Pauline's POV
"*Ehem* May I have you're attention please!"
Sabi ko ng makuha ko yung mic dun sa MC.
Kasalukuyan pa ring nagaganap ang reception namin dito sa rest house na binili ko before.
Grabe lang ang saya ng nararamdaman ko ngayon. Sino ba naman ang mag aakalang mag kakaroon pa kami ng second weeding ni nampyeon sa mismong 1rst anniversary ng surprise weeding na binigay ng GorSome?
Sa kabila ng nangyari, heto pa rin kami. Mag uumpisa nanaman ng panibagong chapter ng love story namin as husband and wife.
"Ano yan?"
Tanong ng GorSome boys sabay tayo except sa ASAWA KO.
"Nag file ka na agad ng annulment?"
Ako/Nampyeon: "-____-"
Zec: "Bakit naman ganun Pau?"
Jojo: "Kala pa naman namin mahal mo si nampyeon?"
Jed: "Papayag kang mag kasecond weeding tapos mag papa-annul ka lang?"
Troy: "Pano babies nyo?"
Zec: "Kawawa lang sila."
Sunod sunod nila sabi na may pailing iling pa.
Jojo: "Oo nga, tara na! Nag kakalokohan pala tayo dito."
Jed: "Uwian na!"
Troy: "Gawa na lang tayo ng sarili party."
Ako/Nampyeon: "=____= *facepalm*"
Napa face palm na lang kami ni nampyeon dahil sa mga pinag sasasabi nung apat, mga walang patawad hanggang dito pa naman sa second weeding namin bumabanat pa rin.
Buti na lang sanay na sakanila ang mga bisita na natatawa na lang sakanila. Yung mga asawa at girlfriend nila hinila na lang sila pa upo.
"Grabe lang GorSome boys, san galing yung annulment?"
Sabi ko pa rin ng naka mic.
"Ngayon ko pa ba iiwan 'tong mahal ko, e madadagdagan nanaman kami?"
Tanong ko kaya mag kahalong gulat, pag tataka ang nakita ko sakanila lalo na kay nampyeon, ung iba lalo na ang GorSome girls ay pumalaklak na.
"A-anong ibig mong sabihin? B-buntis ka?"
Utal nyang tanong.
GorSome boys: "Ay hindi!!! Ikaw! Ikaw yung buntis Pat!"
GorSome girls: "Slow!!!!?"
.
.
.
.
.
Nampyeon: "Mga sira na ninigurado lang.
"Sure na sure yun nampyeon."
Pag kasabi ko nun ay binuhat nya ko ay inikot.
"Nampyeon! @__@"
Tawag ko pag baba nya sakin.
"Hehe! Sorry na!"
Sabi nya saka nya ko kiniss sa lips kaya yung pag kahilo ko ay napalitan na ng kilig na may halong hiya.
Bakit ba? Oo nga na matagal na kami at isang taon ng kasal pero anong gagawin ko kung yung feeling ko nung una nya kong hinalikan ay yun pa rin yung feeling ko ngayon? Hihi *///*v
~After eight months~
Patrick's POV
"NAMPYEON!!!!!!!!!!!!"
Rinig kong sigaw ni anae kaya napa balikwas ako mula sa pa kakahiga.
4:46AM na ng tignan ko ang wall clock.
"B-bakit? A-anong problema?"
Utal kong sabi.
"Manganganak na ko!!! >__<"
Sabi nya kaya tumayo na ko agad.
"San ka pupunta?"
Tanong nya ng akmang lalabas ako ng kwarto.
"Sa-sa labas tatawagin ko sila mama."
Sagot ko, dito kase nag istay sila mama ngayon e dahil nga sa kabuwanan na ng mahal ko (mother ni anae ah, di mom ko. Bukas pa dating nila galing States)
"Di ko na kaya nampyeon! Pumutok na panubigan ko, tagal mo kaseng gumising e >___<" "LALABAS NA!!!!!!!"
Pag kasabi nya nun ay natataranta akong lumapit sakanya.
"Te-teka anong gagawin ko?"
Natataranta kong tanong.
"Pat naman e, napaanak mo na ko before. Alam mo na gagawin mo."
Pag kasabi nya nun ay tumakbo ako para kunin yung gamit.
"NAMPYEON!!!!!!!!!!!!!"
Sigaw ulit ni anae kaya dali dali at natatarata akong tumakbo ulit papunta sakanya.
Pag lapit ko sakanya ay agad agad syang bumuwelo at umire!
Matapos ang pangatlong ire nya ay lumabas ang aking baby girl.
Para akong natulala ng makita ko ang angel, di ito ang first kong paanakin ko si anae pero feeling ko first time kong gawin 'to. Ang sarap sa pakiramdam buhat ko ngayon ang anak namin ni anae.
"Nampyeon!!! May isa pa!!!!!"
Sabi ni anae na syang dahilan ng pag kagulat ko.
May isa pa? Kambal? Kaya pala ang laki ng tyan nya unlike nung kay Clyde. Nung nag pa ultrasound kase kami isa lang itanong namin e "Kung sure bang healthy ang baby?" Sabi namin wag mag sabi ng kung ano like kung ano ang gender para surprise.
"Teka lang anae! Gupitin ko muna yung pusod."
Sabi ko at agad binalot si baby angel sa towel nya at tumakbo para kunin yung gunting para gupitin yung pusod nya, tss naka limutan kong kunin dahil sa sobrang taranta ko.
Nang makuha ko yung gunting (syempre nilinis ko muna gamit ang alcohol) ay agad kong ginupit ang pusod nila at nang ok na ay bumuwelo nanaman si anae para ilabas ang isa ko pang angel.
Maka lipas ang ilang minuto ay inilabas naman nya ang isang gwapong bata, haha anak ko 'to di mapag kakaila nakuha kapogian ko ^_____________^v
Ginupit ko yung pusod saka ko binalot sa towel ang baby boy ko and then inilapag ko sa tabi ng kambal nya para icheck si anae.
"Anae, okay na lang?"
Sabi ko ng ikulong ko ang mukha nya sa mga palad ko.
"Ang lulusog ng baby girl at baby boy natin anae."
Pag kasabi ko yun ay tumango sya at ngumiti pa rin kahit bakas dito ang pinag daanang hirap sa panganganak.
"Wait lang, dadalhin ko na kayo sa hospital ah."
Pag kasabi ko nun ay agad akong tumakbo palabas para tawagin sila mama.
Di kase nila maririnig ang sigaw dito kase soundproof ang bawat kwarto dito sa bahay namin.
BINABASA MO ANG
Please, hold me tight!
RomanceLearn how to let go,hold on, move on, forgive, forget, acceptance, to have trust and faith, how to stand up after every fall, to give love and be love and most specially how to love our selves (again) (GorSome story 3)