING PRINCIPAL OFFICE... NOW!"

"Hala nagmura si ma'am!"












Chasing Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon