CHANZEL POV
Abot abot ang kabang nararamdaman ko ngayon, parang hindi ko kayang kumatok sa pintuan ng pad nya.
Gusto kong umatras, pero kapag naiisip ko ang maaari nyang gawin? Nanghihina ako, at wala akong magawa kundi ang pilitin ang sarili kong lakasan ang loob.
Sa nanginginig na kamay ay nagawa kong pindutin ang doorbell, at halos mapatalon ako sa gulat ng mabilis itong bumukas na para bang nasa likod lang ng pintuan ang nagbukas nito.
Malapad ang ngiti nito nang mapagbuksan ako.
" welcome here sweetheart.."
Nag aalangan pa akong pumasok pero mabilis na ako nitong nahila sa loob kasabay ng mabilis ding paglock ng pintuan.
Halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko, parang merong nagkakarera sa dibdib ko.
" I'm glad maaga ka.. pinaghandaan ko'to sweetheart.. don't you find it sweet?" Baling nito sa akin na parang nagpapaawa.
Iginala ko naman sa kabuuan ng living room nya ang paningin ko, well.. wala akong alam sa kung ano ang mga mamahaling bagay, pero sa nakikita ko, mukhang naghuhumiyaw sa karangyaan ang pad nya.
" dinner? Let's have dinner first.. I know your hungry since you came here straight from work."
Napatitig ako sa kanya, nag aalala ba sya? And really? Pinaghandaan nya talaga?, saka nakakagulat kung paano nya ako tratuhin.
" c'mon.. sweetheart.. gutom narin ako ei, kain na tayo.. I'm sure masarap yun, ako nagluto ei, may kasamang pagmamahal.."
Shit! Nag iinit ang mukha ko, I know I am blushing to death..
May kasamang pagmamahal?..
What the heck!!!
Nagulantang na naman ang mundo ko nang hawakan nito ang mukha kong sobrang pulang pula na.
" you're more beautiful when you are blushing like this.. and I'm glad kasi ako ang nakakakita nito.." titig na titig sya sa akin habang sinasabi yon, na para bang talagang hangang hanga sya sa nakikita nya.
" ah..ahmm.. Sir--"
Napatigil ako sa pagsasalita nang ang hinlalaki nyang daliri na nakasapo sa mukha ko ay pinagapang nya papunta sa mga labi ko, at hindi ko inaasahan ang magiging reaction ng katawan ko sa ginawa nya, kusang napapikit ang mga mata ko habang ninanamnam ang hindi ko maipaliwanag na damdamin.
" don't call me Sir sweetheart.. masakit sa tenga.. call me Gavin.. or much better call me sweetheart too." Bulong nito sa tenga ko na talagang nagpatindig ng balahibo ko, shit! Ano ba tong nararamdaman ko.
"Ga..Gavin.. le..let's eat.." nagawa kong sabihin sa kanya, natatakot akong baka san mapunta ang ginagawa nya sa akin, lalo't nararamdaman kong bumababa ang mga labi nya sa leeg ko at binigyan iyon ng maliliit na halik.
Nakahinga ako ng maluwag nang tigilan nito ang ginagawa at marahan akong hinila papunta sa kusina nito.
Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya matapos nya akong ipaghila ng upuan.
" what?" Nakangiti nyang tanong sa akin nang mapansin nito ang katanungan sa mga mata ko.
