CHANZEL POV
Naiinis ako sa sarili ko, ngayon ko lang kasi nararamdaman ang hiya sa ginawa ko. Shit! Ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko.
" hey!"
Pilit akong nagmamatigas na humarap sa kanya, kahit anong gawin nyang pagpihit sa akin paharap, nanatili paring nakasubsob ang mukha ko sa unan.
" bakit ba ayaw mong humarap sa akin?" Nababalot ng pagtataka ang tono ng boses nito.
" bati na naman tayo diba?" Dagdag pa nito. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nya sa akin mula sa likod, napapikit tuloy ako nang maramdaman ko ang pagtama ng buhay na buhay paring pagkalalaki nya.
Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang tumama ang mainit na hininga nya sa tenga ko, he is now leaning on me.
" ano ba! Lumayo ka nga!.. o kaya.. tumayo kana dyan.. umuwi kana sa pad mo.."
Ramdam ko ang biglang pagkatigagal nito. Siguro dahil sa sinabi ko, pero naman.. nagbibiro lang naman ako para matakpan ang pagkapahiya ko.
Gulat na napatingin ako sa kanya ng walang pasabing bumitaw ito mula sa pagkakayakap sa akin at padabog na umalis sa kama.
Nakasunod ang mga mata ko sa mga ginagawa nya. Gusto ko syang pigilan, gusto kong sabihin sa kanya na nagbibiro lang ako, na gusto ko lang syang asarin.
Pagkatapos nitong makapagbihis ay bumaling ito sa akin, masama ang timpla ng mukha at talagang kunot na kunot ang noo, kitang kita ko ang pagkairita sa mukha nya.
Mahigpit kong hawak ang kumot sa dibdib ko na syang tanging tumatakip sa hubad kong katawan, pagkatapos ay umupo ako ng tuwid sa kama.
Sinalubong ko ang mga titig nito sa akin, then I smiled at him, yong tinging alam kong makakapagpatunaw ng inis nya sa akin, pero sa halip lalong nangunot ang noo nito.
Napahinga ako ng malalim. Shit! Do I need to say sorry?
Napatikhim muna ako, ughh! Nakakainis, kung bakit ba naman kasi umiral pa ang kaartihan ko, pero tsk. Malay ko bang mas maarte pa pala sya sa akin.
" are you leaving now?" Nakayuko at hiyang hiya ko pang tanong sa kanya. At nang lumipas na ang ilang sigundo at hindi ko parin naririnig ang sagot nya, dahan dahan akong napa angat ng tingin, at nasalubong ko ang nanunukso nyang ngiti.
Napataas ang kilay ko kasabay ng pagbalibag sa kanya ng nahawakan kong unan, bwesit! Pinaglololoko nya lang pala ako.
Mabilis itong napailag at nagmamadaling lumapit sa akin.
Napatili nalang ako ng malakas ng hablutin nito ang kumot sa katawan ko saka mabilis na pumaibabaw sa akin.
" I don't feel like leaving you here sweetheart.."
Nanayo ang mga balahibo ko sa mapang akit nitong pagbulong sa akin, shit! I am naked beneath him, and what's worse, I'm already wet down there.
" damn! Umalis ka!.." pilit ko syang itinutulak palayo sa katawan ko, like duh! Ang bigat nya, saka naiipit yong dibdib ko.
" ayoko nga!" Nakangisi pa nitong tanggi habang pinapipiyestahan ng kanyang mga mata ang kabuuan ko. " bakit ko naman gagawin yun? Ayaw mo nga akong umalis diba?"
" yeah! Ayaw kitang umalis sa apartment ko, pero umalis ka dyan sa ibabaw ko, masyado kang mabigat."
I know pulang pula na ako, pero sya? Mukhang enjoy na enjoy pa sa nangyayari.