Chapter 15

41 1 0
                                    

...cause I'm starting to care now

...cause I'm starting to care now

...cause I'm starting to care now

...cause I'm starting to care now

Ala una na nang gabi pero eto ako't mulat na mulat pa ang mga mata, kanina pa nag rereplay sa utak ko ang sinabi ni Ishaan.


Putcha ano ba kaseng ibig niyang sabihin don.


"Bwiset Bwiset Bwiset!"

Muli akong napa balikwas, bumangon ako sa pagkakahiga at nag tungonsa kusina.

Naghanap ako ng kahit anong maaring mainom ng sa ganon ay baka sakaling dalawin ako ng antok.

Pagbukas ko ng ref wala na pala ulit itong masyadong laman,  sa susunod nalang ulit ako mag go-grocery, sisiguraduhin kong yung four wheels na ang sasakyan ko para hindi ko na ulit tawagan si cap baka tuluyan na akong itakwil.

Kumuha nalamang ako ng isang boteng gatas, binuksan ko ito at deretsahang nilulok, inubos ko ito at muling bumalik sa kwarto.

Habang nakahiga ay biglang tumunog ang cp ko kaya naman agad ko itong sinagot ng makitang si cap ang tumatawag.

"Oh?"

["Hindi ba uso ang salitang 'hello' sayo?"]

"Ano nanaman bang pumasok sa kokote mo at naisipan mo akong tawagan ng ganitong oras?" Pang iiba ko ng usapan.

["Chill.. ba't ba ang init ng ulo mo?"] Napasimangot nalamang ako ng maalala ko ulit ang dahilan.

Bwiset pinaalala pa muli niya!

["Any way.. yung pinapagawa ko sayo? kamusta?"] Seryoso ang tinig niya.

Bumuga naman ako ng hangin, at dinampot ang document sa may side table.

"Kiehl Dimitri Sylvester." Basa ko sa nakasulat. "Oo.. nahanap ko na siya.

["Good"]

Ayy aso lang?

"Anong bang balak mo sa kanya?" Hikab kong tanong na napapapikit pa.

["Not yet.. sa ngayon bantayan mo muna siya, at lagi kang mag report sakin."]

"Oo na.. oo na.. pisti!"

["Words Gabriella."] May pagbabanta sa tono nito.

Bwiset!

["Anyways.. anong ginawa mo sa ospital?"] Tanong nito na ikinamulat ko.

"Nalaman mo pa yon?" Tanong ko.

["You must've forgotten....  I have e–

"Oo na.. pinya ka nga pala."

["Pinya?"]

"You have a lot of eyes scattered around diba.. pinya jpeg." Narinig ko pa itong nagmuryot pero inunahan ko na. "Sige na matutulog na'ko bye-bye Goodnight!" At deretsang pinatay ang tawag.

Alam kong nagmumura nanaman ito ngayon dahil binabaan ko ito ng tawag psh! sanay naman na ako sa ugali nito bahala na sya sa buhay niya inaantok na ako.









Maaga akong nagising at dahil nga masyadong napaaga, napag pasyahan ko munang mag-jogging.

Nang mapadaan ako sa may parke naisipan ko munang tumambay, alas syete palang naman..Kunti palang din ang mga taong dumaraan.

Chasing Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon