Chapter 6

87 4 2
                                    

              The Captain's order

"Manong dito na po." Agad kong binigay ang bayad sa taxi driver at bumaba.

Pinagmasdan ko ang lugar, tahimik, madilim, walang katao tao,

agad akong napayakap sa sarili ko ng humampas sa balat ko ang malamig na hangin

"Niloloko lang ata ako ng lalaking yon eh! ba't walang katao tao dito!"

Naglakad ako palapit sa lumang swing at naupo doon.

Inilabas ko ang cellphone ko at akma syang tatawagan.

"You're late!" Biglang sabi ng kung sino.

"Putangina!"

Agad akong napaigtad sa gulat dahilan para mahulog ako sa swing.

"A-aray aray! a-ahh!." Peste ansakit!

"Hey hey, what are you doing?" Agad ko syang sinamaan ng tingin.

"Kasalanan mo toh eh!" Sigaw ko sa kanya, tinilungan nya akong tumayo. "Bakit kaba kase nanggugulat?!"

"Sorry, I didn't mean to scare you." Umupo sya sa kabilang swing at ganun din ako.

"Bakit ba kase sa dami ng lugar, dito pa ang napili mong meet up place." Andito kami sa lumang park o abandunadong park ba toh? Ahh basta. "Para naman tayong aano dito eh." Reklamo ko.

Nagsindi sya ng sigarilyo.

"Want some?" Iniabot nya sakin ang kaha pero umiling ako. "Astonishing." Bulong nito.

"Nagbagong buhay na'ko cap." Mayabang kong sagot pero inirapan nya lang ako.

Oh ta'mo toh mas mataray pa saken!

"So..." Panimula ko. "Bakit mo'ko pinapunta dito?"

Saglit na katahimikan ang namutawi.

Akala ko magsasalita na sya pero bubuga lang pala ng usok! peste!

"Parang wala akong kausap dito ah." May bahid ng inis na pagpaparinig ko, pero ang gago hindi pa din ako pinapansin.

"May kausap ba ako o wala." Inis ko itong tinignan, nakatingin lang ito sa madilim na kalangitan.

"Lando ano ba!" Sigaw ko.

"Hey what the fuck Gab!" Ano ka ngayon?! "How many times do I have to mention it to you? its Leandro!" Inis nitong sigaw.

"Oh edi pinansin mo din ako, kailangan pa kaing banggitin ko ang second name mo."

"Again it's Leandro!" Ulit nya.

"Oo na oo na, Lando!"

"Gab!"

Pfft...

"Hindi naman kase big deal yon." Depensa ko.

"Pwes para sakin, it's a big deal!" Ano bang pinag lalaban neto?

"Eh magkatunog naman ah." Pamimilit ko.

"No it's not!"

"Whatever... Lando! Lando! Lando!" I teased more.

"Gabrielle Eloise Legaspi!"

Lagoat!

                               ***

"Wehhhhh di nga? akin toh?!"

Hindi makapaniwalang tanong ko habang hinihima-himas ang nasa harapan kong Kawasaki Ninja H2 R.

"Oh? ayaw mo?" Sabi nito habang pinaglalaruan ang susi sa daliri nya.

"May sinabi ako?" At agad inagaw sa kanya ang susi.

"Tss."

Hindi ko na sya pinansin at agad sinakyan ang motor,

"Woy baka modus to ah–ayyy!" Muntik na akong matumba pero agad akong nahawakan ni Cap.

"Hey! careful, excited kase masyado eh." Inis nyang sabi.

"Grabe, bigat pala nito?" Tanong ko at hindi pinansin ang sinabi nya.

"Tch, it's not as ordinary as you think." Tugon nito habang pinagmamasdan ang postura ko.

"Psh, yabang! kaya ko din bumili ng ganito noh, pera na lang kulang." Nakanguso kong bulong.

"By the way.." Huh? "Why are you dressed like that?"

Agad ko namang pinasadahan ng tingin ang kasuotan ko, huh anong meron? I'm just wearing a simple black off shoulder long sleeve mini dress.

"Baket?" Nagtataka ko syang tinignan. "Maganda naman ah?"

"Wala akong sinabi na hindi yan maganda, ang sabi ko ba't ganyan ang suot mo?" He looked pissed.

"Ahh... ginagaya ko kase pananamit ni kambal eh," It's all Zoe's fault!

"Tch! I don't like it." Komento nya.

"Psh.. okay lang yan, Ilikeyou naman." 

Tinignan nya ako ng masama kaya napa peace sign nalang ako, hirap biruin ng lolo nyo tsh!

"You mentioned about Zoe, where is she now?"

"US." Bored kong sagot. "O? akala ko ba alam mo?" Taka kong tanong.

"Ang alam ko lang pumunta ka dito sa Pilipinas but i didn't know that you switched." Sabay irap nito.

"Biglaan eh." I sigh.

 
                               ***

"Nga pala, ba't mo nga ako pinapunta dito? at saka yung motor alam kong hindi mo basta basta ibibigay yon ng libre." Alam kong may kondisyon ka.

"What do you mean?" Maang-maangan pa ang gago.

"Alam kong may gusto ka nanamang ipagawa." Irap ko.

Ngumisi sya at tumingin sa madilim na kalangitan.

"You really know me that much huh?"

Psh.

"Ano nga!" Naiinip na'ko eh.

Humithit muna sya ng sigarilyo bago tumingin sakin ng deretso.

"Dating gawi."

Napaiwas ako ng tingin.

"A-anong ibig mong sabihin?" Kuwari'y hindi ko alam.

"You know what I mean Gab." Mahihimigan mo ang lamig sa boses nito.

"Who?"

Lumapit siya sa tenga ko at bumulong, pagkatapos ay bumalik sa dating pwesto na parang wala lang sa kanya ang pangalang binanggit.

Tulala pa rin ako habang hindi makapaniwalang nakatitig dito.

"You're kidding right?" Gulat kong tanong.

Tinignan niyq naman ako ng makahulugan.

"You know me Gab."

"P-pero bakit? I mean bakit siya?"

"It's not like you're going to kill him!" Irap nya. "Apaka oa." Bulong pa nito.

Agad ko naman siyang binatukan.

"Ouch!"

"Narinig ko yon ah!" Inirapan ko din siya.

"Tss."

"Bakit nga kase siya? anong koneksyon mo sa kanya?"

"I'm going tell you, but not now." At saka ito muling tumingin sa kawalan.

Psh tamo toh!

"Just do what I asked you to do." Dugtong pa niya.

Hmpp.. ano pa nga ba.

______________________________________________________<//3

Chasing Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon