Patrick's POV
"Inaamin ko nung unang nalaman kong buntis ako inisip kong ipalaglag ang bata inisip ko pano kung mapasa ko sakanya ang sakit ko pano, magiging kawawa lang ang batang ito."
Sabi nya habang naka tingin sa bata.
"Pero di ko ginawa, nag papasalamat ako sayo kase kundi dahil sayo di matutupad ang pangarap ko. Pangarap kong mag karoon ng sariling pamilya, hindi nga lang buo wala man akong asawa pero atleast naranasan kong maging ina kahit saglit lang. Masakit man, gusto ko mang ibigay sakanya ang lahat ng pangangailangan nya, alagaan at mahalin sya hindi ko na magagawa."
Sabi pa nya habang umiiyak na.
"Please Carl. Hindi ako matatahimik, hindi na nga nya makikilala ang ina nya pati ba naman ama nya hindi din nya makikilala? Sabi ng doctor three months ago, meron na lang akong four to five months, masyado na kong mahina ramdam ko malapit na ko."
Dugtong nya pa at ngayon ay tumingin na sya sakin.
"Ikaw na lang ang matitirang meron ang batang ito, kung gusto mo ipa DNA mo para maka sigurado ka."
Pag kasabi nya nun ay kumuha sya ng hibla ng buhok ng bata at inilagay sa tissue saka inipit dun sa magazine na nasa table para di liparin.
"Aalis na kami, tawagan mo na lang ako kung pwede, isusulat ko na lang yung number ko dito."
Sabi nya saka nya kinuha yung notepad at bullpen sa tabi ng magazine.
After nyang isulat ang number nya ay tumayo na rin sya at nag lakad papuntang pinto.
"Yung paper bag mo naiwan. Sandali lang hatid na rin kita."
Sabi ko bago nya tuluyang mabuksan ung pinto.
Kahit naman nabigla ako at malaki ang pag aalinlangan ay hindi ko pa rin maatim na pabayaan ang babaeng ito na nag sasabing anak ko ang batang dala nya, maputla sya at mukhang nang hihina.
"Oo nga pala, pasenya na naka limutan ko na ang tungkol dyan. Kanina nung nag tanong ako sa receptionist sa baba may lumapit saking babae narinig ata nya na hinahanap kita e, sya nag turo sakin nitong room mo. Naiwan nya yan kanina nung umalis sya kaya kinuha ko at dinala na rin dito."
Paliwanag nya.
"Babae?"
Taka kong tanong.
"Natanong mo ba kung sino?"
Pag babakasakali kong tanong, malay ko ba kung sino yun. Baka mamaya isa nanamang babae at sabihing may anak ako sakanya diba? Or baka, isa lang sa Gor-Some girls ang nagawi para mang gulo. PSH!
"Hindi e pero tinawag ka nya...."
Putol nya sabi. Sa tingin ko inaalala nya kung ano ba yung tinawag sakin nung babae daw na may dala ng paper bag.
"Hmm... Na.. nam... Ah!! Nampyeon, oo yun nga. "I heard you're looking for nampyeon?" yung tanong nya sakin e."
Parang biglang nang hinga ang mga tuhod ko sa sinabi nya.
Si anae? Nandito sya kanina? Lalo kong naramdaman ang pang hihira ng tuhod ko ng ma-realized ang tinawag nya sakin. Nampyeon? Tinawag nya ko ulit na nampyeon? Bumalik na sya. Bumalik na ang anae ko pero eto pa ang naabutan nya sa pag babalik nya.
BINABASA MO ANG
Please, hold me tight!
RomanceLearn how to let go,hold on, move on, forgive, forget, acceptance, to have trust and faith, how to stand up after every fall, to give love and be love and most specially how to love our selves (again) (GorSome story 3)