CHANZEL POV
Mabilis akong umalis sa pagkakaupo ko sa ibabaw ng table nya, I'm not needed here. Inayos ko ang bahagyang nagulo kong skirt, at sa isang hakbang ko pa lamang ay mabilis ako nitong nahawakan sa kaliwang braso at pilit pinipigilan habang may kausap parin sya sa phone.
" mom..I need to hang up, I'll call you later.." mabilis na paalam nito saka ibinaba ang cellphone sa table.
" aalis na po ako Sir, I think wala naman kayong kailangan sa akin.." matigas na pagkakasabi ko, at akmang aalis ako ulit, pero mabilis parin ako nitong nahila,and this time he gave me a back hug.
" bakit kaba nagmamadali hmm?.." bulong nito sa tenga ko, kailangan talagang ibulong ei kami lang naman ang tao dito.
" marami pa po akog gagawin.. and incase you don't know, binabayaranp po ako para gawin ang trabaho ko, hindi para gumala sa ibang floor.." hindi ko alam kung bakit asar na asar ako sa kanya ngayon, kanina naman okey lang.
Marahan itong natawa bago ako niyakap ng mas mahigpit habang binibigyan ng maliliit at magaang halik ang batok ko.
Naninindig ang mga balahibo ko sa pinahalong kiliti at kilabot sa ginagawa nya. Pilit akong kumakawala sa kanya, gusto ko talagang panindigan ang sinabi kong aalis na ako at hindi na ako kailangan dito.
" I know that sweetheart... but incase you don't know too.. I am the owner of this company, at ibig sabihin.. ako ang nagbabayad sayo.."
Shit! Tounge tied? Wala akong masabi.
" so?.. if I say you stay here.. you stay.." nakangisi pang bulong nito.
Gusto kong itanong sa kanya yong tungkol kay Abiguel, pero tang'na lang sino ba ako para magtanong sa kanya ng about sa ex niya?.. or Ex nga ba?.
Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ko ang kakaibang sakit dito.
" bakit ang tahimik mo?" Tanong nito sakin, nagpapasalamat nalang din ako at hindi nya napansin ang ginawa ko, kasi wala akong maisip na isasagot.
" bakit mo ba ako pinatawag Sir.."
" Gavin sweetheart... it's Gavin.." naiinis na naman ang pagkakasabi nito,bakit ba ayaw na ayaw nyang tinatawag ko syang sir, ei talaga namang sir ko sya.
" okey.. ano bang kailangan mo.."
Naiinis na pinakawalan ako nito mula sa pagkakayakap nya, at umupo sa mesa.
Napalingon ako dito na masamang nakatingin sa akin, pero ewan ko ba at hindi ako makaramdam ng takot sa kanya, hindi katulad noon na tingin nya palang natatakot na ako.
Naghintay ako nang sasabihin nya, pero wala, basta lang masamang nakatingin ito sa akin, kaya naman pumihit narin ako patalikod sa kanya at akmang aalis na nang magsalita ulit ito.
" meron bang naghihintay sayo sa baba at nagmamadali ka ng ganyan?" Dinig ko ang galit sa boses nya.
Marahas akong napalingon sa kinaroroonan nya, nagpanting ang tenga ko sa sinabi nya, ano bang ibig nyang sabihin?
" at ano naman sayo kung meron?" Galit ko ring sagot sa kanya, hindi ko nga alam kung bakit lagi nalang nauuwi sa sagutan ang pagkikita namin.
Napaigtad ako sa gulat nang marahas nitong sinipa ang upuang nasa harap nya, pero still, hindi ako natakot sa kanya.
Inisang hakbang lamang nito ang pagitan namin at marahas akong hinapit sa bewang habang ang inilalapat ang labi nya sa tenga ko.
"don't you dare Chanzel Lamuyao." Madiin at flat ang boses nitong bulong sa tenga ko, pagkatapos ay binitiwan ako nito at mabilis na bumalik sa pagkakaupo nya.