Pauline's POV
"Ang cu-cute ng kambal natin nampyeon."
Aliw na aliw kong sabi sa bagong dating na babies namin.
Kakadala lang kase ng nurse dito sa room ko yung kambal ko e. 8:00 AM na ngayon at kaka gising ko lang din. Tamang tama sa pag dating ng kambal ko, kasalukuyan nga namin silang buhat ni nampyeon, sya kay baby boy ako kay baby girl.
"Anong ipa pangalan natin sa kambal anae?"
Tanong nya kaya napaling sakanya ang tingin ko.
Nakatingin at naka ngiti sya sakin, yung tingin na nag sasabing "Gawin mo kung ano ang hindi mo nagawa kay baby Clyde noon, ikaw ang mag bigay sakanila ng pangalan"
"Precious Chelsey."
Sabi ko ng tignan ko ang baby girl ko saka ko sya binigyan ng kiss sa may kaliwang pisnge.
"And you little boy."
Sabi ko pag tingin ko sa baby boy na buhat ni nampyeon.
"Peyton Cyril"
Di ko maiexplain yung feeling, ganito pala kasarap yung finally mabigyan ko ng pangalan yung bata na siyam na buwan kong dinala sa sinapupunan ko.
"Yow!"
Biglang sulpot ng GorSome.
Grabe! Nag momoment pa ko e =__=
"Pat!!!!! Naka pag isip ka na ba?"
Tanong ni Jojo.
"Oo nga, may bago ka ng career."
Sabi naman ni Jed.
Dahil sa mga pinag sasasabi nung dalawa ay pinag singkitan sila ng mata ni nampyeon.
"Doctor Carl Patrick Rodriguez? Pwede na!"
Sabay sabay nilang sabi saka sila nag apiran pati ang ibang girls, ako naman ay nag pipigil ng tawa.
Nampyeon: "=___="
Ako: "Pano kase, ang tagal magising kung di pa ko sumigaw di pa babangon ayan tuloy naabutan ng pag putok ng panubigan ko. Hahaha!"
Meg: "Pangalawa na yan."
Anne: "Di lang pangalawa, tangatlo na nga rin e."
Kari: "May pang apat pa kaya?"
Cha: "Meron yan, masipag naman yang si Pat e."
Sunod sunod na sabi nung girls habang lumalapit samin.
"Mag dilang anghel ka sana cha, yung sa pang apat pero di na ako mag papaanak *wink*"
Sabi ni nampyeon kaya sya naman ngayon ang pinag liitan ko ng mata.
"I love you anae too. Hehe"
Sabi nya kaya napa iwas ako ng tingin.
~After 3years~
"Babies, careful baka madapa kayo."
Sigaw ko sa mga bata na nag lalaro dito sa mini playgroup nila sa garden habang ako naman ay busy sa pag aayos ng miryenda nila dito sa may table di kalayuan sa mini playground nila.
"Ito ang magandang pampatanggal ng pagod."
Biglang sabi ni nampyeon sabay yakap sakin mula sa likod tapos pinatong nya yung baba nya sa balikat ko.
Ako: "Hmm?"
"Ang panoorin ang mahal kong asawa na naka ngiti habang nanonood sa mga gwapo at nag gagandahan namin babies."
Sabi nya kaya napa ngiti ako.
"Ang ganda ganda nilang panoorin nampyeon, tignan mo si baby Clyde oh kuyang kuya sa mga kapatid nya ganun din si baby Carlynn."
Sabi ko ng inalalayan nya ang little sister nya na si Precious na umakyat dun sa padulasan e.
"Nampyeon?"
Tawag ko sakanya saka ako umikot para mapa harap ako sakanya.
"Nasabi ko na bang thank you?"
"Thank you para saan?"
Taka nyang tanong.
Nasa bewang ko naka pulupot ang dalawa nyang kamay ngayon habang ang kamay ko ay nasa may bakit nya, hihi para lang kami nag sasaway. Sabagay, ganito naman kami palagi e.
"Thank you kase... Di mo ko binitiwan kahit na pinag tulakan kita palayo. Thank you kase nandyan ka para sakin. Thank you sa unconditional love na binibigay mo sakin pati kay baby Clyde kahit hindi sya sayo. Thank you kase kung hindi dahil sa pag mamahal mo, hindi ako magiging masaya ngayon ng ganito. Thank you sa lahat lahat. I love you Mr. Carl Patrick Rodriguez my nampyeon."
Sabi ko ng di ko napapansin na may tumutulo na palang luha sa mga mata ko.
"Shh!"
Sabi ni nampyeon na habang pinupunasan ang luha ko.
"Wag kang umiyak, wala akong hindi gagawin para sayo. Mahal na mahal kita anae kayo ng mga anak natin."
Ako: "Eto na siguro yung sinasabi ni mama na araw."
Nampyeon: "Na?"
"Na dadating yung araw na hindi na ko iiyak dahil sa sakit, dadating yung araw na kaligayahan na yung magiging rason ng luhang iiiyak ko"
Matapos kong sabihin yun ay ipinapat nya sakin ang palad nya, para syang makikipag apir.
"Basta kahit anong mangyari wag mo na ulit binitiwan ang kamay ko ah."
Sabi nya kaya napa ngiti ako ulit. Itinapat ko ang palad ko sa palad nya, unti unti inilalagay nya ang mga daliri nya sa pagitan ng mga daliri ko at unti unti itong isinara. Holding hands na kami ngayon.
Ako: "Ngayon pa ba? Alam kong hindi pa dito nag tatapos ang mga pag subok na dadating satin nampyeon, pero hindi ako natatakot harapin yun kase sa dami ng dumaan satin alam kong maka kaya nating lagpasan yun ng mag kasama. I love you so much nampyeon."
"I love you more anae."
Sabi nya saka nya ko kiniss.
After ng halik nya na puno ng pag mamahal ay niyakap ko sya at medyo tumagilid ako para tignan ang mga bata na busy sa pag lalaro, di nila napansin na nandito na ang dada nila.
"Dedma ka nila nampyeon."
Sabi ko habang naka tingin pa rin sa mga nag lalarong bata.
"Haha! Hey little buddies."
Tawag ni nampyeon sakanila kaya napa lingon sila.
"DADAAAAA!!!!!"
Sigaw nila at dali daling tumakbo papalapit samin.
Agad na umupo si nampyeon para maka level nya ang mga bata na agad namang nag unahang maka halik sa dada nila.
"Binilhan ko kayo ng favorite nyong donuts."
Masiglang sabi ni nampyeon.
Agad na hinatak ng mga bata ang dada nila paupo sa table kaya naman kumilos na rin ako para asikasuhin sila. Nang matapos silang kumain ay agad nilang hinatak ang dada nila para mag laro sa mini playground nila.
Ang sarap nilang panoorin, kung meron man akong ipag papasalamat sa lahat ng nangyari sakin at lahat ng natanggap ko na kahit kelan man ay hindi ko ipag papalit, "SILA" yun.
Sa buhay may mga dadating sating pag subok na susubok satin mentally, physically, emotionally at faithfully.
Bawat pag subok may mga bagay kang matututunan, mga bagay na dadalhin mo kahit saan ka man makarating, may mga pag subok kung saan makikita mo at makikilala kung sinu-sino yung mga taong handang dumamay at handang punasan ang mga luha mo, mga taong willing maging takbuhan, sandalan at karamay mo kahit ipag tabuyan mo sila palayo.
"Time" yan ang isa sa dapat tandaan ng mga nadadapa at nasasaktan. May tamang oras para sa lahat, madapa man tayo ngayon isipin na lang natin na unti unti din tayong makakabangon sa tamang panahon. Masaktan at masugatan man, lilipas ang oras at araw na mag hihilom ang lahat ng sugat at mawawala ang sakit na dulot ng pag subok na dumating.
At higit sa lahat, ang pinaka na tutunan ko ay ang kumapit at huwag mubitaw sa mga taong nandyan para tulungan kang maka bangon, bakit? Kase mahal ka nila at hindi nila hahayaan na manatili kang nakadapa at nasasaktan basta mag tiwala at manalig ka lang.
"MAMAAAAAA!!!!!!"
Rinig kong tawag ng babies ko kaya nabalik ako sa realidad.
"Come on! Let's play."
Agad akong lumapit at pag lapit ko ay lumuhod ako sa may tabi ng asawa ko na agad kinuha ang kamay ko.
"Kapit lang at wag kang bibitiw sakin ah."
Naka ngiti nyang sabi.
"Promise, hinding hindi na."
Sabi ko saka ko sya nginitian.
"I will hold you tight forever and ever."
BINABASA MO ANG
Please, hold me tight!
RomanceLearn how to let go,hold on, move on, forgive, forget, acceptance, to have trust and faith, how to stand up after every fall, to give love and be love and most specially how to love our selves (again) (GorSome story 3)