CHAPTER 8

2 0 0
                                    

From: Mom

Been calling you for days, answer the call.

Bumungad sa umaga ko ang text message ni Mom na hindi ko nabasa kagabi.

I've been ignoring her since the day she started calling me, I wasn't able to answer any of her calls because I was busy thinking about my situation and how will I solve it.

Hawak ko ang phone ko nang bigla itong mag ring, huminga ako nang malalim bago sagutin ang tawag ni Mom.

"Mom..."

[How are you, our Aliarra?]

Her voice is so gentle, bakas sa boses niya ang pag-aalala, I miss her so much.

"I'm fine, kakagising ko lang. Sorry, I wasn't able to answer your calls, I was busy."

[It's alright, darling. I called to tell you I sent allowance to your bank acc-]

I heaved a sigh. She was sending me weekly allowances since the day I've moved out from the Mansion.

"Mom, how many times do I have to tell you that I don't need any of those?"

Marahan kong sabi habang kinukuha na ang maleta sa ilalim ng kama ko, hindi ko dapat paibabawin ang inis ko lalo na ang tagal naming hindi nakapag usap ni Mom ulit.

[Darling, you are still my daughter. What do you expect me to do? Magpa sarap sa pera at ang anak ko sa pipitsuging apartment lang nakatira? Go get a condominium, spend the allowance that I am sending to you.]

Pag lalambing niya sa akin, alam ko kung saan nanggagaling ang mga hinaing ni Mom. In a span of three years, she always tells me that I am still her responsibility kahit na nasa tamang edad naman na ako ngayon, siguro dahil minor akong umalis sa puder niya kaya feeling niya bata pa rin ako.

"Mom, listen. I have my job, nasusustentuhan ko ang sarili ko ng maayos. You don't need to send me money anymore, I am trying to be independent." I explained as I get my clothes and started putting it inside my luggage.

There was a long silence from the other line, tinignan ko ang phone ko kung nasa call pa rin siya, nang mapansin kong on going pa rin ang call binalik ko sa tenga ko.

Narinig ko ang kanyang pag buntong hininga.

[Darling, can we meet?]

Natigil ako sa ginagawa ko sa biglang imbitasyon ni Mom.

Gusto ko rin siyang makita, para rin makapag paalam ako na sa Cavite muna ako for the mean time dahil sa trabaho ko.

Tumango ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita.

"Sure, Mom."

Tinext naman sa akin agad ni Mommy kung saan kami magkikita, napili niyang doon nalang sa simpleng restaurant kung saan kami nagkikita simula noong umalis ako ng Mansion.

Tinapos ko muna ang pag aayos ng gamit ko bago tumungo sa restaurant na pagkikitaan namin.

Nag message na rin ako kay Priel na bukas ako aalis at tutungong Cavite dahil sinabi niyang isasabay niya ako.

Nang matanaw ko si Mommy mula sa labas ng restaurant, napansin ko ang babaeng na sa tapat niya.

Katulad ni Mom, mukhang mamahalin ang kasuotan ng babaeng kausap, maganda at maaliwalas ang itsura nito. Sa aking palagay ay hindi mailalayo ang edad ng dalawa, parehas silang mga mukhang nag lalakad na dyamante sa dami ng diamonds nila sa katawan, mapakwintas, palasingsingan, polseras at hikaw.

Tinitigan ko ang ginang ng bahagya habang papasok sa entrance ng restaurant, pamilyar ang itsura niya, hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita...

Marquez Series 1: Teach MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon