ANNE'S POV
Grabe, pagod na pagod na ako. Galing kasi ako sa bahay nila Sam, pinakain pa ako doon ng hapunan, kaya medyo ginabi ako. Tsk tsk.
Habang naglalakad ako, nakita ko si Vhong naglalakad rin... Bakit nandito pa rin siya? Hmmp! Hayaan na nga. Eh? Pero ba't ko siya hahayaan?
Ewan ko ba, may part na gusto ko siya pansinin, may part na ayaw -___- Ang gulo-gulo naman eh. Tsss, hayaan na nga... Magkakasalubong na kami hanggang sa makalagpas siya sakin... Aray!
Anyare?? Bat di niya ako pinansin? Huh? Hindi niya ba ako nakita? Bat parang ang sakit ng malagpasan -_-
Naglakad na lang ako ulit hanggang sa may naramdaman akong nasa likod ko. Lumingon ako, at ang nakita ko ay dalawang lalaki.
"Huy pare, siya yung.. siya yung babaeng hahaha! Akalain mo oh, wala na namang kasama... Oy miss, wala yung boyfriend mo?" Sabi ng isang lalaki. Nako, sila ba yun? WAAAAAAAHHH! Sila yun?
Hinawakan ako nilang dalawa, "WAAAAHH bitawan niyo ko!!" Sigaw ko.
Dinala na naman nila ako sa iskinita, tae, anong gagawin ko, wala si Vhong. Si Vhong yung nagligtas sakin noong una, pero mukhang wala na siya dito ngayon, mukhang matutuloy yata to??
"WAAAAAAAAHHH!" Sigaw na lang ako ng sigaw. Nagulat ako ng may sumuntok sa kanilang dalawa, nakita ko si Vhong. Napaiyak na ako sa takot.
"Vhong!" Yumakap ako kay Vhong tapos hinila niya ako palabas sa iskinita,
"San ka ba kasi galing? Hindi ka na ba nadala?" Binitawan niya ako, napayuko na lang ako.
"Eh kasi galing ako kela Sam tapo---" Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko
"Sam? Oh hindi ka hinatid? Punta punta ka doon hindi ka magpapahatid!" Mataas na yung boses niya, ewan ko pero naalala ko ung sermon ni Mama kaya napaiyak ako.
Nagulat ako ng yakapin ako ni Vhong. Narinig ko siyang magmura habang nakayakap sakin.
Hinatid ako ni Vhong hanggang sa bahay, hindi siya nagsasalita habang naglalakad kami kanina kaya naman hindi na rin ako nagsasalita.
"Kapag pinakita mo si Sam sakin, masasapak ko siya! Kaya kung ako sayo, wag kang sasama o ipapakilala pa sakin ung Sam na yun kung ayaw mong masira mukha non." Sabi ni Vhong ng nasa gate kami.
"H-huh?" Yan lang ang nasabi ko.
"Tsk, pumasok ka na nga. Naiinis lang ako kapag nababanggit ung pangalang yun eh." Sabi niya tapos pinagtulakan ako sa loob ng bahay.
Papasok na ako sa bahay... Nandun pa rin si Vhong sa gate...
"Anne.."
"Ay mukha ni Vhong!" Napatingin ako sa likod ko nakita ko si Kuya Ramil.
"Hanggang dito ba naman si Vhong nasa isip mo?" Sabi ni Kuya Ramil.
"Hindi naman sa ganun, Kuya." sabi ko na lang.
"Pumasok ka na nga, ikaw nasasanay ka na talaga. Kapag kasama mo talaga si Vhong ginagabi ka. Ilang beses na, Anne." Sabi ni Kuya Ramil.
"Grabe naman!" Sabi ko tapos pumasok na sa bahay.
"Ano mo ba talaga si Vhong?" Tanong ni Kuya.
"Wala wala." Sabi ko.
Ano ko nga ba si Vhong, sabi niya bestfriend daw.Tss! Pero sino kaya yung kayakap niya kanina? Ayy! Hindi ko na tanong >___<
-------------------------------------------------------------------------------------
Hanggang diyan muna ah. May Part II pa po XD hindi ako marunong sa mga kilig moments eh! Pero sana magustuha niyo ah! Thanks po!
Thanks sa Vote ang Comment! <3 Lab lab!
VOTE, LIKE, AND COMMENT
-Anneongseo!
BINABASA MO ANG
He's Mine (VhongAnne)
FanfictionSuportahan niyo sana gaya ng pagsuporata ko sa VhongAnne Love team