CHAPTER 13

3 0 0
                                    

Sabay kaming pumasok ni Milan sa bahay saka ko muna siya pinauna sa dining area, sinabi niyang hihintayin niya ako para sabay kaming mag almusal, nag paalam muna ako sakanya na kukunin ko ang laptop sa kwarto at ibababa ito para sa lanai tumambay mamaya.

Papasok na ako ng dining area na dala-dala ang laptop ko nang may marinig akong nag-uusap sa loob, agad akong nagtago sa estante na nasa gilid ko sakto lang para marinig ang nasa loob.

"Ate Ali was planning to go somewhere in Manila, I think it's wednesday? Ayun 'yong schedule na nakita ko kung saan siya magb-book ng cab eh." I heard Milan said.

"Bakit daw siya uuwi ng Manila?" Natutop ko ang bibig ko sa boses ng nagsalita, it's Priel!

Hindi sumagot si Milan, "Kumain ka na," Priel said.

"I'm waiting for ate pa."

Nang marinig ko ang yapak ng paa na unti-unting lumalapit sa akin, mas lalo akong yumuko para matabunan ng matangkad na estante at hindi ako makita ng kung sino mang dadaan.

Nang matanaw ko si Priel na paakyat na sa hagdan, unti-unti akong lumabas at dumiretso kay Milan para kumain.

Alas-tres ng hapon nang yayain ako ni Milan lumabas ng bahay at tumambay sa lanai pag tapos kumain ng tanghalian, oo, late na kami nagtanghalian dahil late na rin kami nag almusal.

Tapos na rin kami mag tanghalian, hindi kami sumabay sa mga bata at kina Sister dahil late na rin kami nakapag almusal, busog pa kami no'ng nagtatanghalian sila kasama rin si Priel.

Kasalukuyan akong nasa solo sofa habang ang laptop ay nasa kandungan ko, naghahanap ako ng cab na available para sa wednesday, samantalang si Milan naman ay nakaupo sa carpet.

"When's your birthday? You will be in your legal age, right?" Naisipan kong tanungin siya habang patuloy sa pag scroll sa laptop.

"9th of September, yeah. Don't ask me if I've got plans, 'coz I don't." She blatantly said while drawing on her sketch pad above the mini center table.

"Bakit naman? Saan ka ba nag ce-celebrate ng birthday mo simula no'ng tumira ka dito?"

Anim na buwan nalang bago siya mag birthday, ano kayang pwede mairegalo ko sa kanya?

"Wala, I'm not fond of celebrations." She shrugged.

I nodded. Understandable, may mga gano'n talagang tao.

"Hey." Napatingin ako sa pinaggalingan ng boses, natanaw ko si Priel na papunta sa pwesto namin ni Milan.

Nanlaki ang mga mata ko at patayo na sana sa kinauupuan ko nang maunahan ako ni Milan.

"Hey, kuya! I was about to leave, may papanoorin pa kasi akong series."

Inayos niya ang lamesa na pinapatungan niya kanina habang nag d-drawing siya.

Anong 'I was about to leave' siya diyan, eh halata namang sakto na pag bati ni Priel sa amin saka lang siya tumayo!

I glared at her, hindi niya naman ako pinansin. Bago siya umalis para pumasok ng bahay, tinapunan niya ako ng tingin at kinindatan.

Minsan hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na naging close na kami o ano eh.

"May problema ba?" Napatingin ako kay Priel na nakatayo sa tapat na upuan ko at nakatingin lang sa akin.

Naupo siya sa tapat ko na single sofa katulad ng sa akin, he leaned on the sofa, crossed his legs and rested his left arm on the armrest of the sofa  while staring straight at me, not breaking our eye contact.

I looked away. Fuck, I felt like I was in front of a God, anticipating for his judgement on me.

Pagtapos ng usapan namin kanina ni Milan, napag desisyunan ko na wag gawing big deal ang nararamdaman ko pag nandiyan si Priel sa paligid ko.

Marquez Series 1: Teach MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon