Chapter 14 NO!!!

98 1 1
                                    

~After vacation~


Pauline's POV


Mga isang linggo na rin simula nung nangyari yung dun sa vacation. At dun nag umpisa ang pag hihinala ko. Pano kung totoo nga yung nasa isip ko? Hindi pwede, hindi ko kayang tanggapin. Ayoko ko!!


Kahit na natatakot ako sa magiging result at mag katotoo ang hinala kong buntis ako ay bumili parin ako ng pregnancy test kit para malaman kung totoo nga o hindi, pero sana lang talaga HINDI, sana NEGATIVE ang lumabas.


Nandito ako ngayon sa room ko paikot-ikot sa tabi ng bed ko habang hinihintay kong lumabas kung ilang guhit dun sa tatlong pregnancy test kit na binili ko, oo tatlo para sure na sure. Actually, kanina pa nga lumabas yun for sure hindi ko lang magawang tignan kase natatakot ako, baka kase two lines bawat kit ang makita ko.


Pero alam ko kailangan ko ng malaman kung ano ang result. Nang handa na kong tignan ito ay huminto ako sa pag iikot at dahan-dahang lumapit sa bed ko para tignan kung negative nga ba o positive.


"No!!"

Bulong ko ng makita ko yung result.


POSITIVE LAHAT!


Nooo!!!!


NOOOOOO!!!!!


Patrick's POV


Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay nila anae, actually kami ng barkada ang nandito, di ko alam pupunta pala sila dito kaya heto nag kasabay-sabay kami.


"Hi tita!!"

Bati namin kay tita matapos nya kaming pag buksan ng pinto.


Ako: "Si anae po?"


Tita: "Nasa taas!"


"NOOOOOO!!!!!"

Rinig namin sigaw galing sa taas kasunod ng mga kalabog kaya dali-dali kaming tumakbo papunta sa kwarto ni anae.


"Naka lock"

Sabi samin ni tita.

"Anak buksan mo 'to!!!"

Tawag ni tita kay anae habang pilit binubuksan yung pinto pero tilang walang naririnig ni anae.

"Jojo yung keys kasabit sa likod ng pinto sa kitchen."


Pag pasok namin sa kwarto nya ay para ng dinaanan ng bagyo yung kwarto, nasa sahig na yung mga gamit nya yung lampshade, picture frames, stuff toys, yung mga unan nya at yung kama nya ang gulo-gulo na din, wala na sa pwesto lahat.


Sya naman ay nag wawala sa tabi ng kama nya habang paulit-ulit sa pag banggit ng mga salitang...


"No!! Ayoko!! Hindi pwede!!"


Kaya nilapitan sya ni tita at ng girls para pakalmahin.

Please, hold me tight!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon