Pauline's POV
"Anak akin na muna ang anak mo mag pahinga ka na muna sa taas."
Sabi ni mama hindi para sakin kundi para kay Keshia.
Dalawang linggo na simula ng tumira sya dito samin.
At oo, tama ang nabasa nyo. Dito na sila nakatira ng anak nya sanim.
~Flashback~
"Wait!"
Pigil ko sakanya ng may mapansin ako sa batang dala nya kaya nilapitan ko sila at tinignan ng husto yung baby at....
"P-panong???"
"Imposible!..."
Pabulong kong sabi.
"May problema ba?"
Tanong ni Keshia kaya napatingin ako sakanya.
"Keshia ba talaga ang pangalan mo?"
Tanong ko.
"Hindi! Yun lang yung pangalan na binigay sakin ng mga umampon sakin na kinuha sa real name ko. Bakit?"
Sagot nya.
"A-anong pangalan mo?"
Nauutal kong tanong.
.
.
.
.
.
Kesha: "Creshialyn Paulla ---"
"Fernandez."
Pag tatapos ko sa sasabihin nya.
"What? Ibig sabihin?"
Gulat na tanong ng barkada.
"Anong meron?"
Takang tanong ni Keshia.
Imbis na sumagot ay ipinakita ko na lang sakanya yung necklace ko na kaparehas sa necklace na suot ng baby nya, lagi ko 'tong bitbit kahit saan ako mag punta. Yung necklace, letters sya na gold na may silver na heart sa gitna. Mag kabaliktad nga lang yung letters namin, sa kanya kase CPF for Creshialyn Paulla Fernandez yung sakin ay PCF for Pauline Chelsee Fernandez.
Isa lang ang ibig sabihin nito, sya... Si Keshia ang nawawala kong kapatid. Oo may nawawala akong kapatid, nawala sya nung 6 na taon palang ako nag punta kase kami sa park nun tapos nahiwalay sya samin, ang sabi may nakakita daw na may kumuha sakanya. Simula nun din na sya nakita.
And by the way kambal kami mas matanda lang sya ng ilang minuto. At isa pa, kahit kambal kami, hindi kami mag kamukha, hawig lang.
"Kambal?"
Maluha luha nyang tanong sakin.
"Ang tagal ka naming hinanap, kaya mas mabuti pa na sumama ka na lang sakin pauwi. Miss na miss ka na nila mama."
Sabi ko habang nag pupunas ng luha sa mata.
Agad kaming umuwi sa bahay at pag dating namin ay tamang tama na nandun na din si papa.
Una kaming pumasok ni Cha habang buhat ang babies namin kasunod si Anne, sa likod naman nya ay si Kari, Keshia at Meg.
Nasa sala sila at nanonood ng tv, agad din naman silang tumayo para salubungin kami.
"Oh 'bat ang bilis nyo?"
Agad na tanong ni mama.
"Ma, pa! Kumpleto na tayo ulit."
Sabi ko ng di ko mapigilan ang pag tulo nanaman ng luha sa mata ko.
Oo nga't masaya dahil makukumpleto na kami ulit matapos ang mahabang panahon. Malungkot at masakit lang kase alam kong hindi na mag tatagal at may mawawala nanaman.
"Anong ibig mong sabihin?"
Takang tanong ni papa.
Agad namang binigyan nila Cha at Kari ng way si Keshia para makita sya nila mama at papa.
Agad na tumulo ang luha ni mama ng makita si Keshia at halata din dito na hindi halos maka paniwala na nandito na ulit sa harap nya ang anak nyang matagal na nawalay sakanya, si papa naman ang agad nilapitan si Keshia at niyakap, maya maya pa ay animo'y natauhan si mama kaya lumapit na rin sya dito at niyakap sya.
BINABASA MO ANG
Please, hold me tight!
RomansaLearn how to let go,hold on, move on, forgive, forget, acceptance, to have trust and faith, how to stand up after every fall, to give love and be love and most specially how to love our selves (again) (GorSome story 3)