PROLOGUE

30 5 0
                                    

"Ali! 'nak! may dala akong sinigang na baboy, buti naabutan kitang bata ka! Kumain ka sa eskwelahan ng tanghalian dahil paniguradong nakalimutan mo na namang mag almusal!" Napalingon ako kay nanay Dada na hinihingal na animo'y hinabol ng kanyang alagang aso na si bogart dahil sa tulin nang takbo nito.

"Wow 'nay! Ang sarap naman nito, nag abala pa po kayo," ani ko pag tapos ko makuha ang tupperware habang nagkakamot ng ulo, sumabay naman sa akin si nanay Dada sa paglalakad papunta sa terminal ng tricycle.

"Ikaw na bata ka! Hindi ka na nasanay eh, ako sanay na sanay na sa'yo na hindi nag aagahan, nagtuturo ka pa naman sa mga kabataan! Bilib 'rin ako sayo at may enerhiya kang nagtutungo sa eskwela," sabay kurot niya sakin sa tagiliran.

Napangiti naman ako dahil kahit mag tatatlong taon palang ako sa barangay na 'to, napakainit nang pag tanggap sakin ng mga taga dito, lalo na si nanay Dada na katabing bahay ko lamang at nangungupahan din kagaya ko.

"Eh, 'nay nawawala kasi sa isip ko mag almusal, 'tyaka baka ma late kasi ako, tinapos ko pa mga lesson plan ko for this month." Sabi ko bago humikab, anong oras na rin kasi ako nakatulog bukod sa gumawa ng lesson plan, kausap ko din sa telepono ang mga pinsan ko na napakaraming hanash sa buhay, kaya ending, late na ako nagising.

Nang matanaw ko na ang terminal ay lumigon ako kay nanay Dada na nakatitig sa akin habang nakangiti, "Ipagpatuloy mo 'yang pangarap mo 'nak, proud na proud ako sayo. Ramdam kong magtatagumpay ka."

Sa sinabi niyang 'yun ay parang may humaplos sa puso ko at tila hele ito sa pandinig ko, sana sila rin proud sa akin.

Agad na akong nag mano sa kanya at nag paalam bago sumakay ng tricycle at magtungo naman sa sakayan ng jeep, medyo malayo-layo ang paaralan na pinagtatrabahuan ko kaya dalawang sakay bago makarating 'don.

Nang makarating ako sa eskwelahan ay saktong nag ring ang phone ko, nagsalubong agad ang kilay ko nang makita kung sino ang tumatawag.

"Wow! talagang hindi pa natapos ang chikahan kagabi at umabot pa hanggang dito sa trabaho ko, in all fairness, mga wala ba kayong ginagawa sa buhay niyo?" habang papasok sa department ko, nginitian ko ang nasalubong ko ang mga elementary students pag tapos ako batiin, meron pang nag tutulakan kung sino ang unang babati, nagkakahiyaan pa.

[Pumayag ka na kasi, Ali! ang arte mo naman, nawala ka lang sa mansion, nawalan ka na rin ng time sa amin.] 

Pag karating ko sa station ko, agad ko nilapag sa lamesa ang mga folders na naglalaman ng mga lesson plan at attendance ng mga students ko. Nilabas ko 'din ang laptop ko sa bag upang matignan ang schedule ko para sa araw ngayon.

"Alam mo Clemmy, sasama naman ako. Kaso hindi ako available ng araw na yon, may tutor ako non. Kaya nega! as in negative!" Napatakip ako sa aking bibig nang tumikhim ang kapwa guro ko na si Ma'am Riena at inirapan ako, dahil siguro naingayan sakin. Napanguso nalang ako, ano pa ba ang bago eh, kahit pag hinga ko kinasusuklaman 'ata niya.

"Hello, Clemmy?" pag babalik ko ng atensyon sa kausap ko sa kabilang linya nang mapansin ko ang hindi niya pag tugon sa akin sa huli kong sinabi. 

Gosh, ano na naman bang nasa isip nito?

[Huh? Eh, hindi ba teacher ka? Bakit ikaw ang may tutor?]

See? sabi ko na nga ba kung ano-ano nang tumakbo sa utak nito sa loob lang ng ilang segundo na yon eh! Huminga akong malalim, "Clemmy, ako ang nagtu-tutor, ako ang tutor. Ang tawag 'ron common sense, okay?" nakangisi kong sabi.

[Ok ang epal mo talaga, goodbye!]

Napangiti ako pagtapos ng call namin na yon. Kahit ganon si Clemmy, hindi ko maitatanggi na sa kanya ako tuwang-tuwa sa aming magpipinsan, kasi ang cute niya pag nag loloading sakanya yung mga jokes or padale namin, siya huling nakaka gets eh.

Marquez Series 1: Teach MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon