Chapter 17: Jealous Hearts (Part II)

622 11 3
                                    

ANNE's POV 

 

Sabado na! Salamat naman at weekends na. Pwede na magpuyat XD

"Anne, hindi ka ba pupunta kela Sister Ariana?" Sabi ni Kuya Niel habang kumakatok sa kwarto ko.

"Pupunta ako, mga seven." Sagot ko narinig ko naman na umalis na si Kuya Niel may pasok pa raw siya eh, hirap talaga kapag collage.

Tumayo na ako at nagready pumunta kila sister Ariana, sila sister Ariana ang nakilala ni Mama noong hindi na nagpakita si Papa, sa kanya humingi ng tulong si Mama at nakapagpundar naman siya ng negosyo niya. Dadalaw ako ngayon sa orphanage na pinatayo ni Sister Ariana, medyo naging close ko na rin kase yung mga bata roon eh.

"Kuya, pupunta ako kela sister Ariana." Paalam ko tapos lumabas na ng bahay. Simple lang ang suot ko, simpleng t-shirt tapos may dala rin akong sumbrero na pang-gangster, angas! =D

Habang naglalakad ako, may nakita akong puppy na dinidilaan niya yung katawan niya, ang cute. Napalingon-lingon ako at hinanap kung may tao na nagbabantay sa kanya. Wala naman! Lumapit ako doon at bubuhatin ko na sana..

"Chachi!" may nauna ng babaeng bumuhat sa kanya, napatayo naman ako sa gulat.

"Oh, hi!!" She said with cheerful tone. Aay kamukha siya. Ang ganda niya, Dyosa. Tinitigan ko pa ng maigi. Mukhang pamilyar rin ako sa kanya dahil nagtitigan kami. Ngumiti siya.

"Hello,  sige, aalis na rin ako. Bye." Sabi ko tapos naglakad na, nagtataka at kinakabahan ako kasi sa totoo lang, kahawig ko siya. Hmp! Shunga lang?

- - -

Nakarating ako sa orphanage, sinalubong ako ni Manang Fe na isa sa mga sister dito, kaibigan rin siya ni Sister Ariana. 

"Oh, Anne? Napadalaw ka? Napaka-ganda mong bata ka." Bati niya habang pinabubuksan ako ng gate.

"Nako manang Fe, wag nga po ako." Tawa tawa kong sagot sa kanya. Natawa rin siya.. "Ahm, nasan po si Sister Ariana?" Tanong ko

"Nasa taas nag-aayos ng pagkain ng mga bata." Sagot niya, nagpaalam na ako sa kanya tapos umakyat na.

Habang paakyat naman ako, may mga nakakasalubong akong mga bata at binabati ako, kilala ko na rin kasi sila. Nakarating ako sa taas at nakita naman ako kaagad ni Sister Ariana. 

"ANNE!" Nagulat ata siya, bigla siyang luimapit sa akin at yumakap.. "Kamusta na kayo?" tanong niya ng nag-aalala.

"Ayos lang naman po.." Sabi ko tapos humiwalay sa yakap niya.

"Halika, dito tayo." Pumunta kami sa garden, at doon nag-usap.

"Saan na kayo nakatira? Nabalitaan ko ang sa mama mo, nalulungkot ako para doon.." Sabi niya habang hawak ang kamay ko. Napayuko ako, pinag-usapan namin ang tungkol sa nangyare sa libing ni Mama at marami pa siyang tinanong halatang nag-aalala.

"Siya nga pala, naalala mo pa ba yung pamangkin ko na matagal ng hindi pumunta dito dahil sa kasintahan niya ring namatay?" Tanong ni sister Ariana. Ah.. yung kinuwento niya sakin na pamangkin niya na ka-edad ko raw, binaggit niya pa nga dati na bagay daw kami eh! Si Sister matchmaker.. haha!

"Ah.. opo! Ano pong nangyare?" Tanong ko na na eexcite.

"May magandang balita! Bumalik siya dito noong nakaraang linggo, at ayun! Sabi niya, ipagpapatuloy niya na raw ang pagdalaw dito.. Nagsisi din siya kasi porke daw nawala ang mahal niya... hindi na siya dadalaw dito." Sabi ni sister na masayang masaya.

"Ganun po ba.. tama nga naman po kasi na wag niya masyado ipaikot ang mundo niya sa kasintahan niya." Sabi ko tapos tumawa. Natawa rin si Sister.

"Tama ka! Nandiyan ka naman ano?" Pabirong sabi ni Sister kaya natawa ako.. "Ay. Andito nga rin pala siya ngayon, kasi sabi niya, tuwing weekends, nandito siya. Ipapakilala kita." Kinikilig si sister Ariana na hilain ako papunta sa palaruan ng mga bata. At natanaw ko siya habang papalapit, teka... 

Habang papalapit kami, nagiging pamilyar itong taong to.

"VHONG!" Tawag ni Sister Ariana, halos malaglag ang panga ko sa binanggit na pangalan. V-vhong daw? O_O

"Tita Ariana!" Sabi niya tapos niyakap si Sister Ariana.

"Oh! Anne, ba't nandito ka?" Takhang tanong ni Vhong.

"Magkakilala kayo?" Sabay nilang sabi ni Sister Ariana. Sabay kaming tumawang tatlo.

"Ah.. sister, opo.. kilala ko si Vhong kasi schoolmate ko siya." Sabi ko kay sister Ariana.

"Opo tita!" Sabi pa ni Vhong. Tinignan kami ni sister ng makabuluhan.

"O siya.. siya.. magkakilala na pala kayo eh! Edi maiwan ko na kayo.." sabi ni sister at habang papalayo, tumatawa.

- - -

Nasa garden ako ulit kasama ko naman si Vhong, nag-uusap usap lang, nahihiya ako sa hindi ko malaman na dahilan..

"Bat parang ang tahimik mo ngayon?" Tanong niya. Nakaupo kami.

"Ah.. wala lang." Sabi ko tapos tumingin sa iba.

"We?" Hinawakan niya yung mukha ko tapos hinarap sa kanya. Napatitig tuloy ako sa mukha niya ng malapitan. Ngayon ko lang siya natitigan ng ganito.

"Ah.. haha. May sasabihin ka ba?" tanong niya habang nakahawak pa rin sa mukha ko. Nilayo ko ang mukha ko, "Wala ah, ikaw may sasabihin ka?" Tanong ko rin, wala binalik ko lang ung tanong baka ma-OP kami nito eh.

Iniwas niya yung tingin niya tapos binitaw sa mukha ko ang kamay niya... 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A\N: Hanggang diyan na lang muna guys! =))))) Medyo napahaba yata, basta VOTE AND COMMENT! =))) SALAMAT :) Muah! :* ♥

-Anneongseo ♥♥♥

He's Mine (VhongAnne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon