CHAPTER 1

22 5 0
                                    


Binasa ko ng maigi ang statement na 'yon, habang binabasa hindi ko alam kung pumapasok ba sa isip ko ang mga salita na nakapaloob 'ron dahil sa pagka bigla sa mga pangyayari.

Si Lolo A! May alam ba siya dito? Paano na ang Ferrer High, alam kong hindi ito papabayaan ni Lolo nang ganon-ganon lang. Kaya imposible itong papel na hawak ko.

Paano na? Lahat ng pinag hirapan ko, lahat ng pride na nilunok ko para may mapatunayan sa pamilya ko, mapupunta na sa wala?

"W-what's the meaning of this? Does Mr. Ferrer know about this before you go here and make a scene in front of the school?" ani ko nang naninigkit ang mga mata, malay ko ba if this was just a prank.

First of all, if this is true, baka mabaliw ako dahil sa akin iniwan ni Lolo A itong school, at responsibility ko ang mga mangyayari sa loob ng campus.

Second, hindi ko pwedeng i-contact si Lolo A dahil kasalukuyan siyang on leave! Kakaalis niya lang nung nakaraang araw at nag bakasyon siya dahil sa sobrang stressed sa negosyo ng mga Ferrer, hindi namin alam kung kelan ang kanyang uwi. Ang alam ko, ang nag-iisang anak niya at apo ay nasa ibang bansa namumuhay. Wala siyang kamag-anak na kasalukuyang naninirahan ngayon dito sa Pilipinas. 

Last but not the least, ayaw kong dumagdag pa sa mga problema niya 'to, kung possible ay sa akin nalang 'to. Sa dami nang natulong sa akin ni Lolo A, sobrang laki ng utang na loob ko sakanya, dahil sakanya kaya ako nandito ngayon, kasalukuyang ipinagpapatuloy ang pangarap ko na makapag turo.

Hindi nakaligtas sa paninigin ko ang pag ngisi ng lalaki sa harapan ko na para bang pinapamukha niya sa akin na ang tanga ng tanong ko! Ngayon ko lang rin napansin na wala na pala si Yuri sa tabi ko, bakit niya ako iniwan? Paano kung tutukan nalang ako nito ng baril at pwersahin ako na pumayag gibain ang school!

"Miss, I will not go in a war unarmed. We already informed Mr. Ferrer about this and that's why we already reached at this point, since he doesn't reply in every emails that we've sent him regarding this issue," he loosen up his necktie a bit, showing me how irritated he was.

"That's impossible! Mr. Ferrer is not the type of person who ignores emails specially these important matters!" ani ko na tumataas na ang boses.

Buti nalang at kaming dalawa lang ang nandito at nag pasukan na ang ibang teachers upang mag simula na ang klase, 'bale ang dalawang guards nalang ng school at 'yong tatlong lalaki na sakay nung truck ang nasa labas ng school.

While I was thinking on how should I deal with this without informing Lolo A, may kinapa siya sa bulsa ng kanyang suit at nilabas ang business card. Pag abot niya nito sa akin, agad ko kinuha ito at binasa.

Kitang-kita ko ang kulay gold na logo ng kumpanya na VENTURA CORPORATION.


PRIEL LECXIS VENTURA

CEO



VENTURA... VENTURA... VENTURA?

Shoot! Kaya pala familiar dahil palagi kong naririnig ang apelyido na yan sa mga company gatherings na pinupuntahan namin kasama ang family ko! Pero Priel Lecxis? May anak pala silang lalaki? Ang alam ko nag iisang babae lang ang anak nila, o baka pinsan ito ni Vannah?

Pero kilala ko ang Dad ni Savannah, hindi ko pa nakakausap pero nakikita ko sa mga Elite Parties na pinupuntahan namin ng pamilya ko, hindi na pala siya ang CEO ng Ventura Corp? Sabagay, sa tagal na panahon ko ba namang nawalan ng connection sa mga katulad nila 'di malabo na may mga nag bago na...

Si Savannah, isa sa mga close friends ni Leticia. Nakakausap ko siya noon sa mga parties na kinabibilangan ng mga pamilyang matataas ang antas sa buhay. That was in the past, when I still consider myself as a Marquez.

Nakalagay 'rin sa business card ang iba niya pang information, katulad nalang ng contact number niya at iba pa.

"I think it is better to talk with your Dean to clear things up, seems like he doesn't trust you enough." Aniya na para bang kilalang-kilala niya ako at ang relasyon ko sa Dean.

Napaisip rin ako sa sinabi niya, paano nga kung hindi talaga ako gano'n pinagkakatiwalaan ni Lolo A? Pero sigurado akong may rason if ever sinadya niya na hindi sabihin sa akin, hindi naman kasi lahat ng bagay ay kailangan ikwento niya sa'kin para lang masabi na nagtitiwala siya sa akin, agad kong iniling ang ulo ko para alisin sa isip ang pagdadalawang isip ko kay Lolo A.

Kahit naka shades, napansin ko na nakatingin sa akin ang lalaki ng walang emosyon, agad ko siyang tinaasan ng kilay, ha! Ano tinitingin-tingin niya?

Nagtitigan kami ng ilang segundo, walang bumibitaw, walang nagpapatalo, palakasan ng loob.

Unti-unting tumaas ang isang kilay niya nang mapagtanto na hindi parin ako umiiwas ng titig sakanya.

Napansin kong namumula na 'din ang kanyang mukha dahil siguro sa tirik na araw, mag suot ba naman ng long sleeves sa tanghali, sinong hindi maiinitan?

Naputol lang ang titigan namin nang may tumawag sakanya, 'yung isa sa mga lalaki na may dala namang malaking martilyo, may pagka mestizo naman ito kagaya nung una kong nakausap kanina, nakangisi ito habang nakaakbay sa isa pang kasama nila na may pagka moreno 'rin ang kulay ng balat na naka crossed arms at sumisipol-sipol pa.

"Boss! Ano? Tara na ba? Tomguts na ko," sabi nung kulot ang buhok na lalaki, yung una kong binungangaan.

"I'll go ahead for now, seems like we can not settle this in my own way, might as well I'll consider the legal way."

Huh? Hindi pwede! No way! Makakarating pa ito kay Lolo A pag nangyari 'yon!

"I'll see you around, Miss Aliarra." Nakangisi niyang sabi, hindi pa 'man ako nakakasagot ay agad na siyang tumalikod sa akin at nag tungo sa kotse niyang mamahalin.

Napa padyak ako sa inis at bakas ang irita sa itsura ko habang hawak ang envelope.

"I'll see you around, Miss Aliarra."

"I'll see you around, Miss Aliarra."

"I'll see you around, Miss Aliarra."

Agad nag proseso sa utak ko ang kanyang huling sinabi.

What the hell? How did he knew my name?

______。o*★*o。_____

This is a work of fiction. Names, Characters, places, and events are fictitious unless otherwise stated. Any resemblance to real person, living, dead, or actual event is purely coincidental.

Marquez Series 1: Teach MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon