Chapter 24 Rest house

85 0 0
                                    

Pauline's POV


"WAHHHHH"
"GIRLS!!!!!!!"
"I"
"NEEDDDDD"
"YOU'RE"
"HELPPPPPPP!!!!!!!!"
Sunod sunod kong message sa GC (group chat) naming GorSome girls, oo girls lang wala yung boys dito nasa kabilang GC. 


Anne: "Anyare? :O"


Megan: "Anong prob?"


Kari: "Bakit???? :o :o :o"


Charity: "Anong maitutulong namin?"


Sunod sunod din nilang tanong.


Ako: "Wala naman! Haha"


Anne: "-__-"


Megan: "*walkout*"


Kari: "Kaloka ka girl *pout*"


Charity: "Yung totoo nag aadik ka Pau?"


Megan: "Kari nahawa ka na kela Jed and Troy kaka pout."


Anne: "Tabasin na yan!!"


Charity: "Hoy Meg, nananahimik ako dito dinadamay mo ko. –Jed"


Ako: "Hoy ka din Jed!! Babae ka ba? Bakit ka nandito sa "GORSOME GIRLS GC? -__-"


Anne: "Natuluyan na si Jed!! XD"


Kari: "Bakla!"


Megan: "Layas na Jed."


Charity: "Oo lalayas talaga ako. Tinignan ko lang naman kung bakit napa PF ang mahal ko e.
Pau, tulog mo na yan, itigil ang pag aadik masama yun -___- *exit* -Jed"


Anne: "Ano ba kaseng meron?"


Kari: "Oo nga girl?"


Tanong nila kaya sinabi ko na yung sasabihin ko at agad naman silang nag agree at nag sabing tutulong sila.


~After one week~


"Oh anak saan tayo pupunta?"
Tanong ni mama samin ni Keshia.


"Oo nga, saan nyo ba kami dadalhin?"
Tanong naman ni papa.


"Nandito na po tayo."
Sabi ni Donny, naalala nyo ba sya? Sya yung kaunaunahang driver ni Charity nung napunta sya kay tito France ipinahiram sya sakin ni Cha pati na rin ang mini bus nya para komportable daw kami sa byahe. 


Papunta kami ngayon sa rest house na binili ko, opo binili ko para samin matagal ko na 'tong pinag ipunan matagal ko na ding nakita ang place na yun at inaayos ang paper para tuluyan ng mapunta sakin yung titolo naudlot lang dahil sa mga nagaganap na alam nyo na, at yun yung isa sa hiningi ko ng tulong nung naka raan sa GC.


Nag patulong din ako para ayusin 'to agad agad. Alam nyo naman ang kundisiyon ni Keshia diba? Kaya habang nandito sya injoyin na namin ang mga panahong mag kakasama kami.


Minsan tinanong ako ng GorSome girls.
"Pau, pano mo naka kaya yung sakit na may anak ang mahal mo sa iba lalo na at sa kapatid mo pa?"


Madaling kong nasagot ang tanong na yun ng...
"Sinasabi ko lang sa sarili ko na, Pau isang tabi at kalimutan mo muna yung sakit na nararamdaman mo. Hindi yan ang important ngayon, ang mas importante ay yung nararamdaman ng mga magulang mo. At alam mo na ang tanging mag papasaya sakanila ay ang makitang okay kayo ni Keshia, kahit yun man lang maibigay mo sa kanila kapalit ng lahat ng pag hihirap nila sainyo... sayo."


Madaling sabihin ang mga salitang iyan na lumabas sa bibig ko pero ang hirap hirap gawin, pero okay lang para naman kela mama at papa ang ginagawa ko.


"Ang ganda naman ng bahay na ito. Kanino 'to anak at 'bat tayo nandito?"
Tanong ni mama pag pasok namin sa loob.


"Satin ma, binili ko po para may rest house tayo."
Naka ngiti kong sagot.
"Naalala nyo ba ma, pa madalas tayong nag aouting noon at ang madalas nating gawin ay ang mag swimming kaya ito sinigurado ko yung binili kong rest house ay malaki yung pool." 


"Oo nga ma, na-miss ko 'to. Matagal din nating hindi nagawa ito ng mag kakasama. Chance na natin ito na maka pag bonding ulit ng kumpleto tayo bago ako mawala."
Sabi ni Keshia na medyo lumungkot ang tono pero napawi din naman agad.
"At isa pa ma, pa may dalawa pang nadagdag sa Fernandez's family ang ating babies na sila baby Clyde and baby Carlynn."


Nga pala, alam ni Keshia about dito. Sinabi ko before ko ka usapan ang GorSome girls.


"Mahal 'to anak, pano ka naka bili nito?"
Tanong ni papa.


Ako: "Pa, sa laki ba naman ng allowance na binibigay mo sakin e. At saka okay lang yun, para naman sainyo ito e maliit na bagay lang ito kumpara sa mga binigay nyo para samin. Kaya thank you po sa lahat kase nandyan kayo sa lahat ng oras na kailangan namin kayo at sorry sa lahat ng sakit nabinigay namin. I... we love both of you ma, pa." 


"Mahal na mahal din namin kayo mga anak."
Na iiyak na sabi ni mama saka nya kami niyakap, si papa din ay nakiyakap na rin.


"Haha! Ano ba yan? Tama na ang drama, tara injoyin na natin ang araw na ito at mga susunod pang araw."
Sabi ni Keshia.


"Kayo e, pinaiyak nyo ko."
Natatawang sabi ni mama.


~~~


Natapos ang isang masayang bonding namin sa rest house kung saan kami nag overnight, isang araw at gabi na puno ng kwentuhan, tawanan, picturan at kung anu-ano pa. Hahaha ginulat pa nga namin ni Keshia sila mama at papa nag bigla kaming pumasok sa roon nila syempre dala namin ang babies namin sabi namin dun kami matutulog at makikisiksik sa kanila kaya si papa ay kinuha yung kuna ng mga bata para di namin maipit, oh ha!! San ka nakakita ng may mga anak na nga pero tumatabi at nakikisiksik pa rin sa kama ng parents nila? Kami lang yun, san ka pa!?


So ang pwesto namin kagabi ay papa-Keshia-ako-mama tapos sa tabi ng kama namin ay ang kuna kung saan nag tutulong yung dalawa.


Pero alam ko na kahit matapos ang gabing iyon ay hindi patatapos yung saya na mararamdaman nila mama at papa pag maaalala nila na minsan naging buo pa ulit kami at masayang nag sama bago ulit may mabawas sa amin.


~~~


Medyo malayo pa naman kami sa bahay pero tanaw ko na ang kotse na pamilyar sakin at ito ang kotse ng nag iisang Carl Patrick Rodriques.


Pag hinto ng sinasakyan namin ay lumabas na ng kotse si Carl.


"Oh Pat, kanina ka pa?"
Agad na tanong ni papa.


"Di naman po tito."
Sagot naman niya sabay mano kela mama at papa pero ang tingin nya ay napako sa batang buhat ni Keshia.
"Alam ko pong pagod kayo pero gusto ko po sana kayong maka usap."
Dugtong nya.


"Okay lang Pat, tara sa loob."
Sabi ni mama, pag bukas ni papa ng pinto at umuna na syang pumasok.


"Tungkol saan ang pag uusapan natin Pat?"
Tanong ni papa pag upo nila. Kami naman ni Keshia ay tahimik lang na nakikinig sa isang tabi.


"Hmm, lumabas na po kase yung result ng DNA"
Pag kasabi nun ni Carl ay bigla akong kinabahan.
"Bago po nag kita sila Anae at Keshia ng galing na po ako ng hospital para mag pa-DNA at kahapon ko lang po nakuha ang result."
Paliwanag nya.
"Positive po, anak ko nga po si Carlynn."
Pag kasabi nya nun ay muli akong naka ramdam ng sakit, oo alam ko na namang anak nya si Carlynn pero ang sakit pa rin pala lalo na kung manggagaling sakanya.


"Kilala ka namin Pat, alam naming alam mo ang responsibilidad mo."
Sabi ni papa.


"Di ko po pababayaan si Keshia at si baby Carlynn."
Sabi nya.


Mama: "Nakita namin kung paano mo minahal si Clyde kahit hindi mo sya anak kaya naman alam namin na ganun din ang ibibigay mong pag mamahal at pag aalaga sa anak nyo ni Keshia."


"Salamat po sa tiwala nyo."
Sabi nya.
"Tita, tito pwede ko po ba munang hiramin sila Keshia at baby Carlynn? Gusto po silang makilala nila mom and dad. Ibabalik ko po sila agad para maka pag pahinga."

Please, hold me tight!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon