Chapter 18: Developing... ♥

526 19 10
                                    

ANNE's POV ♥

 Tinignan ko si Vhong pagkatapos niya alisin ang kamay sa baba ko. Malayo ang tingin niya.

"Wag ka magagalit ha." Nagtaka naman ako sa sinabi niya kaya naman tumingin din ako sa tanawin.

"Ok sige." Sabi ko na lang kahit na kinakabahan ako. Hindi ko naman kasi alam, depende na yun kung ano ang sasabihin niya.

"Gusto ko sanang... Gusto sana kitang..." Napatingin ako sa kanya dahil sa pag-aalanganin niyang sabihin, feeling ko tuloy masama itong balita. Tumingin siya sakin ng walang alinlangan, nakatitig siyua sakin. Kinakabahan na ako sa totoo lang.

"M-mahal...." Umiwas siya ng tingin, sabay balik ng tingin sakin ulit.. Hawak niya ang baba ko,  "Gusto sana kitang l-ligawan..." Ligawan? Mahal? Speaking of MAHAL, biglang nag-pop sa isip ko ung sinabi ni SIster Ariana, siya yung pamangkin niyang namatayan at dahil doon, hindi na siya pumunta dito sa orphanage..

Ibig sabihin, mahal na mahal niya to kaya siya nagkaganun.. Umiwas ako sa pagkahawak niya ng kamay ko, baka niloloko niya lang ako, baka biro-biro lang to! Pero.. hindi nakakatawa.

"Ano?" Yan lang ang lumabas sa bibig ko, kaya bahala na.

"Kung okay lang sayo.." Mahina at nakayuko niyang sabi. Hindi ko alam ang ire-react ko eh. Hindi pa ako nakakaranas ng ganito, ayoko pa sa ganitong usapan.

"A-ah... K-kasi.." Go, Anne, kaya mong sabihin na okay lang sayo kasi parang may gusto ka rin sa kanya.. Sabi ko sa sarili ko. Humarap siya sakin ulit,

"Okay lang naman, mukhang hindi ka pa ready sa ganitong sitwasyon sa buhay mo." Sabi niya tapos tumayo na, hindi ko na siya napigilan... Anong nangyayare sakin? Bakit pinakawalan ko pa yung pagkakataon? Baliw na bako? Tanga? Oo tanga ka, Anne!

Ang arte mo kasi! Bat hindi mo pa aminin kasi sa sarili mong gusto mo rin si Vhong?! Sermon ko sa sarili ko, napa-face palm na lang ako, wala na si Vhong sa harap ko... Nakaalis na siya.

- - -

*MONDAY*

ANNE's POV

Lunes na naman, ewan ko pero kinakabahan ako habang naglalakad papunta sa school.

"Anne!" Gusto kong sagutin at lingunin yung tumatawag sakin pero hindi ko magawa dahil parang kasi yung utak ko naka-focus lang sa nangyare nung sabado.

"TAE, AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAANE!" Doon lang ako nagawang lingunin si Karylle tapos hinampas yung braso ko ng libro.

"Pasensiya na, ano ulit yon?" tanong ko tapos inayos yung bag ko.

"WALA! Masasapak kita diyan eh, minsan na nga lang tayo magsama eh! Tsk." Nagtatampong sabi ni Karylle.

"Nakuuu. Tampo tampo pa! Ang drama mo oy! May ginagawa kasi si Author, may magiging POV ka rin dito... Tiwala lang!" Sabi ko tapos tinapik siya sa balikat.

"Talaga? Putek, Edi WOW!" Sabi ni Karylle tapos tumawa pa, hanggang sa makarating kami sa school at naghiwalay na kami dahil nga hindi naman kami magkaklase.

"Sige, Anne. Kita na lang tayo, kung magkikita." Natawa ako sa sinabi ni K, nakakatuwa kasi parang namimiss ako ni K na hindi niya masabi haha.

Paakyat na ako, konti na lang ang tao dahil yung iba maagang naglelesson, pero late na ako... LATE? Tumakbo na ako kaagad pataas ng may nakabangga ako, kinabahan ako dahil muntik na ako mahulog at mabuti na lang mabilis yung kamay ko kaya naman napakapit ako sa isang braso ng nakabangga ko..

"Nako, sorry nagmamadali kasi ako eh." Pagkatingala ko sa lalaki, si Vhong pala. Mas lalo akong kinabahan, sana pala nahulog na lang ako kaysa mapalapit sa kanya. WAAAAAAAAHH!

Lumayo ako kaagad sa kanya, walang ekspresyon ang mukha niya at mabilis na bumaba, parang siya yung Vhong na nakita ko nung nakaheadset siya, para siyang may malalim na iniisip at parang kapag tinignan mo siya, ang misteryoso niya.

Sinundan ko siya ng tingin, parang hindi niya ako kilala.. Isa lang ang nararamdaman ko ngayon, nasasaktan ako. 

--------------------------------------------------------------------

Dedicated to Kathrizamae :""> Thank you po :))) VOTE AND COMMENT! Comment ang gustong magpadedicate dito =) And HAPPY BIRTHDAY TO ME, REQUEST KO ANG VOTES ANG COMMENTS XD

He's Mine (VhongAnne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon