Part 2

2.6K 54 1
                                    

CHANZEL POV

" bff.." salubong sa akin ni Sheley nang lumabas ako sa office ni sir.

Alangan ko syang nginitiian, pakiramdam ko kasi hindi ko kayang itago ang lungkot ko.

Hinawakan ako nito sa braso para patigilin sa paglalakad.

" ano bang nangyari?" Nag aalala nyang tanong sa akin.

Mabilis lamang akong umiling, ayokong magshare muna sa ngayon, kasi gusto kong pag isipan pa ng mabuti ang naging sagot ko sa kanya, iniisip ko nga kung mag iwan nalang kaya ako ng resignation letter mamaya paglabas ko, kaya lang alam ko namang hindi rin pwedi, panu nalang ang mga magulang ko? Ang ate ko at ang anak nyang umaasa sa akin?.

" Chanz.." inalog alog pa nito ang mga kamay ko, pero tanging iling lamang ang muli kong sagot.

Napabuntong hininga naman ito. " okey.. basta kapag kailangan mo ng masasandalan.. my shoulder is open for you 24/7 key?"

Napangiti nalang ako sa sinabi nya.

" I have to go She.. may trabaho pa akong naghihintay sa akin. " nang tumango ito ay nagmamadali na akong umalis.

Patamad na ibinagsak ko ang katawan sa upuan ko, hindi ko na yata kayang magtrabaho, punong puno ang utak ko sa pag iisip.

Napahilot na lamang ako sa noo nang maramdamg biglang sumakit ito, maaring dahil sa dami ng gumulo sa isip ko. Napapitlag ako ng tumunog ang cellphone ko, dali dali ko itong hinanap sa loob ng bag ko.

Nangunot ang noo ko ng unregistered ang nakaapear sa screen ng phone ko, nag aalangan pa akong sagutin, pero dahil consistent ang tumatawag sinagot ko narin.


" hello?"

Lalong nangunot ang noo ko at medyo nakakaramdam din ako ng pagkairita, sa lahat ng kinaaayawan ko yong mga nanloloko sa phone, at okey lang sana kung wala akong ginagawa.

" hello? Sino ba'to? Kapag hindi ka nagsalita I swear--"


" ang harsh mo naman sweetheart.. gusto ko lang namang marinig ang boses mo.."

Napapikit ako nang makilala ko kung sino ang nasa kabilang linya, ni hindi ata ako makahagilap ng isasagot, panu nya naman nakuha ang number ko?

Shit! Napamura ako sa sarili ko, malamang malalaman nya ang number ko kasi sya lang naman ang CEO ng Company na'to.


" sweetheart? Are you still there? Please.. don't hang up yet.."

Hindi parin ako makasagot sa kanya, bakit ba kasi ganun? Nawawalan ako ng sasabihin kapag sya na ang kausap ko, bukod naman kasi sa sya ang CEO ng kompanyang pinapasukan ko, nakakaintemidate naman kasi talaga ang personality nya, kaya nga nagtataka ako at lapit sya ng lapit sa akin, at kung bakit sa dinami dami ng babae sa mundo nya, ako pa talaga ang napili nyang guluhin.


" sweetheart?.. please talk.. I am missing you already.."

Napabuga ako ng hangin sa mga sinasabi nya, bakit ba ang hilig hilig nya akong tawaging sweetheart..

" Sir! Bakit po kayo napatawag?" Seryoso kong sagot sa kanya.

Dinig na dinig ko ang marahas nitong buntong hininga.

" I am trying to be good here Chanzel.. I am trying so hard not to be harsh on you.. but seems like you purposely pissed me off.."

Kahit hindi ko nakikita ang mukha nya, I know kung gaano sya kainis ngayon, masyadong visible sa pananalita nya.

Hindi na Ako aasa.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon