CHAPTER 2

21 2 0
                                    

Kasalukuyan akong nag eencode ng mga grades ng aking mga estudyante dahil vacant time ko ngayon, dumiretso agad ako sa aking station upang maghanap ng pagkakaabalahan. Pagtapos nang nangyari sa labas ng campus, ay kanina pa ako hindi mapakali at nag-iisip ng mga possibilities na pwedeng mangyari sa akin kapag hindi ko pa na aksyunan yung issue na to!

Dumagdag pa sa aking isipin ang Ventura na yon nang maalala kong alam niya ang pangalan ko.

Bumaba ang tingin ko sa Id lace ko na nakasabit sa leeg. Kung sabagay, uso nga pala ang Identification Card, Baka nakita niya lang sa Id ko. Ang feeler ko naman banda doon!

Napa buntong hininga at napahawak ako sa sintido ko sa sobrang frustrated ng mga pangyayari ngayong araw na ito, napansin rin yon nila Nico na nasa harapan ko na station at si Yuri naman ay nasa tabi ko. 

"Stressed yata ang beauty mo, Ali? Dahil ba yan don kay pogi?" mapanuksong tanong ni Yuri, agad namang nangusisa si Nico at pinagulong pa ang inuupuang swivel chair sa pwesto namin ni Yuri, "Hoy bet! Ang gagwapo. Kanin nalang kulang, may ulam na!" sabay nilang pag tili ni Yuri habang magkayakap sa isa't-isa.

Basta talaga gwapo kabibilis ng mga radar!

"Ma'am Ali, may naghahanap sa--" hindi pa man natatapos ni Ma'am Riena ang kanyang sinasabi meron na agad sumingit sa gilid niya na dalawang nag gagandahang dalaga kaya medyo natulak siya, napatayo ako sa kinauupuan ko nang makita ang dalawa kong pinsan na sina Zemi at Clemmy!

Agad na nag salubong ang kilay ni Ma'am Riena at napairap bago iwan na ang dalawa.

"Ano naman ang ginagawa niyong dalawa dito sa trabaho ko?!" Gulat kong tanong sa dalawa at nilabas sila, nakakahiya sa iba pa na mga guro, buti sana kung sila Nico at Yuri lang nandon, sa loob pa kami mag chichikahan.

"Oh God! ask this persistent kid, I was literally dragged all the way here. Imagine? I was about to go home na from doing my thing but this creature! Nevermind!" Ani Zemi habang inaayos ang tabingi na niyang hoodie croptop at pinagpagan ang sweatpants, dahil siguro sa pag hatak sakanya ni Clemmy, mukhang galing to sa pag jojogging.

Lumipat ang tingin ko kay Clemmy na ngayon ay pulang pula ang mukha dahil sa init, alas diyes na rin kasi ng umaga at nandito pa kami sa initan, pero may lilim naman galing sa mga puno dito sa school.

"Look, your face is all red, babe. Bakit nag abala ka pa kasi pumunta dito? Pinilit mo pa si Zemi," I said while crossing my arms at her. Hindi kasi sanay to sa mga maiinit na lugar kaya nagkakarashes siya sa iba't-ibang parts ng katawan.

"Ali, I really miss you na kasi. Ang tagal na nating hindi nagkita--"

"Girl, you literally saw each other last last weak, we spent your birthday together with Leticia" Zemi said with a hint of sarcasm.

Naningkit naman ang mata ko, at napagtanto kung bakit nag abala si Astrid pumunta pa dito.

"What do you need?" ani ko habang nakatitig sakanya ng maigi, agad napatunghay ang nakayuko niya kaninang mukha at bakas ang gulat rito.

Agad siyang umiling habang napapakurap.

"Huh? No, I don't need anything from you no!"

"Yeah? So why are you here?" Pag tataas ko ng kilay.

Empress and I immediately focused our attention on her, waiting for her to speak.

She sighed and looked at me before answering me.

"I just wanna invite you guys for my upcoming audition. I'm joining our University Dance troupe since this is my last year in college, I would like to you know..." she said, smiling nervously, "Achieve something on my own." Pagpapatuloy niya while scratching her nape.

Marquez Series 1: Teach MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon