CHAPTER 9

3 0 0
                                    

"Good morning!" Ganado kong bungad kay Priel nang makalabas ako sa gate ng apartment ko dala ang mga bagahe, naabutan ko siyang nakasandal sa pintuan ng kotse niya habang naka yuko, mukhang may iniisip.

Pinasadahan ko siya nang tingin, napatitig ako sa bihis niya ngayon, ibang-iba kasi sa lagi niyang formal na suot.

He's wearing a plain black sweater with a pair of gray sweatpants and white Adidas.

Agad niya akong nilapitan at tinulungang ipasok ang mga dala sa loob ng kotse.

Habang isa-isa niyang pinapasok ang mga gamit ko sa compartment ng kotse niya isinandal ko ang sarili sa gilid nito habang naka crossed arms, may sabit pa 'rin sa katawan ko na body bag, pinaningkitan ko siya ng mata.

"Ilang taon ka na nga ulit?" Tanong ko sa kanya habang iniikot sa daliri ko ang tali ng wallet ko.

Bumata siya sa itsura niya. Don't get me wrong, bagay sakanya ang suot niya, mas okay nga ang ganyan na simple ang damit niya pag mag kasama kami, hindi 'yung para akong laging may kasama na aattend ng kasal dahil lagi siyang naka formal wear.

Naisip ko lang na ilang beses na niya ako nilibre ng dinner, hindi ko pa rin siya gano'n kakilala, kaya naisipan ko rin na itanong 'yon.

Napatingin ako sa compartment nang tumigil siya sa pag lalagay ng luggages ko at tumitig sa mga ito, nakita ko namang may space pa at kasya pa ang isa ko pang maleta tutal mas maliit naman 'yon kaysa sa dalawa na malaking nasa loob na ng compartment.

Nang hindi pa rin siya gumagalaw, ako na ang nag pasok ng bagahe ko na hindi naman ganoon kalakihan.

"Ayan! okay na, tara na at umalis, baka abutin tayo ng traffic." Pagaaya ko sa kanya pagtapos ipagpag ang mga kamay ko.

"Hand me your body bag, dito na natin ilagay yan," suhestiyon niya na inilingan ko naman.

"Hindi na, kasya na 'to sa loob, sa back seat ko nalang ilalagay." Nag okay sign pa ako at kinindatan siya.

Nauna akong sumakay sa shotgun seat at inilagay sa backseat ang body bag ko, napansin kong may nakapatong rin doon na duffel bag at isang bag pack. Maya-maya ay pumasok rin naman agad siya at nag simula na mag drive.

My phone beeped, I read the messages from my Parents reminding me to take care of myself and to have a safe trip. The next messages was from my cousins, complaining why I didn't tell them that I will be leaving for Cavite.

Nagulat ako ng biglang nag ring ang phone ko at pangalan ni Leticia ang caller id.

[Really, Ali? Bakit hindi mo sinabi sa'min? We could've had a despedida party!]

Sa lakas ng boses sa kabilang linya ay naka busangot ko itong nailayo sa tenga ko kaya panigurado narinig rin ito ni Priel.

He chuckled at my reaction.

"Clemmy, it's not like Cavite is far. Stop over reacting."

Oo, panigurado magkakasama ang tatlo dahil boses ni Clemmy ang nasa kabilang linya pero phone ni Leticia ang gamit.

[Hmp, 'kay. You're with whom, by the way? biglaan yata ang pag alis mo?]

I was caught off guard, hindi ko alam kung tama ba ang sabihin na 'I am with my boss' dahil panigurado bibigyan nila ng malisya. The fuck am I doing with my Boss' car, right? At kung sabihin ko namang 'friend' ay nakakahiya, baka itong katabi ko ay hindi friend ang turing sa akin...

Teka! Nakailang libre na nga siya ng dinner sa akin, hindi pa ba friend ang tingin niya sa akin?

Nilingon ko ang katabi na busy sa pag mamaneho pero alam kong imposible na hindi nakikinig ito, hello? nasa loob kami ng kotse parehas, magkatabi.

Marquez Series 1: Teach MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon