CHANZEL POV
Hindi pa ako nagtatagal sa pagkakaupo ng tumunog ang cellphone ko, halos hindi ako nakakain kahit anong sarap ng pagkaing nakahain sa harap ko.
Ayokong sagutin ang tawag nya. What for? Para pasakitan pang lalo ang sarili ko? I know masyado pang maaga para magsalita ako that I had enough already, pero kelan paba ako matatauhan? Kapag lubog na lubog na ako? Kapag hindi ko na kayang umahon?
Maya maya pa'y tumigil na sa pagtunog ang phone ko, siguro'y wala na ang girlfriend nya kaya nya ako naalalang tawagan.
Muli akong napabuntong hininga sa sakit na nararamdaman ko.
Pabalewalang itinuloy ko na lamang ang ginagawa.
" Chanz..."
Napaangat ang paningin ko nang madinig ang tawag ni Sheley, hingal na hingal pa sya at halatang nagmamadali.
Agad din naman ang pagdunggol ng kaba sa dibdib ko, is she here because Gavin told her so?.
" Chanz... si Sir.. galit na galit, kanina pa daw sya tawag ng tawag sayo pero hindi mo sinasagot.." halos magbuhol buhol ang pananalita ni Sheley. " gusto kitang ipagtanggol, gusto kong ipamukha sa kanya na natauhan kana ng ganun kadali..." napabuntong hininga muna ito. " but what can I do? I am just his secretary.. at wala akong magagawa sa galit nya."
Napatungo nalang ako, ano nga ba ang laban namin sa kanya?
" bumaba lang ako para sabihin yan sayo... but I'm not telling you na sundin mo.." she sounds worried.
Napailing ako bago naguguluhang napatingin sa kanya. " paano ka? Tiyak na ikaw ang pagagalitan nun.."
Mabilis din naman itong umiling sa akin. " kaya ko naman ang sarili ko, kaya ko namang tiisin ang galit nya, lagi nya namang ginagawa yun..".
Gusto kong maawa kay Sheley, pero alam ko higit sa kanya, mas nakakaawa ang kalagayan ko.
" aalis na ako, ako na bahalang magsabi ng reason kung bakit hindi ka makakapunta" paalam nito bago tumalikod sa akin, pero mabilis din namang napahinto at pumihit paharap. " basta yong sinabi ko, umalis kana sa poder nya before it's too late, mamaya bigla pang pumunta sa pad nya si Ms. Abi."
Mabilis akong napatango sa kanya, kahit hindi nya ipaalala sa akin, iyon talaga ang gagawin ko.
Mabilis na lumipas ang oras, ni hindi ko namalayang uwian na pala. Agad kong iniligpit ang nagkalat kong gamit sa mesa ko, kailangan kong bilisan ang mga kilos ko, ayokong abutan nya ako dito kung sakali mang dadaan sya.
Agad kong pinara ang dumaang taxi at nagpahatid sa apartment ko, buti nalang at marami parin naman akong naiwanang damit dito.
Pagod na ibinagsak ko ang katawan sa sofa, gusto kong pagpahingahin ang sarili ko, ayoko syang maalala ngayong nandito ako sa apartment ko, gusto kong ibalik ang buhay ko na simple at higit sa lahat.. hindi nasasaktan.
Naipikit ko ang mga mata ko kasabay ng malayang pagdaloy ng mga luha ko, mabilis ko rin namang pinahid iyon, bwesit namang buhay to' bakit ba hindi ko magawa ang gusto ng utak ko? Bakit lagi nalang akong nadadaig ng damdamin ko.
Napaigtad ako sa sunod sunod na pagkatok sa pintuan, hindi na ako magtataka kung sya ang mabungaran ko sa labas.. ramdam na ramdam ko ang pagkairita ng kung sino man ang kumakatok.
Lumapit ako sa pintuan pero hindi ko ito binubuksan.
" fuck! Chanzel open the door!!!"
Napahugot ako ng malalim na hininga, bakit kailangan nya pang pumunta rito? Bumalik na ang Abiguel nya, kaya ano pa ba ang kailangan nya sa akin.