CHAPTER 4

12 0 0
                                    

Kinabukasan, buong araw lang ako na nasa bahay, rest day ko kasi talaga ng linggo. Kasalukuyan akong nagluluto ng paborito kong nilagang baka para sa aking tanghalian.

Pinag iisipan ko kung tatawagan ko na ba siya regarding sa demolition, o hindi kaya, kaya siya pumunta dito kahapon para ipaalala sa akin yon?

I shook my head while getting ready for lunch, pagtapos ko kumain ay kinuha ko ang aking phone at napagdesisyonan na tawagan siya.

Ilang ring pa ang lumipas bago nasagot ang tawag ko.

"Hello, this is Ms. Marq--"

Agad naputol ang salita ko sa lakas ng boses ng nasa kabilang linya.

[Bro, for real, you should stop it. Bakit hindi ka na lang kasi maghintay pa--]

May narinig akong mahinang bulong ng pamilyar na boses sa kabilang linya kaya nahinto ang lakas ng boses.

Agad kong nilayo sa aking tenga ang phone ko para i-check kung tama ba ang number na tinawagan ko, nang na confirm ko namang tama yon binalik ko ulit ito sa tenga ko.

Tahimik na ang kabilang linya at tanging narinig ko na lang ang pagtikhim na sumira sa katahimikan.

[Yes, hello. Who's this?]

Malalim at seryoso ang boses ng taong nasa kabilang linya, agad pumasok sa isip ko yung nangyari kahapon. 'Yung biglaan niyang pag punta dito sa apartment ko, 'yung sinabi niya na buong gabing hindi umalis sa isip ko.

Napangisi ako sa naalala, was that really the Ventura I am speaking to right now?

"Uhm... hello. Ms. Marquez speaking, is this Mr. Priel Ventura?"

[Did Mr. Ferrer already approved the papers regarding the demolition?]

Nagulat ako sa dire-diretso niyang pag sabi non, bastos talaga! Hindi 'man lang marunong mag greet, kahit kaplastikan 'man lang sana diba?

"Uhm... yeah, about that. Can we meet? I need to talk to you in person regarding this matter." I said as I start walking back and forth of my small dining area, biting my lower lip and scratching my ear out of nervousness.

What if hindi siya pumayag? What if idaan niya na sa legal na paraan? What if sarado na isip niya na ipa-demolish ang school? What if makarating pa kay lolo A?

No way! Hindi ako papayag na mangyari yon, sa dami ng pinagdaanan ko para makapagturo dito, hindi ko hahayaan na pati ito mawala sa akin.

Pag tapos niyang ibigay sa akin kung saan at kelan kami magkikita, agad nang natapos ang tawag.

Napagkasunduan namin na bukas ng hapon kami magkikita sa malapit na coffee shop sa school, buti nga yon hindi magastos sa pamasahe, kailangan ko pa man din mag grocery kaya tipid malala talaga.

Nahiga ako sa aking kama, inopen ko ang facebook ko, nag accept ng friend requests ng mga students ko.

Upon scrolling on my news feed, nakita ko na may recently upload si lolo A.

Arial Ferrer is with Von Jimenez.
uploaded 2mins ago.

I saw some photos of him on top of a mountain with his secretary, Von. Wow! mukhang enjoy na enjoy ang lolo, nag hiking pala sila. Saan naman kayang lugar to? Mukhang sa ibang bansa naman dahil sa background ng photos, safe! malayo siya dito, so malayo ang possibility na malaman niya ang nangyayari ngayon sa school.

After scrolling through their photos and liking each of it, I decided to chat him since he's online

Me: Hi Lolo A! how's the trip? saw your photos. told yah! you badly need a break.

Marquez Series 1: Teach MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon