Part 9

1.8K 41 1
                                        

CHANZEL POV

Mabilis akong umupo sa pinakamalapit na couch sa akin, ito na talaga to' wala nang atrasan.

Bakit nga ba ako napapayag ni Gavin na tumira dito sa pad nya?, dahil parin ba sa pananakot nya sa aking tatanggalin nya si Sheley sa trabaho nito, o dahil ba sa gusto ko narin talagang makasama sya.

" come sweetheart.. change your cloths at magpapadeliver lang ako ng pagkain natin.." hinila ako nito sa kwarto nya at ipinagtulakan sa banyo.

Naiinis na nagpatianod na lamang ako.

Matapos kong maghalf bath at makapagpalit ng damit, nagpasya na akong lumabas, nagrereklamo na ang mga bulate ko sa tiyan.

" ayyy!!" Malakas na napatili ako ng bigla na lamang akong napasubsob dito, nakakainis lagi nya nalang bang gagawin sakin to?

" papatayin mo ba ako sa gulat Gavin.." naggigigil na sita ko sa kanya.

Hinawakan ako nito sa magkabilang braso at inilayo ng kaunti sa kanya.

" anong nginingiti ngiti mo dyan.." naasar na tanong ko, pinagtatawanan ba naman ako, panu kung may sakit ako sa puso? Ei di inatake na ako.

" wala...I just love the way you call my name.. sounds music to me.."

Bigla ang pamumula ng mukha ko sa complement nya.


Naiilang na nagbawi ako ng tingin. " let's eat?.. gutom na'ko.."

Napangiti naman ito,bago ako hinila palabas ng silid nya.

Pagkatapos naming kumain, tumuloy na kami sa living room nya, sobrang laki, parang kasing laki na ata nito ang kabuuan ng apartment ko.

" ayokong may kahati sa atensyon mo.. kaya sana ako ang iniisip mo.."

Napalingon ako kay Gavin na bigla na lamang nagsalita sa tabi ko, masyado ba akong obvious?.

Mabilis ako nitong hinila sa couch matapos nyang buhayin ang TV. Napaupo naman ako sa pinakadulong bahagi ng upuan. Sya naman ay nahiga at ginawang unan ang mga hita ko.


Wala kaming imik pareho, basta nakatutok lamang kami sa pinanunuod namin, habang marahan kong sinusuklay suklay ang buhok nya gamit ang mga daliri ko. Sya naman ay hawak ang kaliwa kong kamay at pinaglalaruan ang mga daliri nun.


" sweetheart..."

" hmmm?" Nasanay narin yata ako sa pagtawag nya sa akin ng sweetheart, kaya natural na sa akin ang sumagot sa kanya.

" nagagalit kaba sa akin? I forced you to moved in here with me, without any choices.."

Napabaling ang tingin ko sa kanya mula sa panunuod ko ng TV.

" what?" Naloloka na ako, lagi na lang ba akong magugulat sa mga sasabihin nya?

" ayokong pilitin ka, I don't ever want to used my power for you to follow me." Sabi nito na ang tinutukoy ay ang pagiging boss nya.

" but what can I do? You are such a stubborn woman who always opposed me.."

Napangiti sya sa mga sinabi nya, and me too, hindi ko na napigil ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ko.

" hindi ako galit.."

Hindi makapaniwalang tumingala ito sa akin habang nakayuko naman ako sa kanya.

Hindi na Ako aasa.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon