CHAPTER 6

9 0 0
                                    


Dumaan ang dalawang linggo na hindi ko parin nakakausap si Lolo A, I don't even know how to explain kung anong nangyayari sa paaralan niya.

"Ma'am Ade," Naputol ang pag iisip ko nang tawagin ako ni Ana, isa sa mga estudyante ko na nasa ika-tatalong taon ng highschool.

I just finished my last class for today, I am planning to go home and take my time to say goodbye to Lolo A.

"Yes po?" agad ko siyang nilingon nang nakangiti, naabutan ko siyang papalapit sa akin na may bahid ng lungkot ang mukha.

Nang naabutan niya ako, sumabay siya sa akin sa paglalakad.

"Hindi po ako makakaattend sa intrams, kasalukuyan pong nagdi-dialysis ang papa ko. Hindi po ako makakalaban sa Mr. and Ms. Ferrer High dahil wala pong budget ang nanay ko para don." Kwento niya habang tinatahak namin ang daan patungo sa department ko.

Isa si Ana sa mga matatalino kong estudyante, malaki ang nakikita kong potensyal sa bata. Itinayo ni lolo A ang eskwelahan na ito para sa mga batang less fortunate, patunay na hindi hadlang ang kahirapan sa pag-aaral ng kabataan.

Noong kinwento sa akin ni Lolo A ang purpose ng eskwlahan ay mas lalo akong naginging interesado at naging pursigido na maging guro balang araw.

Sa pag pasok ko sa paaralan na ito at naging guro, nagkaroon ako ng kamalayan sa mundo. Sa mundo ng iba, hindi lang sa mundo naming umiikot lang sa luho.

Nanlambot agad ang aking puso sa sinabi ng dalaga, magastos nga naman talaga ang event na sasalihan niya. Mga kaklase niya ang bumoto sakanya upang maging kalahok at maging representative ng klase nila dahil matalino at litaw ang ganda ng bata sa kanilang section.

Pwede ko siyang sponsor-an kahit papaano, pwede ako manghiram kay Leticia ng mga damit na naliitan na niya para lang makalahok siya.

"Alam na ba ng president niyo yan, nak? sinabi mo na?" tanong ko habang naglalakad at nakatingin sa nakayukong si Ana na mukhang nag iisip.

Nang makarating kami sa office umupo ako sa aking silya at sumenyas sakanya na maupo sa upuang nasa harapan ng aking lamesa. Agad naman siyang sumunod at nakayukong sumagot.

"Hindi pa po pero-" natigil ang sinasabi niya nang makarinig kami ng naglalakasang katok sa pinto ng opisina.

Iniluwa ng pinto ang president ng classroom nila na si Vince at mga kaklase nila na halatang tinakbo mula classroom nila hanggang dito sa katabing building dahil halata ang hingal sakanila.

Jusmiyong mga bata ito, buti at wala si Riena'ng sungit dahil baka namatay na ako sa masasamang titig niya sa ingay ng mga batang ito!

"Ma'am, sasali po si Ana." Sigaw ng mga kaklase niya sa labas at isa-isang pumasok at lumapit ang mga officer sa table ko.

Bakas sa mukha ni Ana ang gulat dahil sa pagsulpot ng mga kaklase, mukhang umalis ito sa classroom ng hindi napapansin ng mga kaklase para kausapin ako tungkol sa issue na to.

"Pero wala kaming sapat na pera para sa event na yon, okay lang sa akin na wag na ako." segunda ni Ana habang naluluha dahil sa pressure siguro sa pag pilit sakanya ng mga kaklase.

Napansin ko ang tinginan at kulbitan na ginagawa ng mga officers kay Vince, na para bang sinasabi nila na mag salita siya bilang presidente ng section nila.

Nakaismid lamang ang tahimik at namumulang tenga na si Vince, hindi pinapansin ang pangungulit sakanya ng mga kapwa officer.

"Pero si Vince! may naisip siyang paraan, diba Vince?" sabi ng vice president na si Cheska sabay turo kay Vince.

Marquez Series 1: Teach MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon