Chapter 14

46 0 0
                                    


"Aray ko naman... ano ba!"

"Bwiset ka kase!"

"Kinahiligan mo na ata ang pang-mamaltrato sakin ah." Tinignan ko naman ito nang masama kaya napalayo sakin.

"Makakatikim ka talaga sakin pag di ka pa umayos dyan." Banta ko dito.

"Kanina mo pa kaya ako binubugbog, kulang nalang ay barilin mo na din ako." Reklamo muli nito. "Ganyan ba ang tamang pagtrato sa kasintahan mo? anong klaseng love language ba yan? nanakit! mapanakit ka! ang sakit sakit mo magmahal!"

Kasintahan?

Tangina niya talaga!

Muli ka itong binato ng plastic bottle na walang laman.

"Ano ba! nakakarami kana ah."

Ihinagis ko sa kanya ang hawak kong sako na naglalaman ng mga kalat. "Imbis na dumada ka dyan, eh kung tulungan mo kaya ako rito?"

Prente lamang kase itong naka upo sa may gilid habang pinapanood akong namumulot ng mga kalat, eto kase ang parusa samin, nandito kami sa rooftop ng isang building, wala nagpupunta dito sa makalat nga at maalikabok pa, naging tambakan ng mga sirang silya at mesa.

"Malaki kana, kaya mo na yan." Tugon naman nito. "At saka masyadong madumi ang ganyang trabaho para sa isang katulad ko." Mayabang na sabi niya.

"Isa... Ihuhulog talaga kita dyan." Banta ko, natawa naman ito ang dahan dahang pinulot ang sako sa paanan niya at nagsimula nang mamulot ng mga kalat.

"Kung bakit ba kase ang hilig mong magmura, pati tuloy ako nadamay pa."

"Kung hindi dahil sayo, hindi ako magmumura."

Napamura ulit kase ako kanina sa harapan pa mismo ng principal dahil sa sinabi nitong animal na kasama ko, agad namang ipinaliwanag ng principal ang totoo na ang apo nito at si zoe ay talagang mortal enemy matagal na kaya naman sunod sunod kong namura ang binata dahil muntik nanaman ako nitong maisahan ng binanggit nitong lovers kunno, at dahil nga doon ay eto kame't nagdudusa rito sa rooftop, tirik na tirik pa naman ang araw buti nalang at ang kalahati nitong rooftop ay may bubong kaya hindi ganon kainit.




Napasandal ako sa railings ng matapos naming linisin ang buong paligid habang si Dimitri naman ay nakahiga sa may edge yung sa may bandang walang railings medyo malapad ng konte ang sementong kinahihigaan nito kaya kasya siya, konting tulak lang ay siguradong mahuhulog ito sa baba nasa ika limang baitang pa naman kame.

Lumapit ako sa kanya at naupo sa may tabi nito kumapit ako sa gilid para hindi ako mahulog, napatingin ako ako sa kanya, nakapikit ito natutulog ata.

Hindi ba siya naiinitan?

Ang kalahati lng katawang kase nito ay hindi sakop ng lilim nitong bubong ng roof kaya bewang lang niya ang natabingan habang naarawan naman ang dibdib at mukha nito, nakapatong ang isang braso niya sa mga mata para hindi masilaw sa liwanag.

"Hoy."

Tinawag ko ito pero ang kupal ni hindi manlang gumalaw o nagmulat ng mata,

"Dimitri"

Muli kong tawag at bahagya tinapik ang  tuhod nito, agad naman ito napaupo at niyakap ang dalawang tuhod.

"Bastos ka!" Biglang sabi to na ikinalaki naman ng mata ko.

"H-hoy! hindi kita inaano ah." Depensa ko ki naman.

"Hinipuan mo'ko!" Aba't.

Napaawang nalamang ako sa ikinikulos nito.

Chasing Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon