Part 10

1.7K 40 1
                                    

CHANZEL POV

Hindi ko alam kung ilang beses na akong napapabuntong hininga mula kaninang umaga.

Nauna na akong umalis kanina sa bahay, syempre alangan namang sumabay ako sa kotse nya, malaking issue yun pag nagkataon.

At ang walang hiyang yun, talagang hindi man lang ako tinawagan o tinext man lang.. ganun ba sya kagalit sa akin? Nagbibiro lang naman ako sa sinabi ko.

Napatingin ako sa oras, magtutwelve o' clock na.. lunch time na, pero hindi parin sya nagpaparamdam. Nakakainis na ang lalaking yun.

Napatingin ako sa phone ko, a text message from Sheley, saying pabab na sya sa canteen.

Medyo disappointed ako, akala ko kasi si Gavin na ang nagtext.

Mabilis kong inayos ang nagkalat kong gamit sa mesa, at nagmamadali na akong bumaba sa 2nd floor kung nasaan naroon ang canteen.

Naiinis na hinintay ko ang ang mabagal na pagbaba ng elevator, gustong gusto ko nang bumaba talaga, hindi na ako makapaghintay na itanong kay Sheley kung anong pinagkakaabalahan ni Gavin sa office nya at talagang kinalimutan ako.

Napatitig ako sa arrow down ng elevator na tumigil sa pagbiblink kasabay ng pagtunog hudyat na bubukas na ang pinto.

Napako ako sa pagkakatayo at parang biglang tumigil ang pag ikot ng mundo ko sa nakikita ko ngayon.

Si Gavin, may kasamang babae sa loob ng elevator, and wait.. hindi lang basta babae, because I am pretty sure that the girl is Abiguel Dimaano.

Kitang kita ko ang gulat na gumuhit sa mukha ni Gavin, napatitig rin ito sa akin.

Lumipat ang paningin ko mula sa mukha nila, bumaba ito sa mga braso ng babae na nakapulupot sa bewang ni Gavin, and my eyes swift to Gavin's arm na nakahawak naman sa bewang ng babae.

Ramdam na ramdam ko ang sakit na biglang sumigid sa puso ko, pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko na hindi ako makahinga, parang mas masakit kesa sa sakit na pisikal.

" Ms.? Sasabay kaba o hindi?"

Nabalik ang pag iisip ko sa kasalukuyan ng magsalita ang babae, ramdam na ramdam ko sa boses nya ang pagkairita.

Umiling ako.. hindi ko kayang sumabay sa kanila.

" okey.. bye.." nakangiti pang paalam nito na agad ng diniinan ang close button.

Napahinga ako ng malakas kasabay ng luha kong hindi ko napigil ang pagbagsak.

Napasandal ako sa gilid ng elevator habang hinahayaang bumuhos ang mga luha ko, ang sakit sakit, nadudurog ang puso ko, oo inaamin ko, mahal ko si Gavin, mahal na mahal ko sya, at nasasaktan ako ngayon kasi ako lang ang nagmamahal, kahit anong pilit ko sa sarili kong pigilan ang nararamdaman ko, hindi ko nagawa..

Alam kong huli na, dahil noon palang minahal ko na sya, pero alam ko namang wala lang ako para sa kanya, I am nothing but a bedwarmer for him.

Mariin kong naipikit ang mga mata ko, habang pilit kong pinakakalma ang puso kong nadudurog sa sobrang sakit.

bakit ganito? akala ko--

mabilis akong napailing, napakatanga ko para maniwalang kahit panu meron narin syang nararamdaman para sa akin, nakalimutan ko, libog nga lang pala ang nararamdaman nya para sa akin.

gusto kong magwala sa galit, gusto kong may mapagbuntunan ng galit ko, masyado na akong nagpapakamartyr.

napaigtad ako sa biglaang pagtunog ng cellphone ko.

dali dali kong pinusan ang mga luhang naglandas sa pisngi ko, saka ko kinalma ang sarili.

" She?" i answer her call.

" asan kana ba?" nag aalalang tanong nito.

" I'm still here.. I think hindi na ako makakababa dyan.."

" and why is that?" kahit hindi ko sya nakikita alam kong nagmamaldita na naman sya." don't tell me, niyaya ka ni sir na--"

" She? hello?" kinabahan na ako. " She.. are you still--"

" shit! Chanz.. you better hurry, bumaba kana.. and look who am I looking at right now."

" who?" kahit parang alam ko na kung sino, I'm still asking her.

" basta.. bumaba kana.. at ikaw na ang tumingin.. my gad.." nanggigigil na ito. " bumaba ka Chanz.. hihintayin kita, hindi ako mag oorder hangga't wala ka.. kahit gutom na ako.."

malakas akong napabuntong hininga, so I guessed wala akong choice kung hindi ang bumaba, and bear the pain I am feeling right now.

" Chanz.. over here..."

mabilis nahanap ng mga mata ko ang kinaroroonan ni Sheley, but when I am entering the door, bigla nalang akong napahinto ng masalubong ko ang mga titig ni Gavin.

I clenched my jaw, umuusok ang ilong ko sa galit, but I need to control it kasi, wala akong karapatang magalit at magselos, I am nothing but a bedwarmer for him.

" Chanz.."

natauhan ako sa tawag ni Sheley, hindi ko alam kung pano ako nakarating sa table namin, basta wala akong matandaan maliban sa sakit na nararamdaman ko.

" you're obvious.." bulong nito sa akin ng makaupo na ako.

hindi ko na napigil ang paghulagpos ng emosyong kanina ko pa pinipigil.

" Chanz.. shit! ano ba.. don't cry here.. " hindi magkandaugaga si Sheley sa pagpapatahan sa akin, though wala namang lumalabas na hikbi mula sa akin.

" I'm sorry She.. I just.. I just can't help it.. masakit dito ei.." I pointed my cheast where my heart is.

napa tsked. ito habang naiiling. " I told you so.."

" anong gagawin ko? She..please.. help me.." wala na akong paki kahit masira man ang make up ko, I am a mess though.

Kunot ang noo nito habang matamang nakatingin sa akin. " help you?.. as if makikinig ka" nakairap ito sa akin. " pero Chanz.. seryoso..ang masasabi ko lang..tigilan mo nayan.. umalis kana sa condo ni Sir before pa malaman ni Ms. Abi na nagsasama na kayo ni Sir."


Tama! Yun nga siguro ang pinakabest na gagawin ko.

muli akong napalingon sa pwesto nila na sana hindi ko nalang ginawa, because the scene hurt me so bad.

Sinusubuan ni Ms. Abi si Gavin na hindi naman umaayaw.

at kahit sa akin sya nakatingin, alam ko, he just want to see my reaction, gusto nyang makitang nasasaktan ako.

mabilis akong tumayo kahit ni hindi ko pa nagagalaw ang pagkain ko, this is it, I can't take it anymore.

Hindi ko na kayang magbulag bulagan sa mga nakikita ko, I am hurting so bad.

" Chanz.. hey! Hindi kapa kumakain--"

Wala na akong pinakinggan sa mga sinasabi nya, basta ang mahalaga sa akin ngayon ang makalayo sa kanila.

Hindi ko narin inintindi ang mga taong napapasunod ang tingin sa akin dahil sa mabilis kong pag alis.

Hinihingal na nakarating ako sa table ko, gusto kong ilabas lahat ng sakit na nasa dibdib ko, kaya nang masiguro kong nag iisa lang ako sa floor namin, hinayaan ko nang malayang umagos ang mga luha ko.

Hindi ko na kayang sarilinin ang nararamdaman ko,kasi kahit na anong tanggi ang gawin ko, alam na alam ko parin sa sarili ko na sarili ko lang naman ang niloloko ko.

Bakit nya ba ipinaramdam sa akin na mahalaga din ako sa kanya, bakit hinayaan nyang mahulog ako sa kanya samantalang wala naman pala syang balak na saluhin ako.

Malakas akong napabuntong hininga, kasabay ng marahas na pagpahid sa mga luha ko, I should stop myself from falling him, baka hindi ko na kayanin pang umahon.

****

Whiskychuchu

Hindi na Ako aasa.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon