Patrick's POV
~Flashback~
Nang makita ko syang umiiyak, nang sabihin ni Troy na buntis sya at tumalikod ako at nag lakad palabas ng kwarto ng mahal ko, hindi ako pwedeng mag pakita ng ganito ako, ang kailangan nyang makita ay isang Patrick na malakas yung Patrick nya na pwede yang kuhanan ng lakas, yung nampyeon nya ang kailangan nya, hindi nya pwedeng makita yung Patrick ngayon na mahina.
"Hayaan nyo muna ako."
Sabi ko kela Jojo at Zec na sumunod sakin habang naka tungo at patuloy sa pag lalakad.
Sumakay ako ng sasakyan ko at nag drive kung saan saan natagpuan ko na lang ang sarili ko sa isang bar at umiinom.
Uminom ako ng uminom hangga't kaya ko, sa totoo lang di naman ako gaano kalakas uminom di din ako madaling malasing kadalasan dalawa hanggang apat na bote lang ako pero ngayon umabot na yata sa sampung bote ng alak ang naiinom ko.
Gusto kong magalit, gusto kong mag wala, gusto kong ilabas lahat ng sakit at bigat na nararamdman ko, gusto kong sumigaw hanggang mawalan ako ng boses, gustong manuntok, gusto kong pakawalan lahat lahat ng kung ano man ang nararamdaman ko para pag wala na ang lahat kaya ko ng akuin lahat ng sakit na nararamdaman nya, kung pwede lang, kung kaya ko lang, pero pano? Pano ko gagawin ang lahat ng yun? Pano ko sya bibigyan ng lakas para lumaban kung ako mismo hindi ko alam kung pano lalaban para sakanya.
Bakit ganito? Bakit kailangan nyang pag daanan ang mga ganitong bagay? She doesn't desereved this. Loving, caring, understanding friend, daughter and girlfriend, handang ibigay ang lahat, uunahin ang iba bago ang sarili nya. Yung masiyahin at sweet/malambing na babaeng kilala ko bakit ngayon... Bakit ngayon, parang nag lahong parang bula. Yung masiyahing "SYA" ngayon walang araw hindi umiiyak, yung "SYA" na laging didikit sayo para mag lambing, na sa tuwing alam nyang pagod ka kahit na wala syang sabihing something sweet makikita at mararamdaman mo yun sa isang action nya lang, pero ngayon makita ka lang nya walang sabi sabing lalayuan ka na nya agad.
Kung maibabalik ko lang ang oras at panahon, kung pwede lang hindi na sana ako umalis at iniwan sya, mas naalagaan ko sana sya, di sana nangyari sa kanya 'to, nandito parin sana yung dating "SYA" I miss her, oh I miss my anae so much.
Nang makaramdam ako ng hilo ay nag desisyon na kong umuwi, tumayo at mag lalakad na sana ako ng may naka bunggo akong isang babae.
"Ms. Ok ka lang?"
Tanong ko
Pero di na nya ako sinagot dahil hinimatay na sya.
Agad kong iniupo nung babae sa pinaka malapit na upuan samin at agad tinawag yung waiter para humingi ng tulong, kinapa ko ang bulsa nya para hanapin ang wallet or ID nya pero ang nakapa ko lang ay isang creadit card, dalawang libo at ang cellphone nya. Yung creadit card at pera ay ibinalik ko sa bulsa nya, yung phone nya lang ang ginalaw ko para naman macontact ang kung sino mang nasa phonebook nya pero may password kaya useless din at binalik ko na lang din sa bulsa nya.
Binalik ko yung tingin ko dun sa babae na mukhang mahimbing nang natutulog. Napag disisyonan kong dalhin na lang sya sa pinaka malapit na hotel dito sa bar.

BINABASA MO ANG
Please, hold me tight!
RomanceLearn how to let go,hold on, move on, forgive, forget, acceptance, to have trust and faith, how to stand up after every fall, to give love and be love and most specially how to love our selves (again) (GorSome story 3)