Chapter 7

59 2 0
                                    

             ****Kinabukasan****

*Yawnnnnn***

Nag inat inat muna ako bago tuluyang bumangon sa kama.

Time check...

9:26 am

Buti nalang sabado na,

Hayst kapagod din pala mag aral

Ay wow parang first time mag aral ah haha..

Nagtungo na ako ng banyo para mag linis ng katawan, balak ko kasing mag libot libot para naman masulit ko din ang panandaliang pag stay ko dto sa pilipinas, aba syempre noh need ko din ng free time para sa sarili ko.

Magjo-joy ride ako gamit ang regalo sakin ni Cap haha..

Pagkatapos maligo ay dumiretso na'ko na fridge para kumuha ng makakain, sa kasamaang palad nga lang ay wala pala itong laman.

'Peste naman oh'

"Mamayang gabi nalang siguro ako mag go-grocery." saka isinara ang ref.

Kinuha ko na ang susi ng motor ko sa side table at dali dali ng lumabas,

diretso na akong pumasok sa elevator at saka pinindot ko ang 1st floor.

Magsasara na sana ito ng may kamay na pumigil.

"Oopsss!!"

Agad ko naman pinindot ang boton para hindi ito mag sara

Agad naman syang pumasok.

"Thanks." Sambit nito habang tinatali ang sintas ng kanyang sapatos, saka ito muling tumayo.

'yung kuya ni kath.'

Tahimik lang kaming dalawa habang hinihintay na lumapag ang elevator ng biglang mag ring ang telepono nito, na agad nya namang sinagot.

"Yeah......... I'm on my way." Saka nito pinatay ang tawag at muling nanahimik.

Ayan nanaman ang kakaibang awra nya, para syang si goku na pag nagsuper saiyan ay pinapalibutan ng apoy, pero sya kakaiba, prang yelo ang  bumabalot sa kanya sa sobrang lamig ng awra nito.

Pinagmasdan ko ang porma nito mula sa reflection ng elevator habang nakatingin sya sa kanyang relo.

Halatang kakaligo nya lang dahil basa pa ang buhok nito

He carried an imperious nose well and his angular cheekbones carved down towards a flinty jaw. Unusually for a model, he had a manly, Samson physique.

Pinagmasdan ko naman ang suot nito, naka black leather jacket, pants at boots?

Naka kunot ang noo kong muling tinignan nag mukha nito na sya naman agad kong pinag sisihan

Our eyes met!!!!

Nakatingin na din pala ito sakin mula sa reflection

Ayan nanaman ang kanyang nakakapigil hiningang abong mga mata nya

Agad naman akong umiwas ng tingin at nagkunwaring umuubo

Tangina ang awkward!!!

Bat ba kase antagal bumukas ng elevator na toh??

"I heard you had an accident."

Gago lamegggg!!

"Uhh?" Tinignan ko sya pero deretso lang itong nakatingin sa harapan. "Ahh o-oo." Ba't ba ako nabubulol.

*Tinggg!!!*

"I see."

Sakto namang bumukas ang elevator, saka ito naunang lumabas.

Naiwan akong tulala.

"Nudaw?"

'kilala ba nya si Zoe?'

Nagkibit balikat nalang ako at lumabas na din saka dumiretso sa parking lot.

"Vroommm!!!!!!!!!!"

Kasalukuyan kong isinusuot ang helmet ko nang may biglang humarurot na motor.

Agad ko naman itong hinabol ng tingin.

"Yabang!!"

Sigaw ko rito kahit alam kong di naman nya narinig dahil malayo na ito.

'Sino kaya yon?'

Nang mahamon ko nga haha''

Hindi na ako nag patumpik tumpik pa at pina andar na din ang motor ko.

"Vroom vroom!!"

At tuluyan ko ng nilisan ang lugar..

in the middle of driving I felt thirsty,
Kaya naman naisipan kong sumaglit muna sa isang malapit na grocery store.

Pagkapark ko sa gilid, agad kong napansin ang isang pamilyar na motor na naka park din sa gilid,

'teka lang...

AHA!!

Ito yung kanina ah ?

sino kayang may ari nito?

Nagkibit balikat nalang ako at pumasok na sa store. Nagtungo naman agad ako sa fridge.

Kumuha lang ako ng isang bote ng tubig at dumiretso na sa cashier,

"15 pesos lang po."

Tinungga ko ang tubig sabay abot ko ang 50 pesos kay ate cashier.

Muntik ko ng maibuga ang iniinom ko ng bigla ko syang makitang lumabas ng grocery at dahil nga glass door ito kitang kita kong sumakay ito sa motor siklong nakaparada sa tabi ng motor ko.

"Puta sa kanya yon?!"

Dali dali akong nagtungo palabas, narinig ko pang sumingaw ang cashier.

"Miss sukli nyo po!"

"Keep the change nalang teh!" Sigaw ko pabalik at lumabas na ng store.

Kita ko naman syang nakadantay sa motor nya habang may ka-call sa phone.

"I said.. I'm on my way, can't you wait?" Tila naiirita na ito sa kausap.

Habang abala ito sa pakikipagusap, dahan dahan naman akong nagtungo sa motor ko, at sumakay dito.

"just wait there." Pagkasabi nya non ay bigla itong napatingin sa kinaroroonan ko,

akma naman sanang isusuot ko ang helmet ko ng mapatigil din ako sa gulat.

Napakunot naman ang noo nito, habang pinagmamasdan ako, kitang kita ang pagtataka sa mukha nito lalo na ng makita ant motor ko.

"Whatever, I'll call you later." Sagot nito sa kausap pero nasakin pa din ang tingin, hanggang sa ibaba nito ang telepono ay hindi pa din nito inaalis ang tingin sa akin.

Napalunok ako ng magsimula itong maglakad palapit sa pwesto ko.

______________________________________________<//3




Chasing Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon