CHAPTER 15

5 0 0
                                    

"Every weekends ka talaga pumupunta sa bahay?" I asked as I began eating my breakfast meal.

"No, pag hindi busy, pumupunta ako kahit weekdays." Sabi niya habang umiinom ng iced coffee.

"Eh, ngayon, bakit weekends nalang?"

"I... was busy, work." Sabi niya bago tumingin sa labas.

"Alam mo, kung sobrang busy ka, you don't have to bring your work here. Pwede namang saka ka na pumunta pag libre ka na." Still looking at him.

Naisip ko kasi na napaka hassle ng ginagawa niya, katulad kanina, mas convenient kung sa Manila na niya gawin ang mga 'yon.

Nilapag niya sa lamesa ang kape na iniinom, he leaned on the table and stared at me for a moment.

Seryoso ang mga mata niya, may bahid ng irita ang mukha niya dahil sa pag galaw ng panga niya.

Hindi ko makayanan ang atensyon na binibigay niya sa akin kaya naman pinilit kong iniwas ang tingin ko sakanya at binigyang pansin ang pagkain ko.

"Okay lang sa'yo?" He asked, still staring at me.

"Oo naman." Sabi ko agad habang nakayuko, nag fofocus sa paghihiwa ng itlog.

Syempre ayaw ko! Pero anong magagawa ko? Ayaw ko namang maging demanding lalo na hindi naman kami, at hindi naman ganon kalalim pa nag nararamdaman ko sakanya.

"Look at me, then. Say it to my face." He said with so much authority in his voice.

Bahagya ko siyang tinignan bago sinubo ang huling kanin ko, natigil ako nang makita ko ang pag pungay ng mga mata niya habang nakatingin sa akin.

I wanted to be selfish and tell him how I want him to move in to the orphanage, gustong-gusto kong sabihin na dito nalang siya para araw-araw ko siyang nakikita, para araw-araw namin siyang kasama ng mga bata.

Pero alam kong hindi pwede, may trabaho siya na kailangang gawin, kailangan siya sa kompanya nila.

I looked straight at him, and uttered my answer.

"Oo." I simply said.

I saw a glimpse of disappointment in his face while staring at me. I immediately looked away and began drinking my coffee.

Tahimik kami sa byahe pauwi ng bahay, I think I made our situation this awkward. Gusto kong iuntog ang ulo ko sa bintanang nasa tabi ko sa katahimikan.

Pero hindi ako nagsisisi na sinabi ko 'yon, importante ang trabaho lalo na kung passion mo 'to.

Nang makarating kami ng bahay, tapos na mag almusal ang mga tao at nautusan silang mag linis ng kwarto nila kaya kahit sila sister ay nasa taas para tulungan sila.

Kakapasok lang namin ni Priel ng living room nang masaktuhan na pababa si Milan ng hagdan habang nakatanaw sa amin.

"Nag date..." Conclusion niya agad kahit hindi pa kami nag sasalitang dalawa.

"Hindi, ah! Ano ka ba." Nahihiya kong sabi bago siya sinalubong at inakbayan, sinadya kong bigatan ang braso na nakapatong sa balikat niya kaya napadaing siya.

"Oa mo." I glared at her.

Nakita ko si Priel na tahimik na papuntang kusina kaya sinundan ko ito ng tinigin, napansin ko rin na nakatingin rin dito si Milan na may bahid ng pagtataka sa mukha.

"What happened?" 

I just shrugged and went upstairs to take a bath.

Hindi ko alam kung apektado ba siya sa naging usapan namin kanina o sadyang pagod lang siya, totoo naman kasing nahihirapan siya sa set up na gano'n, babyahe papunta dito tapos may mga trabaho pa pala siya na naiwan, bakit pinipilit niya pa? Siya na nga ang iniisip siya pa ang ganito.

Marquez Series 1: Teach MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon