CHAPTER 16

3 0 0
                                    

 I looked at Priel whose busy washing our plates, nakaupo na naman ako sa gilid ng sink habang hinihintay siyang matapos mag hugas. 

Nag volunteer ako na mag hugas pero dahil mabait siya, siya na daw.

"Solo kang anak?" I curiously asked, ang tagal na naming nagkakausap tapos wala man lang akong ibang alam tungkol sa kanya bukod sa pangalan at trabaho niya.

"No, I actually have a sister..." 

"Oh! She's Vannah, right?"

"Yeah, you knew her?" 

"Oo naman! Friend siya ng pinsan ko, kaya nakilala na rin namin siya," sabi ko pag tapos bumaba sa inuupuan at sumandal sa gilid ng sink bago humarap sakanya. 

"The last time I met her was when we went to the University to watch our cousin's audition. I asked her about the new CEO of Ventura Corp., but I think she's not that interested kapag usapang kumpanya." I shrugged.

He nodded, "Mas focus siya sa modeling, we support her though," aniya patuloy pa rin sa pag huhugas ng plato naming dalawa.

"How about you? Only child?" He asked and glanced at me smiling without showing his teeth.

"Uh-huh, única hija." I said as I winked at him.

Natawa naman siya sa inasta ko, I just pouted and stared at him for a moment.

"Hindi ba boring kapag solo na anak?" 

"Hmm, I don't know. Sa buong childhood ko never naman ako na bored, nandiyan ang mga pinsan ko, eh. Para ko na silang mga kapatid since iisang compound lang kami, lagi ko silang kasama."

That's the truth, I never felt sad every time my cousins were around me. Well, a bit, when Zemi's brothers went abroad. Sila ang mga ka age ko beside Letty, I kind of missed them, ilang taon rin kaming hindi nagkita simula no'ng nag layas ako ng mansion. Ilang beses sila gumawa ng paraan para makausap ako, pero choice kong hindi muna magpakita, I have this mindset na magpakita pag may maipagmamalaki na ako.

My cousins will surely be proud of me kahit ano pang maging desisyon ko sa buhay as long as makakatulong sa akin na mag grow, I know maiintindihan nila 'yong pag putol ko sakanila ng koneksyon. However, I have Letty, Zemi, and Clemmy with me who I keep in touch with secretly, kaya they have nothing to worry about.

"Ikaw? Do you have cousins?" 

"Mother's side, wala, only child ang Mom ko. Father's side, may isa akong pinsan."

"Oh! Same pala kami ni Mama." I jokingly hit his arm.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang kapal ng mukha ko at sinabi ko 'yon, I secretly glanced at him para tignan ang reaksyon niya.

Nakita ko ang pag kagat niya sa ibabang labi, halatang pinipigilan ang ngiti habang patuloy pa rin sa ginagawa. Dahil sa reaksyon niya na 'yon ay mas lalo yatang kumapal ang mukha ko para biruin pa siya ulit.

"Uy, kinilig!" I lightly pinched his waist.

Tinignan niya ako at pinaningkitan ng mga mata bago ngumuso.

"Not really," He said then chuckled.

I just glared at him and crossed my arms over my shoulder. 

"Buti hindi ka nahihirapan maging CEO?" 

"Hindi naman gaano, I was trained to be our company's CEO." He said then looked away.

I rolled my eyes. Ang isang 'to hindi man lang magpakita ng kahinaan sa pagkatao niya.

"Well, as long as it's your passion, no problem." I shrugged.

"You really love teaching?" He asked while putting the plates in the cabinet.

Marquez Series 1: Teach MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon