Chapter 27: Lahat at Totoo

447 8 7
                                    

ANNE'S POV



"Bata pa lang ako, ipinaalam na ni Daddy 'yung tungkol sa inyo nila Kuya Neil at Ramil. Noong kinukwento niya nga sakin 'yun, eh, naluluha siya. H-hindi siya nagdalawang isip na ikwento sakin kahit alam niyang masasaktan ako." Nakayuko si Jasmin habang sinasabi ang lahat. Si Jasmin ang half sister ko, siya ang naging anak ni Papa sa naging asawa niya pagkatapos kay Mama. "Si Dad na... sinabi lahat ng hinanakit niya sa buhay... saakin. S-saakin na anak niya sa ibang babae. Sinabi niyang may ibang pamilya siya. I am open minded. Hindi ako nakaramdam ng galit sakanya o sa inyo." Nagpunas siya ng luha.


Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko mapigilan alalahanin ang mga panahon na wala si Papa para sakin. Para samin. "Tinulungan ko si Dad na hanapin kayo. Matagal ang proseso. Alam na namin na... magagalit kayo. Pero, Anne... tanggapin mo ulit si Daddy sa buhay mo. K-kasi nakita ko kung paano siya nagdusa habang hinahanap namin kayo. Please..." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at tinignan ako. May luha sa kanyang mga mata. Hindi ko na rin napigilan ang pagluha.


"H-hindi ganun kadali.... hindi madali." Umiling ako at humikbi. "Pero... uunahin ko pa ba ang galit ko sa pagmamahal ko sa tatay ko? Mas mahal ko tatay ko kaysa sa galit ko." Ngumiti siya at niyakap niya ako. Binalik ko rin ang yakap na binigay niya saakin.


"A-anne." Narinig ko ang boses ni Papa sa likod ko. Kumalas si Jasmin ng yakap at sumenyas na lumapit ako kay Papa. Ganun nga ang ginawa ko. Nagyakapan kami ng mahigpit. "Im so sorry, Anne. Hinyaan kayo ni Papa." Sabi niya habang magkayakap kami.


Dinama ko ang yakap niya at umiling, "Hindi, Pa. Hindi niyo kami pinabayaan. Sorry din po." Sobra na ang iyak ko ngayon. Tumingala ako sa langit at naalala si Mama. I love you, Ma.




"Anne, puntahan mo na si Vhong. Alam kong miss na miss mo na 'yun." Sabi ni Karylle. Bumisita siya sa bahay ngayon kaya naman walang katapusan ang daldalan naming dalawa. HAH! Ilang linggo rin kaming hindi nagkita dahil sa problema ko sa pamilya.



"Baka nga galit 'yun, eh." Sabi ko sa ere.


"Talaga! Ang taas ba naman ng pride mo, eh!" Napatingin ako sa kanya. Oo, mataas. Pero mas mataas naman yung pagmamahal ko kay Vhong, ano.




Nagdesisyon akong pumunta sa kanya. Bukod sa gusto ko na siya makita at makipag-ayos, eh miss na miss ko na siya! Ang cheesy. Ganto ba talaga pag umiibig?


Nag-door bell ako, pinagbuksan ako ng pinto ng isang maid doon. First time akong pumunta kaya naman hindi nila ako kilala.


"Si Vhong po?" Tanong ko.


"Ay, maam. Nasa orphanage pa po." Tumango ako at naalalang mahilig nga pala siya doon pumunta. Napagdesisyunan kong pumunta doon dahil na rin gusto ko bisitahin ang mga bata...


Nakita ko na nag-uusap sila ni Ma'am Rowena. Siya ang may-ari ng orphange na ito....


"Hindi ko alam, pero... huwag ka naman sanang manggamit ng ibang tao." Narinig kong paalala sa kanya ni Maam Rowena. Naging dahan dahan ako sa paglalakad...


"I know. Im not using anyone, Tita. Im not using Anne." Sagot niya at nakakunot ang noo.


"I know you're not using her. Be sure, Vhong. Be sure you've already moved on. Mabait na bata si Anne. Alam kong nagkakamabutihan kayo at baka nga ay kayo na."


"Yes... Kami na ni- Anne?" Naging mainit ang gilid ng mga mata ko.


Be sure... using her... already moved on... kami na.... what's actually happening in my damn life? Ito ba... yung lahat at totoo?!


—————————————————————————————————————————————————————-


I'VE MISSED TYPING ABOUT MY STORY.... ABOUT VHONGANNE. SORRY FOR THE LAME UPDATES. SORRY BUT I'M BACK.


Priority ko po yung mga nag-a-add sa reading list nila ng He's Mine. Sa inyo ako dapat magsorry ng lubusan. Dedicated ito sa inyo... Sana namiss niyo ako =D Sorrina. Love you all, vhonganne ~ xx

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's Mine (VhongAnne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon