CHAPTER 19

2 0 0
                                    

"Mom, akala ko ba bilang lang ang guests? Bakit sa La Trinidad Palace pa gaganapin?" Tanong ko kay mom pagtapos makababa ng kotse sa grand entrance ng hotel.

My mom looked so elegant in her gold draped one-shoulder sequin gown, her hair was in a French twist hairstyle that added more charisma to her aura. Nag simula na siyang lumakad papasok kaya sumunod na rin ako sa kanya.

La Trinidad Palace was owned by my Tita Clarisse, mother of Clemmy. Ang hotel na 'to ay isa sa mga kilalang magarbong hotel sa syudad, kaya nag tataka ako kung bakit kailangan pa na dito ganapin kung intimate dinner lang naman. And also, Lola's not this type of a celebrant, she would prefer a simple and private event. 

Agad pumasok sa isip ko ang Lolo ko, he probably planned this grand event rather than letting Lola decide what she wanted. 

"What made you think that your grandfather will let your grandmother experience a simple celebration, Aliarra?" Sabi ni mom bago kami sabay pumasok ng elevator.

I just shrugged, even though I knew from the start that the intimate dinner she told me about was a scam.

She pressed the 15th floor where the event hall was located, habang paakyat kami ni mom ay hindi ko maiwasan ang isipin na makikita ko na ulit ang mga taong matagal kong pinutulan ng koneksyon. Rinig na rinig ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko kasabay ng pag hinto ng elevator sa 15th floor. 

I held my neck gently before taking a deep breath. I know the day will come when they will see me again, I don't know if my hard work in the past years are enough to show them myself now. I still can't say if I have anything to be proud of because whether I admit it or not, I know that nothing was good enough for grandfather, the things, titles, and positions we work hard for were always not enough for him.

Taas noong lumakad si mommy papasok sa entrance ng event hall, hindi na inisip ang receptionist na nakatulala at sinundan kami ng tingin pagtapos kami batiin. Yumuko ako at ngumiti ng hilaw bilang pag acknowledge sa kanya, bago sumunod kay mom.

Sa entrance ng hall ay may mga bodyguards para i-maintain ang security ng event, may iilan ring mga pamilyar na tao akong nakita dito na panigurado ay mga businessmen.

"My, my Devimyr... I've been waiting for you."

Hindi pa man kami nakakapasok ay natigil na kami nang may iilang mga babae na tumawag kay mom, probably her amigas. Binati rin ako ng mga 'to, kilala naman nila ako dahil nag iisang anak lang naman ako ni mom, at pamilyar rin sila sa akin.

Mukhang hindi pa nagsisimula dahil may iilan pang mga hired photographer at videographer ang nandito sa labas, inaayos ang mga gagamitin nila.

After the short talk with her friends, we decided to enter the hall. Hindi na ako nagulat sa mga nagkalat na iba't-ibang klase ng mga socialite sa buong lugar, this used to be my life.

Habang palapit sa lamesa ng pamilya ay hindi maiwasang mamawis ng mga kamay ko dahil sa kaba. Natanaw ko agad ang mga Tito at tita kong nakaupo sa lamesang nakapangalan sa kanilang magkakapatid at sa kanya-kanya nilang mga asawa, nang ilibot nila ang mga mata na para bang may hinahanap ay saktong pagkakita nila sa amin ni mom. 

Their eyes widened while staring at us, napalitan rin naman agad ito ng ngiti. To be honest, kahit paano ay nabawasan ang kaba ko dahil sa reaksyon nila, it helped me increased my confidence. 

Una kaming sinalubong ng nakangiti at excited na si Tita Charity, the youngest among my mom's siblings, masaya niya akong pinasadahan nang tingin bago ako niyakap at bineso.

"I always thought about how beautiful you will be when you grow up, but I guess I forgot that there is a chance that your body shape will be even better than mine." She giggled, natawa naman ako sa sinabi niya.

Marquez Series 1: Teach MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon