ANNE'S Point of View
Ilang linggo na ang nakalipas simula nung nagpakita ang papa 'daw' namin, at talong beses sa isang linggo ang pagpunta niya dito sa bahay, nakakainis lang sa tuwing lagi ko silang naabutan kapag umuuwi ako galing sa school na masayang nag-uusap! Kaya hindi ako maaga umuuwi minsan para makaiwas at hindi ko 'siya' makita at minsan na kela Karylle ako.
Ganun ba kila Kuya Neil at Ramil kadali magpatawad? Noong nalaman kong tatay namin yon? Ni hindi ako makatingin sa kanya dahil sa galit ko. Ayoko siyang sulyapan kasi galit ako sa kanya, galit na galit, hindi ba to naramdaman nila Kuya?!! Naguguluhan ako sa sitwasiyon.
Ngayon, matutulog na naman ako na walang ibang inisip kung hindi ang problema ko tungkol diyan, kaya gusto ko na lang lagi akong nasa school e.
VHONG'S Point Of View
Apat na linggo na simula noong parati nang hapon umuuwi si Anne sa kanila, alam ko naman yung problema niya, e. Kaso sa tuwing nababanggit ko lang yung 'patawarin' at 'tatay' e, grabe na yung mga tinginan niya. Yung pagkabadtrip niya, at mapupunta lang yun sa away. Kapag sinabayan ko naman pagkabadtrip nun, anong mangyayare?
"Okay, class dismissed." Pagkasabi ni Maam nun, nagmadali akong lumabas kasi puuntahan ko si Anne.
"Kuys! Sino bang tinatakasan mo saming tatlo, ilang linggo ka ng ganyan, ah? May mga pinagkakaabalahan.." Usisa ni Billy at hinawakan pa ako sa balikat.
"Gag*. Wala, busy lang ako sa GIRLFRIEND KO." Sabi ko,
"Wee? Sino naman?" Sabay na sabi ni Billy at Jhing.
"Si Anne." Walang alinlangangan na sabi ko. Nanlaki ang mata nilang dalawa. Hindi kasama si Viceral, alam niyo naman yun. Eh, kayo?!!
"Lokohin mo lelang mo, Vhong." Sabi ni Jhong.
"Hm. ikaw bahala." Sabi ko naman. Binatukan ni Billy si Jhong.
"Eh bat naman magsisinungaling si Vhong ha? Vovo." Sabi ni Billy.
"Oh sige na, magshare ka nalang.. anong nangyare?" tanong ni Jhong
At bago niyo pa ako dumugin, I CAN EXPLAIN! To make long story short, "Ewan. Basta naging kami na lang bago kami umuwi sa palawan." Done.
"ANO?! Ganon lang yun? Mamahagi ka naman kahit ilang moments niyo ni Anne Kuys." Sabi ni Billy.
"Hayu* ka kuys! Nakadali ka ng sirena sa dagat!" Sabi ni Jhong.
"Nako, kuys, hindi, nadali niya si Jesebel. Wahahaha." Nagtawanan silang dalawa. Wala naman nakakatawa, e.
"Bahala kayo, alis na ako." Sabi ko tapos tumakbo na. Naghihintay sa akin si Labi.
ANNEONGSEO'S Point Of View
"Ano ba ang pag-uusapan natin, ha?"
"Delikado si Anne kay Vhong."
"Ano? Ang bait ni Vhong para masabi mo yan, may galit ka ba sa kanya? Ha? Sinisiraan mo ba siya?"
"Ang dami mong tanong sa buhay! Basta, isasama kita sa pagi-embistiga tungkol dito."
"Ano?!! Ayoko nga!!"
"Ayaw mo?! Ipagkakalat kong may gusto ka kay asdfghjkl!"
"Oo na! Oo na!"
"PWESTANGGALINMOYANGKAMAYMOSABIBIGKO!"
"Ayy!! Sorry na, sasama na nga ako sayo diba?"
"*Sigh* Tara na,"
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Minamadali ko nang matapos itong story guys, But don't worry, sisiguraduhin ko naman na hindi gugulo yung story, e,
Im sorry sa Lame Update :(
-Anneongseo♥
BINABASA MO ANG
He's Mine (VhongAnne)
FanfictionSuportahan niyo sana gaya ng pagsuporata ko sa VhongAnne Love team