Chapter 8

38 0 0
                                    

Napatingala ako sa kanya ng huminto ito sa tapat ko,

Putcha! ba't ang lapit nya

Napalunok pa ako ng ilang beses nang magsalita ito.

"I didn't know that you can ride a motorcycle?" kunot noong tanong nito na halatang nalilito.

Who said that I can't ride??

Gusto mo ikaw pa sakyan ko eh!

Ayy bad!!!

" Isa toh sa mga talent ko." Bigla ko nalamang nasabi.

Nangyan ano bang pinagsasabi ko?? pero totoo naman yaan mo na.

Mas lalong kumunot ang noo nito,

wews.

Hindi naman kase kapani-paniwalang ang maarteng si Zoe ay nagmomotor.

"Now... it's getting really... weird."

Ano bang ibig nyang sabihin? na hindi kaya ng mga babae ang magmotor? Aba aba!

"Ano bang pinagsasabi mo dyan? ngayon ka lang ba nakakita ng babaeng marunong magmotor ha?!" Inis kong sabi.

Umiling lang sya pero bakas parin sa mukha nito ang pagtataka, at muling bumalik sa motor nya.

Pinagpatuloy ko namang inayos ang pagkakasuot nang helmet ko at pinaandar ang motor ko, bago tuluyang lisanin ang lugar na iyon.

Nakita ko pa syang sinundan ako ng tingin sa peripheral vision.

...........

Ang wirdo talaga ng lalaking yon tsk..

Nawala na sa isip ang dapat na pupuntahan ko kaya napagdesisyonan ko nalang na maglibot libot sa lugar,

Hanggang sa mapadaan ako sa isang park at naisipang tumambay muna doon, ipinarada ko ang motor ko sa gilid ko at naupo sa isang malapit na bench katabi ng kalsada.

Habang nagmumuni-muni sakto namang may napadaang tindero ng ice cream kaya bumili na ako.

"Manong pabili nga po chocolate flavor, yung naka-cone."

"Ay saglit lang ineng at ako'y may katandaan na." Sagot nito at nag simula na.

"Ah sige lang po, hindi naman po ako nagmamadali." take your time hehe

Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko kaya tinignan ko ito.

*(New message)*

Wews sino naman kaya toh, baka 8080 lang, pero tinignan ko pa din.

'Unknown number??? shesh.
+63965*******

Hi zoe, it's me Kath.. just wanna ask if free kba 2night?? 

Ah si Kath pala, ba't naman nya natanong.
Agad naman akong nag reply.

To: +63965*******

I think wala naman akong gagawin? Ahm bakit?

Ilang sandali pa ay nag text ulit ito

From: +63965*******

Yayayain sana kita magsleep over here sa bahay, at gusto ka din makilala nila mommy.

Ay hala! mamamanhikan naba ako?

Eme..

Pero diba hindi imposibleng andon din yung kuya nya, jusme makikita ko nanaman sya, parang bigla naman ata akong kinabahan, o baka sadyang nagpa-palpitate lang ako, hala sya sige't iiwasan ko na nga ang pagkakape, eme coffee is life noh.

Chasing Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon