Chapter 26: No Choice

455 8 2
                                    

ANNE'S Point Of View

        Wala akong nagawa kundi pumayag na tumira sa poder ni Papa. Tatlong araw na kami dito nila Kuya Ramil at Kuya Neil.

        Ngayon din ang araw na sinabi ni Kuya Ramil ay may ipapakilala siya sa amin na kapatid daw namin sa Ama.

        Tingnan mo, lumand rin pala yung tatay ko! Anong klase?!

        Malaki at maganda ang bahay na to, Binigyan kami ng tig-iisang kwarto. Mabuti na lang at mag-isa lang ako sa kwarto. Nandoon na lahat ang kailangan ko kaya hindi na ako masyado naglala-labas sa kwarto.

        Isa lang ang naiisip ko kapag mag-isa ako or wala akong ginagawa, naaalala ko si Vhong. . .

*Flashback*

        "Be mine. . Anne." Nagulat ako sa tanong ni Vhong, nasa terrace kami ng ni-rent naming kwarto sa Palawan, gabi na at bukas na ay pwede na kaming umuwi.

        "Ano?" Tanong ko kahit alam ko naman na yung sinabi niya.

        "Ang saabi ko. . ." Lumapit siya sa akin at hinapit ang bewang ko. Niyakap niya ako mula saaking likuran, napangiti ako. Hindi ko ito mapigilan, "Saakin ka na lang, Anne Samillo." Ulit niya.

        Kumalabog ang puso ko. Kanina noong 'Be mine, Anne.' medyo hindi ko dama. Noong 'Saakin ka na lang, Anne Samillo.' dito na kumalabog ng husto ang puso ko. Isa lang ang ibig sabihin non, 'Mas dama ko kapag tinagalog.' 

Iniisip ko kung ano ang nagagawa ni Vhong sa akin. Napapangiti at napapasaya niya ako sa mababaw na paraan. Sapat na siguro yon para masabi kong gusto ko na din siya, hindi ba? Naramdaman ko ang paunti-unti niyang pagbitaw sa bewang ko kaya mabilis akong nagtanong,

        "Gusto mo ba talaga ako? Kaya mo ba ako alagaan? Kaya mo bang magtiya at magtiis sakin? Kaya mo bang lumaban para sa akin? Totoo ba yung sinasabi mo?"

        "Oo, gusto talaga kita. Oo, kaya kitang alagaan. Oo, kaya kong magtiga at magtiis sayo. Oo, kaya kong lumaban para sayo. Oo, totoo tong sinasabi ko." Sunod-sunod din niyang sagot kaya napangiti ako.

        "Edi sayo na." Tumawa siya at mahigpit uli akong niyakap mula likod. Nakakakiliti kasi yung hininga niya'y nararamdaman ko sa tenga ko.

*End of Flashback*

        Humikbi ako. Maikili pa lang ang panahon na nagsasama kami ni Vhong pero feeling ko di ko na kakayanin kapag nawala siya. Hindi ko na ma-imagine na lalayo siya. Nitong mga nakaraan ay hindi ako masyado nakakapaglambing sa kanya dahil sa problema ko. Baka sumuko na sa akin yun! Namimiss ko na si Vhong. Hindi pa kami nagkikita mula noong nagtalo kami.

-

Anneongseo's Point Of View

"Para saan ba talaga tong ginagawa natin, Viceral? Nakakakonsensiya, e." Sabi ni Karylle.

"Para to sa kaibigan mo." Sagot ni Viceral.

"Tsaka kay Vhong? Tss. Hayaan na lang natin sila, problema nila yun. Hindi tayo kasama don. Problema nilang magsyota, kaya in the first place, hindi dapat tayo nangingialam." Paliwanag ni Karylle.

Nanahimik si Viceral. Bumuntong hininga siya. Humakbang siya,

"Bahala ka, konsensiya mo rin naman, e. Sige, itigil na natin to." Huling sabi ni Viceral at patuloy na umalis.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Advance happy valentines. Update for today :)

He's Mine (VhongAnne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon