Chapter 10

41 1 0
                                    

Pag bukas ng pinto agad bumungad saakin ang malawak na pasilyo. It's been a decades ng huli akong tumapak sa lugar nato. Deretso akong naglakad hanggang sa marating ko ang dining area kung saan naroon ang isang lalake at babaeng nasa edad mid 40s na. Kumakain ang mga ito, sa gilid naman nila ay mga maid na naghihintay ng iuutos sa kanila.

Nag angat ng tingin ang mga ito nang makalapit ako sa kanila.

"G-good evening Dad, Mom." Bati ko rito.

Agad tumayo si mommy at niyakap ako. "It's good to see you again my baby." Ngumiti ito, hindi nakaligtas sakin ang pamumuo ng luha sa mata niya. "Gosh I'm being emotional again." Bahagya niya itong pinunasan.

"I miss you too Mom." I replied with a teary eyes.

Humiwalay ako upang pahidin ang luha, gosh so this is how it feels to be back huh.

"Honey hindi mo ba babatiin o yayakapin manlang ang anak natin?" Baling ni mom kay dad, na agad naman nitong ikinakunot ng noo.

"What's with you Celeste? kung makapag batian kayo ay parang ngayon lang ulit kayo nagkita," tugon nito. "It's just a week since the incident happen to her, you're over reacting like it's been decade." May panunuyang dugtong pa nito.

"Oh yeah.. right." Tumawa si mommy habang inaalalayan ako nitong umupo. Wala nang nagsalita kaya nagsimula na  akong kumuha ng pag kain.

Habang kumakain ay hindi ko mapigilang mailang sa sobrang katahimikan, nahihirapan tuloy akong nguyain ang kinakain ko.

"How have you been?" Napaigtad ang ng magsalita si dad, nilunok ko muna ang pagkain sa bibig ko bago magsalita.

"Ma-ayos naman po." Tanging sagot ko.

Sa loob ng maraming taon na nagdaan ay ganon pa din katindi ang kabang nararamdaman ko sa tuwing kinakausap niya ako. Damang dama mo ang otoridad sa tono palang nito na siyang nakakapag pa nginig sa akin nung mga panahong dito pa ako naninirahan. Kahit ngayon ay hindi ko pa rin mapigilang kabahan sa tuwing nararamdaman ko ang presensiya niya.

"That's good to hear." Muli itong tumigil sa pag kain. "I heard that you've got an amnesia?" Sa pagkakataong ito ay saakin siya nakatingin. "How is it.. Eleanor?"

Sa hindi malamang dahilan biglang nalang kumabog ang dibdib ko, naramdaman ko ang pamamawis ng mga kamay ko.

Sa pagkakataong ito ay ngayon ko lang napagtanto kung ano ang gulong pinasok ko, hindi lang sa paaralan ang tungkol sa pagpapanggap ko kundi pati na din sa harap ng mga magulang namin. I'm dumb!

Naisip ko na na posibleng mangyari ang mga bagay na ito bago ako umagree kay Zoe, ang hindi ko lang inaasahan ay masyadong napabilis ang mga pangyayari at hindi ako nakapaghanda.

"Eleanor?" Muling tawag nito.

Ang dahilan ng pagsiklab ng kaba saking dibdib ay hindi dahil sa tanong niya, kundi dahil sa pagtawag nito ng pangalan na hindi naman akin.

Nanginginig man ay pinilit ko pa ding ngumiti. "Ahm.. about that." Napapalunok kong umpisa.

"Honey wag mo namang takutin ang bata." Mom interrupted.

"What?" He frowned. "I'm just checking on her." Saka ito bumaling sakin. "Am I right.. Zoe?"

Tumikhim ako bago pilit na ngumiti. "Of course dad, I'm fine."

"You should be." Bumalik na uli ito sa pagkain. "It's just an act after all." Patuloy nito na nakapagpatigil sa akin. "You can fool your mates but not your own father." Alam niya ba?

Chasing Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon