Pauline's POV
"Pau!"
Tawag sakin ng nanghihinang si Keshia kaya lumapit ako sakanya, umupo sa kama nya at hinawakan ang kamay nya.
"Alam kong sating dalawa mas matindi yung nararamdaman mong sakit kesa sa akin, pero ganun pa man nananatili kang matatag and I am so proud of you. Hanga ako sa tatag mo, sorry kase alam kong naka dagdag pa ko sa sakit at bigat ng nararamdaman mo at salamat kase sa maikling panahon na nag kasama tayong muli ipinaramdam mo sakin na ikaw pa rin yung kakambal ko kahit na sobrang nasasaktan ka na. Maraming salamat, ikaw na ang bahala kela mama and papa ah at kung pwede pati na rin kay baby Carlynn ko, magiging masaya at tahimik ako kung ikaw ang kikilalanin nyang ina."
"Pagod ka ba Keshia? Gusto mo ng mag pahinga?"
Tanong kay Keshia, imbis na sumagot ay tumango na lang sya. One week na kami dito sa hospital, hinanghina na si Keshia.
Si Anne ang kasama ko ngayon dito na nag babantay, sila mama at papa umuwi kanina para kumuha ng mga gamit. Ang babies naman namin ay nasa mom ni Carl, sila daw muna ang bahala nandun din si Meg para tulungan si tita.
"Sige na, pahinga ka na ako na ang bahala sakanila."
Dugtong ko. Kahit nahihirapan akong mag salita dahil sa pinipigilan ko na wag mapa iyak ay pinilit ko pa rin.
"Paki sabi kela mama at papa sorry ah kase di ko na sila nahintay, ayoko ding makita silang umiiyak lalo na si mama at pakisabi na mahal na mahal ko sila lalo na si baby Carlynn. Wag kayong mag alala, gagabayan ko parin kayo, mahal kita kambal."
Sabi nya habang ramdam kong lumuluwag na yung pag kakahawak din nya sa kamay ko na kanina ay medyo mahigpit.
"Mahal na mahal din kita tebal. "Pag kasabi ko nun ay napa ngiti sya ng bahagya.
Simula kase ng mag kita kami ay ngayon ko lang sya ulit tinawag na teBal short of aTE kamBAL.
Unti unti syang pumikit, naramdaman ko na ring bumagsak ang kamay nya na medyo naka angat at dun alam ko... alam kong wala na sya. At alam ko din, payapa sya ng umalis dahil bakas parin dito ang ngiti sa mga labi nya. Nang maramdaman ko ang kamay ni Anne sa balikat ko ay tumayo ako at yumakap sakanya at dun pinakawalan ang luhang kanina pa gustong kumawala.
Ilang minuto lang ang naka lipas ay biglang bumukas ay pinto kaya medyo pinunasan ako ang luha ko at humiwalay kay Anne.
"Anong nangyayari?"
Tanong ni mama na agad nangilid ang luha, alam ko confirmation lang ang kailangan nya dahil alam kong ramdam nya kung ano ang nangyari.
"Gusto na daw po nyang mag pahinga, sorry daw po kung di na nya kayo nahintay ayaw din daw po nyang makita kayong umiiyak."
Pag kasabi ko nun ay sunod sunod pumatak ang luha ni mama at nang lambot buti na lang ay nahawakan sya ni papa, unti unti nya ding tinakpan ang bibig nya gamit ang dalawa nyang palad.
"Mahal na mahal daw po nya kayo."
Dugtong ko at muling napa yakap kay Anne.
Habang inaayos ang labi ni Keshia ay umuwi muna ako para maka kuha ng damit na isusuot ni Keshia, pero bago yun ay dumaan muna ako sa bahay nila Carl para icheck ang mga bata kasama pa rin si Anne.
"Hi Pau, Anne kamusta na si Keshia? Pauwi na kayo?"
Salubong samin ni tita pag dating sa living room nila.
"Kumain na ba kayo ? Gusto nyo bang kumain?"
Buhat ni tita ang anak ko at buhat naman ni Carl si Carlynn at mukhang nag iinjoy silang nag lalaro. Hinalikan ko ang anak ko saka ako naki pag beso kay tita, after nun ay humarap ako kela Carl, nag tama ang tingin namin pero agad kong binawi iyon para tignan ang batang buhat nya.
Nasasaktan ako para sa batang nasa harapan ko, wala syang kaalam alam na ngayon araw... ngayon araw ay nawala na ang inang nag silang sakanya.
BINABASA MO ANG
Please, hold me tight!
RomantikLearn how to let go,hold on, move on, forgive, forget, acceptance, to have trust and faith, how to stand up after every fall, to give love and be love and most specially how to love our selves (again) (GorSome story 3)