Pauline's POV
"Anong plano mo ngayon pau?"
Tanong ni Charity sakin.
Nandito kaming lahat sa kwarto ko, dito kami ngayon ni Charity sa kama habang nag uusap habang nag lalaro ang mga babies namin sa pagitan naming dalawa habang nila Anne, Megan at Kari ay nag kanya kanyang pwesto. Si Anne nasa may gilid ko, si Kari naka upo dun sa upuan sa may gilid ng kama sa harap ng salamin ko at si Megan naman ay naka upo sa sahig pero naka patong yung baba nya sa kamay nya na nasa ibabaw ng kama.
Ang totoo nyan kanina pa ko tumigil sa pag iyak ewan ko ba dito kay Anne bakit nya sinabi kay Zec na sabihin kay Carl na hanggang ngayon umiiyak pa rin ako. Pero okay na rin siguro yun para di na muna sya pumunta dito.
"Anong, anong plano?"
Tanong ko habang pinapanood ko ang mga batang nag lalaro.
"Tutuloy mo pa ba ung pakikipag balikan mo kay Pat?"
Tanong ni Meg.
Ako: "Tingin ko di talaga kami para sa isa't isa noh? May iba na sya. Sabi nya ako lang, e bakit ganito? Pinilit kong bumangon di lang para sa anak ko kundi para na rin sa kanya, alam kong nag hihintay at mag hihintay sya hanggang bumalik ako. Hindi pala. Hindi ko alam, bakit ba kami umabot sa ganitong sitwasyon? Masaya kami noon pero bakit ganito na ngayon?
"Girl, di pa natin alam kung totoo ngang anak ni Pat yung batang nakita mo."
Sabi ni Kari ng maka lipat sya sa likod ng bestfriend nyang si Charity.
Ako: "What if kung oo?"
"Sige sabihin na nating anak nga ni Pat yun, matatanggap mo ba? Ang sabi mo kanina sa tingin mo buwan lang ang pagitan ng edad nung batang yung sa anak mo, kung iisipin mong mabuti nabuo yung batang yun nung nalaman nating buntis ka. Diba bigla syang na----"
Di ko na pinatapos ung sasabihin ni Charity ng mag salita ako.
"Bigla syang nawala, tapos ano? Nag hanap ng babae kase nasaktan sya?"
Pag tatapos ko sa sasabihin nya.
Anne: "What if, panindigan nya yung bata tapos ikaw pa rin ang piliin nya? Di pala what if yun knowing him sure akong yun ang gagawin nya."
Ako: "Sa tingin mo pipiliin pa rin nya ko kung nandyan na yung babaeng yun at dun sya may responsibilidad? Pipiliin nya ang isang rape victim na may anak na ngayon kesa sa ina ng sarili nyang anak?"
Megan: "Pat loves you."
Kari: "Wag ka ngang nega."
"Naiintindihan naman naming yung point mo pero tingin mo ba magiging fair ka pa kay Pat pag tinalikuran mo sya ngayon?"
Sabi ni Anne kaya napa tingin ako sakanya.
"Tinggap nya ang anak mo pe---"
"Pero ako hindi ko taggap ang anak nya sa iba?"
Pag tatapos ko sa sasabihin nya.
"Anne hindi ko gusto yung mga nangyari sakin, mahal ko ang anak ko oo pero yung way kung pano sya nabuo kelan man ni sa panaginip hindi ko ginusto nag makaawa at nag pumiglas ako pero nangyari pa rin. Pero sya, Anne choice nya yun, ginusto nya, sya mismo ang gumawa, oo binitiwan ko sya at pinaktulakan palayo pero hindi ko pa rin maiwasang maka ramdam ng sakit e, paki ramdam ko niloko ako, umasa ako e. Ang sabi nya ako lang. Siguro nga oras na para tuluyang bumitiw."
Charity: "Mag usap muna kayo."
"Ano nga ba ang mas masakit? Yung naramdaman nyang sakit nung nalaman nyang buntis ako sa rapist ko or yung nararamdaman ko ngayon na yung taong mahal ko ay may anak na sa iba dahil sa nasaktan sya ng nalaman nyang mag kakaanak na ko sa iba?"
Nang sabihin ko yun ay di ko nanaman mapigilang tumulo ang luha ko.
Agad akong niyakap ni Anne. Si Cha naman ay hinawakan yung isa kong kamay habang kandong na nya ang anak nya. Si Meg ay lumipat sa tabi ko para yakapin din ako. At si Kari ay pinunasan ang kumawalang luha sa mata.
"Mama!"
Rinig kong mahinang sambit ng anak ko kaya napa tingin ako sakanya.
Agad ko itong kinuha at binuhat para yakapin.
BINABASA MO ANG
Please, hold me tight!
RomanceLearn how to let go,hold on, move on, forgive, forget, acceptance, to have trust and faith, how to stand up after every fall, to give love and be love and most specially how to love our selves (again) (GorSome story 3)