Chapter 20: Kiss Sabay Hug ♥*♥

556 17 0
                                    

ANNE'S POV

Pagkatapos ng contest, pumunta kami sa isang restau dito sa palawan, yun kasi ang isa sa mga price ng mga mananalo, papakainin sa isang restau worth of 8,000. Kaya nandito kami ngayon ng mga schoolmate ko para na rin i-celebrate to.

Medyo nakakain naman ako ng maayos dahil walang pumapansin sa akin. LONER. Totoo naman, loner ako pagdating sa school. Kaya nasasanay na ako. Pati na rin si Vhong hindi ako pinapansin, okay lang naman... Aray! Kumabog bigla ang puso ko dun. Ang sakit ng pagkakabog, ang bilis bilis.

Pero habang kumakain kami, napapatingin ako kay Vhong at nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. Nag-init ang pisngi ko. Nasa isang mahabang mesa kami, sa sobrang dami ng mga sumali kinailangan ng dalawang table, mahaba naman kaya kasya na yun.

"Well, done to foods? Okay! Thanks for the chill, students! Especially sa mga nanalo, Vhong Natividad, Melvin Andio, and Anne Samillo.. So sa mga di nanalo, youre still good. So next nating pupuntahan ay sa resort ng may-ari nito, okay? Ready?" Paanyaya ni Prof.

"REAADDDY!!!" Sigawan nila. Kaya bumiyahe na rin kami papunta doon, pagkarating agad na bumungad ang peryahan. wow.. resort na may peryahan!!

"Pwede kayo magtravel kahit saan, basta, may card kayo, ito." Bigay ni Prof na tig-iisa naming card, hindi ko pa nakukuha ang cash price ko pero may binigay sakin si Prof na cheque. Kaya kampante na ako na makukuha ko ito.

"Okay! Travel all you can! Dito tayo magpapagabi, 2 days tayo dito, ang pagkikitaan natin ay doon.." Sabay turo ni Prof sa balconahe, "Around 11pm nandun na kayo, kapag wala pa kayo. Sorry, maiiwan na namin kayo." Sabi pa ni Prof, tuwang tuwa ang iba dahil travel all you can. 8pm-11pm. Pwede na sila makipag-date.

Gusto ko sana sumakay sa wheel, pero wala naman akong kasama, kaya wag na lang, mas masaya kapag may kasama,,, Mas masaya kapag kasama ko.. siya. Si Sam? Umuwi daw kaagad, dahil may emergency sa bahay nila, alangan namang magpaimportante ako diba? Pagkatapos na pagkatapos ng contest, umuwi na siya.

Nagsialisan na sila ako nalang ang natitira dito, tatawagin ko sana si Prof para sa kanya na lang ako sumama pero... may humawak sa braso ko kaya napalingon kaagad ako.

"Vhong!" Sabi ko. Seryoso ang mukha niya at biglang ngumiti, nahawa ako kaya napangiti din ako.

"Wala kang kasama?" Tanong niya. Mas lalo akong napangiti.

"Wala eh." Sabi ko, nagtitigan kaming dalawa. Matagal siyang hindi nagsalita.

"Tara?" Aya niya, tumango ako, nabigla ako ng ipagsalikop niya ang daliri namin. 

**

Kung saan saan kami nakarating ni Vhong, ngayon, nasa wheel na kami, eto yung kanina ko pa gusto puntahan, nasa loob kaming dalawa.

"Ah Vhong.. Yung tungkol doon sa sinabi mo nung nasa o-orphanage tayo." Ayoko sana i-open to kaso hindi ko na talaga mapigilan ang bibig ko.

"Oh?" Napatingin si Vhong sa akin. Nakakahiya.

"Ahh ano.. kasi..." Ano nga ba ulit yung sasabihin ko.

"Tss! Eh ba't kasi ayaw mo?" Sabi niya tapos humarap sakin.

"Anong ayaw?" Medyo napataas ang boses ko, nagtaka ako ng ngumiti si Vhong.

"Yiieee. Gusto mo ba?" Tanong ni Vhong. Nagulat ako sa tanong niya, bakit kung gusto ko lang liligawan niya ako?

"H-ha?" Hindi ako makasabay sa trip neto. Mas nagulat ako ng lumapit siya sa akin.

"Anne kase.." Sabay lapit pa, naninigas na ako dito sa wheel na to, "Sabihin mo ung totoo, mahal mo ba ako?" Taning niya, yung seryoso. 

Mahal ko ba siya?

Loading............................................................................................ Processing...................................................................................... Completed!

"Hindi ko alam Vhong." Biglang lumungkot ang mukha niya, "Ang alam ko lang... Gusto kita makasama lagi tsaka gusto ko ako lang yung nilalambing mo.. Mahal na ba kita?" Tanong ko sa kanya. ngumiti siya ng pagkalaki-laki.

Hinalikan niya ako. Hinahalikan niya ako.. Hala! Hindi ko alam kung anong ginagawa niya, eto ung napapanood ko, kinikiss niya ako! Hindi ako makahinga kaya napabuka na lang ang bibig ko at naramdaman ko ang pag-ngiti niya.

Matagal yun. Mga ilang seconds. Ang hirap makahinga. Naramdaman ko na tumigil na ang wheel kaya tumigil din siya at niyakap ako.

"Eleven na, tara." Hinila niya ako palabas doon at nakita ko ang mga tao na nakatingin sa amin, nasa tapat sila ng wheel, baka nakita nila k-kami.. Nag-init ang pisngi ko.

--

A\N:

Hi! Eto na ang update =) Sorry kung matagal hindi nakapag-update nito.. Wala akong maisip na scene nila eh.. =D XD Ge, nakakagutom XD paki-vote and comment please =) may video din -----> share lang naman :* thanks! Comment or PM ang gusto magpadedicate hmm? -Anneongseo ♥

He's Mine (VhongAnne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon